aquarius – the 1 U cant touch Hunyo 30, 2008
Posted by BADoy in General, astrology.Tags: horoscope, kapalaran
16 comments
“Ang kapalaran ay gabay lamang meron tayong free will gamitin natin ito – Madam Rosa”
This entry is a repost from my friendster bulletin, its kinda true for me that’s why I decided to repost it on my blogsite! Do you think it’s true for your birth sign? Whats your take on this?
AQUARIUS – THE ONE U CANT TOUCH (1/20-2/18 )
Great talker. Attractive and passionate. Laid back. Knows how to have fun. Is really good at almost anything. Great kisser. Unpredictable. Outgoing. Down to earth. Attractive. Loud. Talkative. Not one to mess with. Rare to find. Good when found.
GEMINI -HARD LOVER(5/21-6/21)
Outgoing. Lovable. Spontaneous. Not one to mess with. Funny. Excellent kisser. EXTREMELY adorable. good personalities. Loves relationships Addictive. Loud.
CANCER-CRAVES SEX ALOT(6/22-7/22)
Trustworthy. Attractive. Great kisser. One of a kind. Loves being In long-term relationships. Extremely energetic. Unpredictable. Will exceed your expectations. Normally not a fighter, but will if neccessary. Someone loves them right now.
LIBRA- THE PIMP(9/23-10/22)
Caring and kind. Smart. Center of attention. High appeal. Has the last word. Good to find, hard to keep. Fun to be around. Extremely weird but in a good way. Good Sense of Humor!!! Thoughtful. Always gets what he or she wants. Loves to joke. Very popular. Silly, fun and sweet.
PISCES – THE SEX ADDICT(2/19-3/20)
EXTREMELY adorable. Intelligent. Loves to joke. Very Good sense of humor. Energetic. Predict future. BEST kisser. Always get what they want. Very Attractive. Easy going. RARE Find. GOOD when found. Loves being in long relationship. Talkative. Romantic. Caring. NOT one to mess with!!!
LEO – THE SEX MANIAC(7/23-8/22)
Very talkative. Nice to everyone they meet. Their Love is one of a kind. Silly, Fun and SEXY. Have own unique appeal. Irresistible. Most caring person you’ll ever meet! however not the kind of person you wanna mess with…they will kick your ass… You might end up crying…
ARIES- THE PLAYER(3/21-4/19)
Nice. Love is one of a kind. Great listeners Very Good in bed… Lover not a fighter, but will still knock you out. Trustworthy. Always happy. Loud. Talkative. Outgoing VERY FORGIVING. Loves to make out. Has a beautiful smile. Generous. Strong. THE MOST IRRESISTIBLE.
SAGITTARIUS-THE BEST SEXUAL PARTNER(11/22-12/21)
Love to bust. Nice. Sassy. Intelligent. EXTREMELY SEXY. Predicts future. Loves being in long relationships. Has lots of friends. Great talker. Always gets what he or she wants. Also not a fighter, but if they have to, they will also knock the lights out of you if it comes down to it.Cool. Loves to own Geminis’ in sports. Extremely fun. Loves to joke. Smart.
TAURUS- THE BAD BOY OR GIRL(4/20-5/20)
Very high appeal. Love is one of a kind. Very romantic. Most caring person you will ever meet! Entirely creative. Extremely random and proud of it. Freak. Spontaneous. Great at telling Stories. Not a fighter, but will Knock your lights out if it comes down to it. Someone you should hold on to.
CAPRICORN-THE SEXY ONE(12/22-1/19)
Dominant in relationships. Someone loves them right now. Always Wants the last word. Caring. Smart.Sweet. Loud. Loyal. Beautiful. Goofy. Easy to talk to. Everything you ever wanted. Easy to please.Loves to smile.Beautiful laugh. Patient. Cautious. Bit of naughty. The one and only.
SCORPIO – THE VIRGIN(10/23-11/21)
Loves being in long relationships. Likes to give a good fight for what they want. Extremely outgoing. Loves to help people in times of need. Best kisser. Good personality. Stubborn. A caring person. ONE OF A KIND.Gorgeous Smile.Not one to mess with. The best sexual partners in the zodiac. Are the most attractive people on earth!
Great talker. >> this is obvious thats why i have my own blogsite.
Attractive and passionate. >> you can ask bebeko if this is true or not.
Laid back. >> I am very
Knows how to have fun.>> ofcoarse everything needs to be fun and exciting!
Is really good at almost anything. >> ehem, ehem, ehem! maybe true maybe not!
Great kisser. >> yes, i love kissing and _________
Unpredictable. >> when mad, in decision making, and when playing poker
Outgoing. >> not so, i am a home buddy! but sometimes i like to be party animal, dance! dance and dance!
Down to earth.>> not that so, most of people are intimidated with my personality, i don’t know why(maybe i know but i am not paying attention to it.)
Attractive. >> i am very attractive
Loud. Talkative. >> yes, sometimes
Not one to mess with. >> you can mess with me, but not with my family and love ones. You’ll die if you do so!
Rare to find. Good when found. >> i am like a platinum, rare to find but good when found!
= end =
PROUD PINOY – PACQUIAO, lightweight champion Hunyo 29, 2008
Posted by BADoy in current events, proud PINOY.Tags: ABS-CBN News, Laban ni Pacman, Manny Pacquiao, Pacman
11 comments

Pasalamat muna sa pay-per view ni Norman (ka opismeyt ko sa MBB), nakinuod lang kame ng boxing nung lingo! Salamat ng marami at salamat din sa beer at chicha, may libreng nuod na nga live may beer pang kasama! Iba talaga pag malaki sweldo, hahaha! Joke lang pare!
Congrats kay Manny “Pacman” Pacquiao first Filipino na naging lightweight belt champion, alam ko millions of millions of pesos na naman yan dahil nanalo ka, penge naman balato?! hehehe! Congrats, again you’ve made us Filipinos truly proud of you!!! Mabuhay ka, isa kang idolo at bayani ng ating bayan!
trip ko (part II) Hunyo 29, 2008
Posted by BADoy in Life experience, buhay malaysia, lakwatserong BADoy, travel and Leisure.Tags: afamosa, buhay malaysia, matng lawin, melaca elephant, melaka trip, monkey
1 comment so far
= lawin yan kung ano ano pinagagawa sa kanya =

= talentadong mga hayop, ngayon naman nag soccer =
= payatot na baby mongkey =
= kita nyo bako? ako din diko kayo kita e! QUITS lang!=
SPECIAL THANKS TO:
Mitch & JR Suarez, sa kanila yung camera na ginamit nung nag punta kame last November 2007 sa Afamosa.
LABAN NI PACQUIAO VS DIAZ NGAYONG LINGO nuod KAYO!!!

trip ko! (part I) Hunyo 28, 2008
Posted by BADoy in Life experience, buhay malaysia, lakwatserong BADoy.Tags: afamosa, elephant basketball, melaka trip, pabo
4 comments
MELACA TRIP (part I)
Ayus sa alright, TGIF! As promise before, ito yung mga pictures taken sa AFAMOSA Melaca, Malaysia. Ang diko malilimutan ng nag punta kame dito ay nung naki-hitch kami sa 2 babae na empleyado ng AFAMOSA para makarating sa bayan at makauwi sa Kuala Lumpur.
Hope you enjoy my post and please don’t forget your comments!
= mahirap ng mawala so better to have a map=
= buti pa ang elepante marunong mag basketball si mang BADoy hindi, puro shoot lang ang alam heheheh=
= @afamosa, diko alam tawag dyan e, ang hahaba ng leeg=
= @afamosa, pabo ata ang ganda ng pakpak nya sa pwetan nya, pag maganda pakpak daw ang gender nun lalaki pang akit daw nila yun sa mga babaeng pabo para mag love making sila, kung ganyan din ang tao e di lahat na ng lalaki bading kasi makukulay damit namin. hahaha!=
= @afamosa, daga ata yan pero sosi yan kasi ng kinukunan ko camera shy. akalain mo parang sanay na sanay na sya. hahahaha=
Bukas na lang yung second installment.
SPECIAL THANKS TO:
Mitch & JR Suarez, sa kanila yung camera na ginamit nung nag punta kame last November 2007 sa Afamosa.
LONG distance Hunyo 26, 2008
Posted by BADoy in career mode, lab LIFE, muni-muni moments.Tags: buhay malaysia, globe, long distance, love quotes, mr DJ, sharon cuneta
12 comments
dahil close na tayo mga ka blog ko pede bang mag-request? yung paborito kong kanta yung kinanta ni sharon cuneta parang ganito
“Mr. D.J. can I make a request
Puwede ba ‘yung love song ko
Mr. D.J. para sa akin ito
Sana ay okey sa’yo
Hihintayin ko na patugtugin mo
Thank you uli sa’yo …”
joke lang! pacornyhan lang mga ka blog! sa mga bagong bisita, tuloy lang kayo sa tahanan ko at wag kalimutang mag sulat ng comento. sa mga residente naman ay tuloy tuloy lang tayo sa ating kumustahan, chikahan, tawanan, iyakan at kalokohan! Ito na ang request ko, pa eport naman o, paki gawan naman nyoko ng blog’s review sa blog nyo ng makilala naman ang blog ko kasi pang 10th day ko pa lang ngayon so gusto ko rin naman makabatian ang mga ka blog nyo! heheheh! Kahit isang sentence lang sa susunod nyong blog para maimpluwensiyhan naman silang pumasok sa blog ko baka kasi akala nila “SNOB” ako!, tsaka isa pang request (*kapal ko na!) pa add na rin sa blog roll nyo or links! sige na please… cross link ba yung tawag dun…don’t worry add ko rin kayo.. thanks in advance!
naniniwala ba kayo sa long distance relationship? or tingin nyo mag wowork ba yun? yung iba siguro sasabihin hindi yung iba naman oo. ako ang sagot ko naman dyan “as if, i have a choice!” yes, long distance love affair kame ni bebeko kasi she’s working as supervisor/manager sa isang clothing line sa pinas at ako naman dito sa malaysia as programmer/consultant. napaka-ironic di ba kasi sa mga comments nyo sa “sulat 4 bebeko (part I)” akala nyo siguro ay magkasama kame sa malaysia. How I wish pero hindi! L
“madali ba?” nung una hindi, pero ngayon medyo nakakapag-adjust na!Nung mag-one year kame nag decide nako na mag work sa ibang bansa, bakit? Popular na sagot na kagaya kong hohepdobulyu (OFW) mahirap ang buhay sa pinas at walang mangyayari kung sa pinas lang kame pareho. So I decided to work here in malaysia.
“papano yung communication line?” sa high-tech ng panahon ngayon madami namang ways di ba? sabi nga nila “kung gusto mo madami paraan kung ayaw mo madaming dahilan” so every day, I make it a point to talk to her every morning, tanghali, uwian sa opis at before matulog. 4 times or more sa isang araw to para open ang communication line. another way, is yahoo messenger, so pedeng kaming mag usap dun, mag chat, mag webcam at mag show. bastuh! At yung isa via sms, naka roaming naman ang smart number ko so pag nag text sya sakin piso lang ang kaltas or kung unli walang bayad.
“magastos ba?” oo, naman kasi long distance e… pero worth it naman kasi marinig mo pa lang boses nya (*kinilig) sasabihin mong extra rice please!
“twing kelan ka umuuwi at nagkikita?” masuwerte naman ako at minsan may promo sa mga airlines gaya ng air-asia, cebu pacific at malaysian airlines. minsan nakakuha ako ng RM300-RM500(PHP3900-PHP6500) na 2-way ticket. Di ba mura na? so nag kikita naman kame every 3 months or kung may long weekends pede rin. Tara byahe tayo! kahit pagod sa byahe at haba ng time pag iintay sa before mag check-in sa eroplano okay lang pag nakita mo na ang mahal mo at pamilya mo. Asust! Ang tweet!
“nag aaway ba kayo kahit mag kalayo kayo?” oo naman, natural yan. spice yan ng relasyon nyo. nakaka bore ang isang relasyon kung parating tama kayo parero at by the book ika nga! much better na mag away din kayo to test kung gaano katatag kayo pero we opted not do so coz toxic na nga sa work tapos sa relasyon nyo pa ganun din, but pag nagkakagalit or tampuhan we don’t talk to each other na lang kasi para walang masabing masama at di kayo mag kasakitan ng loob. Tinutulog n lng naming. Mas praktikal yun kesa kung yung sinasabi nila na dapat di kayo matutulog ng gabi pag may kagalit kayo. Believe me mas okay yun at nakakagaan ng feeling kasi sa umaga pag gising mo minsann ayus na no need to explain, you both needed space lang talaga! (*e di sa Jupiter kayo pumunta!)
“may balak ba syang mag work sa malaysia?” oo naman meron, kung may chance. pero right now wala pa, siguro much better sa singapore baka pag nakalipat ako yayain ko sya dun na muna para mag try naman nya ang ibang bansa.
“nakapunta na ba sya sa malaysia?” di pa kasi right now di pa nya maiwan ang work nya at nag sisimula palang sya sa kanyang career much better na ma discover nya muna ang mundo nya at ma eksperyens nya ang buhay ng may work.
“papano ang sex life?” next please, no comment. may mga under age na nag babasa. Sa email na lang pede pa.
“kelan ang kasalan?” bukas, pede kayo? Joke lang! siguro 5 years from now. Ideal age siguro yung, 30 anyos nako at nagawa ko na ang mga bagay na gusto ko nakapag enjoy nako sa buhay. Much better na handa nako emotionally at financially para sa buhay may asawa. yey! seryoso?! ahehehe! red horse ng dyan at tsitsa!
long distance relationship or short distance (heheheh) pareho lang yung. depende sa tayo yan, sabi nga ng globe “everything is possible with globe“. as long na malinis ang intensyon mo at para sa future nyo yung gingawa mong sacrifice I think ok lang yun, kung mahal mo isang tao gusto mo kumportable buhay nyo pag nagsama kayo at bumuo na kayo ng sarili nyong pamily? Absence sharpens love, presence strengthens it. nothing more, nothing less… wapak!
May tanong pa kayo? Kung meron pa, comment na, comment pa ng iba ang comment nyo!
=====================================================================
commercial muna: paki read yung blog ni maldito he and the whole ILOILO needs our help! sa madaming pera padalan nyo rin ako…dyok!
TRIP mo ba? Hunyo 25, 2008
Posted by BADoy in General, Life experience, Pilyong BADoy, fRiendship, muni-muni moments, skul bukol.Tags: alog bati, buhay mapua, east building, mapua intramuros, mura, natinal bookstore, skul life, sm manila, trip lang
8 comments
ano bang trip nyo? flashback muna tayo a, kahapon ng nag lalakad ako naisip kong patok sa mga mambabasa ko ang funny na blog kesa sa seryosong topic at pa sweet na blog. so i decided na ipost tong topic na to. medyo matatawa kayo or mag tatanong kung ginawa ko nga ba ang mga bagay na ito nung college ako, oo that was 4 to 8 years ago (just do the math batch 2000 ako tapos na grad ako ng july 2004, di ba tama?) baka maraming umapila bata pako! ahehehe, sa isip at sa puso bata talaga!
na-miss ko ang SM Manila or sa mga taga MAPUA INTRAMUROS dyan ang tawag namin sa SM MANILA ay EAST BUILDING, kasi sa skul ko walang east building, north, west, at south lang. nakakamiss, asust! ito ang makukulit na eksperyens (sige na nga kapasawayan) na ginawa ko sa EAST BUILDING. try nyo din to baka ma-iapply nyo sa pang-araw araw na buhay…
pag-pasensyahan nyo na ang pag-ka sira ulo ko at KSP (kulang sa pansin) nung college ako pero twing naaala ko to natatawa ako sa sarili ko at sasabihin ko sa satili kong ginawa mo talaga yun? heheheh!
TOP SEX SIX
-
maglakad ng pababa sa pataas ng escalator. kaaliw ang feeling kasi parang gumagawa ka ng action movie, na may hinahabol kang kriminal at kunwari ay pulis ka astig di ba? payo sa mga magulang, babantayan nyo mga anak twing manunuod ng mga action films baka gayahin kagaya ko! hehehe
-
makipag-habulan sa security guard. syempre dahil naglakad ka ng pabalik sa escalator, makakuha ka ng kakaibang atensyon at malamang ma bwisit ang mga security guard at pipito ng pag kalakas lakas at pag-kakamalan kang mag nanakaw sa mall. katakot ano? once ko palang nagawa yan…(*proud pa)
-
mag-panggap na may ka EB(eye ball). sa mga sm malls, saan ba ang paboritong eye ball spot? sabay-sabay tayo sa “National Bookstore“! magaling! magaling! magaling! makikita mo sa national ang sandamakmak na tao na naghihintay ng kasama at ka – eb at sabay sabay na nakataas at pinipindot ang cellphone kahit wala namang load. na try namin (hindi lang ako) na mag panggap na ka-eye ball kunwari.
Lady Stranger: Asan na kaya yun? Sabi nya alas dos wala pa. Sabi ko sa National e.
mang BADoy: Miss, kaw ba yung ka eyeball ko? (* sasabihin pa yung kulay ng damit)
Lady Stranger: (*mapapaisip kung sino ang kausap nya dahil hindi naman yun ang description or titingin sa damit nya kung ganun nga kulay ng suot nya)
ang bad ko di ba? wala lang magawa. pasaway lang habang nag-iintay ng mga classmeyts. at may time na mag-kwekwentuhan pa kayo at kunwari ikaw nga yun, matatawa ka lang.tapos sasabihin mo sa kanya pag katapos na hindi ikaw yun. parang na wow mali diba? uso kasi ang wow mali dati, gumawa lang kame ng version namin. mag-iingat sa wow mali baka mabiktima kayo.
-
mag-kunwaring 18 para makapanuod ng PG-18 na movie. siguro naisip nyo PORN movie yung pinanuod namin ano? mali kayo 13ghost yun, kasi di naman nag papalabas ang sm ng R18, PG18 lang. akala nyo a! heheheh. dati kasi 16 years old lang kame so para makapasok ng sinehan makikipag kulitan sa manager ng sm movie haus mag akting aktingan na matanda na sa pamamagitan ng kakapalan ang mukha at lakas ng loob naniwala naman ang pobreng manager. success naman ang ending! mga pinoy nga naman kung lulusot, lulusot di ba? wag nyo ng gayahin lumang style na to.
-
mag-panggap na ka-kilala mo ang taong dimo kakilala. na try nyo na bang kunwari kilala mo sya pero hindi pala? ganito ang script:
IKAW: Oi, kumusta na?!!! (*feeling tuwang tuwa pa at nakita ang nawawalang kaibigan).
STRANGER: Ha? Do we know each other? (*pa slang slang pa)
IKAW: OO, nalimutan mo na ba, sa seminar sa makati last month. (as if may seminar talaga – mang badoy)
STRANGER: A, sa seminar! OO, sino ka nga ulit?
yung iba minsan, mag iisip ba at makikita mo sa kanilang ulo ang isang malaking question mark kung sino ka bang talaga? weird di ba? hahaha! pero masaya yung feeling na, may makulit lang! Again, na wow mali mo sya!
-
mag-panggap na model/artista/dj. pag nag sho shopping kame (ok, window shopping) naisip mo na bang gantihan ang mga saleslady or salesman na pilit kang sinusundan at feeling nila e magnanakaw ka sa shop nila at kukulitin na may sizes daw sila pero kung maka-titig naman sayo parang sinasabing “may pera kaya to? muka namang mahirap” at sabay tingin mula ulo hanggan paa? so dahil nga super KSP, naisip lang namin gumanti sa kanila. nagdala ang barkada ko ng videocam tapos, mag papanggap na model or artista or dj at mag aarte na kunwari ifefeature ang store nila at magsusukat ng damit habang nag video… kulit di ba? tapos habang lalabas kame sa fitting room nag rerecord sa videocam ang kasabwat namin at kunwari ini interbyu pa kame. pag katapos suotin ang mga damit syempre di naman bibili. minsan nga may mabait na manager, natuwa siguro binigyan kame ng tag-iisang damit. free a! minsann try nyo, hehehe!
may mga bagay na nakakatuwa at nakakatwang eksperyens. pero diko sasabihin na tama yan kasi yung iba sasabihing sira ulo ako, at nakakatapak ng kapwa tao or nakaka offend kasi nag sinungalin ka pero sa pag tanda ko proud ako at masasabi ko sa sarili ko na nagawa yun! at masasabing kong pede rin pala ako maging artista or pede rin pala akong mag-panggap!
kayo naman ang mag-bida? mas malala ba ang ginawa nyo nung college kayo? yung wholesome lang yung hindi wholesome email nyo na lang…ahihihi! may mga bata kasi akong mambabasa so dapat mag panggap uling wholesome… ok! ok! ok! baka mapatay ako ni bebeko pag nilagay ko yung mga hindi wholesome na kalokohan ko e. so yan na lang muna… ahehehe!
=================================================================
Bati, uli! Nag-papabati si Mura sa kanya labidobs na Happy Monthsary daw! Nag-email pa yan sakin para lang sabihin na batiin ko daw sila ng pinakamamahal nya. At magkita raw kayo sa dati nyong tagpuan (ayan dagdag ko na lang, maka ganti man lang dahil ginawa mokong taga announce) Dyok lang! Bilang regalo ko ay ifeature ko ang blogsite nya sa blogsite ko pero dapat ako din pag my time ka lang naman… nga pala every week try kong ma-feature ng mga blogs ng mga readers ko para ma-promote din natin ang bawat isa at matuto din tayo sa mga experience at talino ng ating mga blogista. Sabi nga nila, experience is the best way to educate… in my case, wala ata!
ang blog ni mura (click nyo lang na link na yan sa site nya). bali baguhan din yan sa larangan ng pag susulat. astig din naman ang humor at maayos din ang pagsusulat. (paki-transfer na lang sa account ko Php 50,000 for advertising your blog) tuloy kayo sa public toilet ni mura na piso ang ihi at dos ang tae.
sulat 4 bebeko(part I) Hunyo 24, 2008
Posted by BADoy in Life experience, lab LIFE, senti MODe.Tags: love life, romance
16 comments
malapit na pala ang ika-2 taon namin ni bebeko. haizz! parang kailan lang ng pikutin moko at mag-pakilala ka sakin. aminin mo na kasi na love at perst sight ka sakin… alam ko malakas ang appeal ko, gwapo, simpatiko, matalino, matanggad, maputi at magandang panga-ngatawan. Over perfect ika nga! Super Ideal para sa iba. Mala super-hero at matinee idol ang tikas ko. artistahin nga pero wala akong talent kaya di naisipang pasukin ang larangan ng chubiz. ayoko ring hinahabol habol ng fans sa mall, pumirma sa papel para sa autograph at mag-sinungaling sa fans para sa mga endorsement ko sa radio, tv at print ads.
uunahan na rin kita at alam ko na ang sasabihin mo bhebeko “Di kaya, KAPAL mo bebeko!“. Joke lang syempre alam ko naman na hindi ako yung mga bagay na yun ang nagustuhan mo skin kundi ang funny humor ko at magiging sandigan mo sa lahat ng bagay. ang dami na rin nating napag daanan ang dami nating first, pareho tayong first time pumunta sa baguio nung 3rd monthsary natin… first time pumunta sa puerto galera at for the very first time napakilala moko sa kuya mo at ako lang sa naging boypren mo ang pinakilala mo. sa mga ex ng bebeko isa lang masasabi ko ay: belat kayong lahat!

nakita ko yang kapirasong papel na yan sa bag ko, ang sweet kasi gawa mo yan nung isang taon july 7 pa. sabi mo “I heart u“, ano bang ibig mong sabihin dyan? tapos may caption pa sa ilalim na “bhe gisingin mo ko pag nagising ka?” anong tingin mo sakin bhe alarm clock? nag dududa na talaga ako na di moko mahal, sana bumili ka na lang ng alarm clock. Joke lang! Muah!! sabi ko na nga ba iilag ka sa kiss ko… hahaha! Basta alam mo naman na kahit kelan di kita iiwan at ikaw lang ang mahal ko kahit madami pang may gusto sakin (you know, gwapo lang!). ihihihi
Na-compile ko rin yung mga text messages mong sweet, parang na-tinik ang puso ko sa sarap ng nabasa ko! how sweet, how goldilocks!
June 17, 2008
Bhe wag muko pgpapalit kundi papatayin kita. >>> sweet naman ang bebeko! umayon na lang ako mahirap mamamatay ano, ayokong umuwi sa pinas na nakalagay sa balikbayan box.
June 16, 2008
Bsta tandaan mu bhe ako lng un taong mkapgpapaligaya sau wla ng iba. [...] >>> bagay na bagay kame ng bebeko di ba? pareho kaming confident.
June 15, 2008
Ok lng bhe pminsan minsan mngarap ka n gwapo.hahaha eh gwapo k naman s pningn ko e >>> yan ang patunay na LOVE is BLIND.
June 14, 2008
Muah muah love u poh. Bait tlga ng asawa kong gwapo. >>> Nakow! yan ang gusto ko sayo bhe HONEST ka! ihihihi
June 07, 2008
Bhe patay n c rudy fernandez >>> gusto lang ng bebeko na updated ako sa mga chismizz. ihihihi
June 03, 2008
Bhe dko kaya na wala ka sa tbi ko dko po tlga kaya, kaya nangungulila ako ng hus2. Bhe bk mghanap ako ng iba. Dko tlga kya ng wlang ksama. >>> yung unang sentence nakaka touch. yung susunod na linya, Nakngpitongkuba! bebeko talaga nanakot pa! diko alam kung matutuwa ako or magagalit?
June 02, 2008
Happy monthsary para s pnkamamahal qng asawa na si engr.**** ******** n mhal n mhal ko at cia lng mamahalin ko til d end of d world. >>> ang sweet ng bebeko.
A – B – A – N -G – A – N
huwat if? Hunyo 23, 2008
Posted by BADoy in Life experience, fRiendship, senti MODe.Tags: real LIfe, senti MODe, talking to God
17 comments
“[...] di ba kilala mo si mang pons, patay na nung linggo pa!
at si aling zena, naman nung lunes namatay sa dubai pero inuwi na dito [...]“
chismizz nga naman digital na rin noh? text yan ni mader lily (ang tawag namin ng kapatid ko sa nanay namin) nung biyernes buti na lang at tapos nako mag lunch break at malamang ganahan ako sa pag kain nyan dahil may dalawang kapitbahay kaming pumanaw na sa pinas… ang sosyal ng huli akalain mo sa dubai pa namatay!!! joke. joke. joke lang po aling zena, at baka dalawin moko sa malaysia takot pa naman ako sa mu-mu! huuuuuuuuu…
papano kaya kung isang araw sabihin ng doctor sakin? “mang BADoy, may CANCER ka sa UTAK and you will die 3 to 5 years from now” siguro ang isasagot ko lang “Haler, doc! are kidding me? you’re getting in my nerves” jok time na naman. Actuali, one of my closest friend was diagnosed to have a cancer. nung malaman ko siguro na pa-pause lang ako ng 10 seconds. kasi diko alam sasabihin ko sa kanya, di naman pwede na sabihan ko sya ng “okay, lang yan! you will feel better. lahat naman tayo hahantung dyan“.
okay, lang yan >> Nakngpitongkuba! bakit kelan pa naging okay ang may cancer?
you will feel better >> Nang-iinis ka ba? may cancer nga ako di ba? feel better ka pa dyan.
lahat naman tayo hahantung dyan >> napaka-supportive mo naman. gusto mo bigyan mo na lang ako ng kutsilyo at paki sak-sak na rin sa leeg ko!
halos gusto kong maiyak pero di pwede kasi ayoko namang ipa feel sa tao na nalulungkot ako para sa kanya. pero deep inside of my LUNGS umiiyak ako! siguro i will just make the most out of it! siguro quality time para sa kanya and gawin ko na lang yung kaya kung kailangan nya ng tulong. si papa God talaga minsan mahirap estimahin, mapag laro! pero i trust papa God pa rin sa lahat ng decisions nya alam ko naman its for our own good. Para sa friend ko, andito lang ako sa malaysia kung kailangan moko you know the drill. text text na lang mahirap lang ako wala ako pang long distance call or just email me… hehehe. dyok lang baka multuhin mo rin ako pag natigok ka na!
pero hwat if ikaw yun? anong gagawin mo sa remaining time mo and days in your life? sige nga… asahan ko mga komento nyong kaaliw a…
mga kwentong LOVE, BATIan atbp! (hindi ito perst lab) Hunyo 22, 2008
Posted by BADoy in Lab lyf, Life experience.Tags: buhay buhay, lab lyf ni BADoy
9 comments
Alog bati portion muna tayo sapagkat natutuwa ako sa aking mga mambabasa na sa ika-anim araw ko ay dumadami ng dumadami. kulitin ko ba naman ang ibang blogger na basahin ang akong blog, ipost sa status ng YM ko ang blog site ko at ilagay sa friendster. di pa kasama ang mga ka opismeyt ko na pilit kong pinapadalan ng link para basahin araw-araw ang blog ko at mga groups na sinalihan para lang makita nilang may bagong blog ako hahahah!
muli, maraming salamat sa aking mambabasa at wag mag-sawa sa kwentong ka-kulitan pampagising sa opis, skul at kung san-san pa! Siguro nakatulong din ang paulit ulit na pag-refresh ko kung dumadami ba ang blog stats… hakhakhak!!! baka tatlo lang talaga ang nag-babasa ng blog ko sa tunay na LIFe.
Salamat sa mga blogger na sila SuperPAURONG, utakmunggo, kiki, mura, Aling Baby, rimewire, trudis liit, berting, Maldito, enday, gasti, at rowjie na walang sawang nag cocomment sakin! Clap! Clap! Clap! Mahusay, mahusay!!!

actuali naisip kong mag blog para ilagay ang mga kilig moments at drama moments na pang-yayari sa amin ng aking bebeko! medyo madami na kasi kameng pinag-daanan at marami pang dadaanan. akalain mo naging kame ng 19 pa lang sya at 21 naman ako nung mga panahon na yun… matagal tagal na rin pala mag 2 years na kame 10 days from today. pero naisip kong mas masaya pala pag free flow ang topics at di lang iikot sa kwento namin dalawa mas okay ikwento lahat ng napapansin ko at pakikipag sapalaran sa buhay…
If you love someone, you will eat your pride, learn to forgive and move on with your life to be happy again. Which would you rather be? Miserable for life because you needed to teach someone a lesson? Or happy because you have forgiven, forgotten, and have loved again?” – from G-spot
tagos ba ang quote ko hangang lungs? ganun talaga pag-inlove ka kahit mahirap kahit masakit na pero kung mahal mo you won’t let her down and protect her until the end. pero you should also love your self and FAITH sa partner mo. madami ako sasagasaan sa topic na to pero okay lang at may insurance naman ako para dyan.
Unahin natin ang pag-mamahal sa sarili, marami ng entry tungkol dyan pero napaka-simple lang nyan kung di mo kayang mahalin ang sarili mo papano ka mamahalin ng asawa or partner mo? bakit kanyo mga kabisyo? marami akong nakikitang mga magulang na sa sobrang dedicated sa family nila, napapabayaan na ang sarili yung iba kahit ultimo isusubo nila e ibibigay pa sa asawa/partner. dapat tama lang, dapat SAKTO lang! wag sobra wag kulang.. dapat alam yung tamang timpla kung sa pag-luluto tama lang ang asim, tamis, at alat para maging masarap ang lutuin. wag over cooked dahil hindi masarap.. dapat din marunong tayong tumanggi minsan kasi nasasanay na ang partner na dumepende sa atin. tama naman yun kasi isa yan sa rason kung bakit tayo humahanap ng kahalili sa buhay pero dapat nasa tama lang.. wag i-spoiled ang asawa baka ma-take for granted ka..hindi dahil sinaktan natin sila or hindi tayo pumayag sa gusto nila ay hindi na natin sila mahal! mahal natin sila pero dapat nasa ayos, nasa lugar, dapat tama lang!
iba-iba ang pang-lasa natin sa pag-ibig kaya yung sasabihin ko pwedeng may kokontra at pwedeng may aayon sa nasa isip ko. sabi nga nila ang LOVE hindi parang MATH na 1 + 1 = 2, iba – iba ang secret recipe para maging successful pero yung pag-hahanap sa practical partner (not ideal or intellectual partner) ay napaka hirap it will take some time para makita sila pero pag nakita mo na wag mo ng pakawalan. yung iba gusto Funny, smart, nice body, athletic ang partner yung iba gusto mahalin lang sila. iba-iba ang tao iba iba din ang needs parang brand yan ng sabon na tide or brezze… its a matter of preference pero dapat TAMA lang or SAKTO lang!
Faith, for me medyo sagrado ito at mahirap talakayin kasi madaming sensetibo sa paksang ito. pero para sa akin basta alam ko na at the end of the day ako mahal nya at alam kong mahal ko sya okay na yun. Nothing more nothing Less! mahirap manumbat at mag-malinis lalo na pag lalake ka kasi once in a while may kapilyuhan kang nagwa na! at di mo ma-pa pramis na yun na ang huli kahit nga yung ibang couple na umabot na golden anniversary nila na hindi sila naging LOYAL sa isat isa. Yung babae aangal, kasi di ba naging faithful, loyal and honest sila sa partner nila bakit hindi pwede maging ganun. Kung iti-trace back na natin na panahon pa lang ng mga romano ang mga lalake ay hindi talaga loyal kasi madaming asawa or yung iba kapag nalilipat na lugar iba ang asawa sa ibat-iba lugar sa pinas nga di ba ang ibang artista gaya ng tatay ni Bong Revilla at dating Pres. Estrada ay napakarami anak sa kung kani-kaninong babae… hindi ko sinasabing allowed or tama pero darating din yung time na magiging faithful sa aming mga partner. aminin natin na bagamat gusto natin equal ang lalaki sa babae hindi pa handa ang mundo para sa ganitong kalakaran o sistema dahil may mga nanagagawa si malakas na di pwedeng gawin ni maganda at vice versa. batsa kaya niyong intindihin, wag maging katawa tawa at tanga sa partner nyo. go lang! basta mahal nyo. tama na nga doctor lab!
ang tanong lang na iiwan ko sa inyo e handa ka bang isacrifice lahat para sa mahal mo? handa ka bang thru thick and thin kaya mo syang ipag-laban? handa ka bang i-let go sya para sa iba or kamatayan? kung oo ang masasabi ko lang ay: CLAP! CLAP! CLAP! Mahusay, sapagkat TRUE LOVE na nga siguro yan at ano pang hinihintay pakasalan nyo na! And wag na kayong maghiwalay kasi parang business yan pareho kayong lugi o talo! See you tomorrow mga KABISYO!
sa mga susunod na entry ko iiklian ko na lang ang aking post..alam ko yung iba nababagot na kababasa ng mahaba kong nobela.. sa araw-araw ba naman kasi ang dami kong napapansin at nakikita gusto kong isulat at nahihirapan lang akong ayusin ang at isummariza lahat sa iilang words at sentences. try kong mag-post na mga nakakatawang pictures at lugar na napuntahan ko na at kwento tungkol sa aking family…










