jump to navigation

unang LATHALA Hunyo 17, 2008

Posted by BADoy in General.
Tags:
trackback

Dahil sa na-uso ang pag-babasa ng blog sa ibat ibat parte ng mundo ay naisipang kong gumawa ng akin(para maging in! malay nyo sumikat ako at maging mayaman dahil sa blog! lol!), para mai-share ko man lang ang kakapirangot na laman ng utak ko kung meron man, nawa’y may mag aksaya ng panahon para basahin at laitin ang aking mga susunod na lathala.

bago ko sabihin kung ano ang aking plano sa susunod na labas ng aking mga lathala ako muna’y mag-papasalamat sa mga taong naging inspirasyon sa pag-gawa ng walang kwentang blog na ito. Batian na to so itotodo ko na!!! Una na dyan ang astig na si badoodles na sa sobrang hangang hanga ako sa pag-sasa ayos ng kanyang mga titik para maging isang sanaysay. Ikalawa ay ang g-spot ni giselle sanchez na tambling ako sa husay mag-sulat. Sanay kahit papano ay makuha ko ang galing at teknik ninyo sa pag-susulat. Ikatlo ay ang aking pamilya na walang sawang sumusuporta at nagmamahal sakin kahit na pasaway ako. Ika-apat ang akin mahal sa buhay at partner for life na si Bebeko. Ika-lima, syempre si Papa God kailangan pa bang imemorize ito? Bisyo na to!!!

Target ko makasulat ng isang entry kada linggo kung hindi susumpungin ng epidemyang kalat sa pinas ang ‘katamaran‘.Kung bakit ba naman napakasarap matulog ng maghapon at mag-movie marathon twing weekends kesa mag blog or mag-basa ng libro/blog. Di gaya twing weekdays at office hours na palihim pkong nag-babasa sa office ng blog exciting kasi baka mahuli ni boss! Balak ko rin talakayin ang mga sensitibong paksa tulad ng politika, life, work career, pag-ibig, negosyo, finance, current events, family related, religion at ang hilig nating mga pinoy ang shobiz! Ako rin ay mag-susulat ng aking mga paboritong libro na nabasa, pelikulang napanuod, astig na jokes, makabuluhang at makahulugan quotation ng kung sino sinong manunulat, at syempre ang obserbasyon ko sa mga bansang aking napuntahan gaya ng Malaysia, Singapore at Pilipinas at bansang pupuntahan pa lang.

mapapansin nyo rin na sa mga susunod kong lathala na may pag-ka seryoso (sana minsan lang) at mapanuri sa ibat-ibang bagay at issue, normal na siguro sa tao ang manuri at maging kritiko ng kung ano-ano. Tatapusin ko ang aking lathala sa isang quotation mula sa nanay ni giselle sanchez (akala mo kung sino akong ka-close lang si giselle di ba?) hahahah nabasa ko lang sa g-spot.

Blessings are given by the Lord in your hand 4 u 2 pass them 2 others who need it.
You are lucky because the blessings are passed to your hand.
Would you rather be the hand that gives or the hand that asks?”

Sabi nga ng aking guro nung high-school, ang pag-aaral 2 way learning yan, both students & teachers should learn from each other. So I hope thru my blog maaliw at maging makabuluhan naman ang mga sinulat ko para sa inyo! pero kung pera or financial ang kelangan nyo? kay PRES. ARROYO kayo humingi laki ng na kick BACK nya sa ZTE (kung mapapatunayan, ganun tlga may disclaimer kagad baka mademanda ako heheheh!)

Ciao!!! I will post another issue this week.

P.S.

Natapos ang buong lathala ngunit di ako nag-pakilala tama ba? Kaya nga isinama ang tab na ‘About’ para dun ilagay kung sino ako at san ako nang-galing. Tumpak! hindi ako taeng nalaglag lang sa kalabaw. Tao din ako may puso at damdamin! <ouch!!!>

Mga Puna»

1. mura - Hunyo 17, 2008

napaka makabuluhang blog para sa “ispesyal Chayld” gud diyab! ipagpatuloy ang walang kwentang may kabuluhang gawain.

2. Maldito - Hunyo 17, 2008

da maling post ka nag comment at ng plugged….dun ka mismo nag comment sa picture…mag cpmment ka ulit at dun mo ilagay sa sinulat at indi sa picture…

salamat at happy writings…

3. enday - Hunyo 17, 2008

mukang may future ka mang badong,,, pero asan si manang badang?

4. gasti - Hunyo 18, 2008

bagong bago pala tong blog mo..sana makamit mo nga ang minimithi mo rito sa pagba-blog bago ka mahuli ng boss mo :D

5. kiki - Hunyo 18, 2008

adik ka mang badong!!! break a leg! apir!

6. SuperPAURONG - Hunyo 18, 2008

nakakatuwa ka naman. wag ka mag-alala. maraming magbabasa sa’yo. nakakatuwa tlg. hehehe. luking 4ward.

7. SuperPAURONG - Hunyo 18, 2008

maraming salamat.

8. Rowjie - Hunyo 18, 2008

welcome po sa blogging world!

9. Aling Baby - Hunyo 18, 2008

welkam! kapatid sa pagsusulat…sana ay makamit mo ang rurok ng tagumpay sa larangan ng pagsusulat. aabangan namin ang mga entry mo. :)

10. mang BADoy - Hunyo 18, 2008

Salamat sa mga nagsulat sa comment naway ma-meet ko ang expectations nyo sa aking bago adiksyon ang pag-ba blog…kesa naman mangulangot tapos ipapahid sa pader or di kaya sa hawakan sa escalator… kadiri yun!!! :D

11. mang BADoy - Hunyo 18, 2008

SUPERPAURONG

bakit mo naman natanong kung may lablayp nako… meron na e ang lungkot nga kasi taken na so konti na lang ang options… joke lang!!! baka bugbugin ako ng future MISIS Bebeko… hehehe :p

keep readin’ my post, masipag pako kasi bago pa lang so expect mo until next month masipag pako every week may bago…

To all,

yung next entry ko medyo funny din at reality bites… TOP TEN ang title… check tom naka pending for REVIEW tommorow morning post ko!

12. mang BADoy - Hunyo 18, 2008

KIKI

yung promise kong video asa second entry ko check out mo na rin!!! pag-kalat mo na rin sa ka-teatro natin ng makita nila blog ko…hehehe

ENDAY

si manang BADANG, di namin kamag-anak,,, hello???? no offense pero inis ako sa kanya medyo may pag ka tsismosa minsan,,, nga pala COOK namin si manang BADANG.

13. badoodles - Hunyo 23, 2008

mang badboy, talagang una pako sa listahan. maraming maraming tenks. tuloy tuloy lang sa pagbablog. soon ul find ur comfort zone at tuloy tuloy na yan at di ka na tatamaring magblog. cheers!

mang BADoy: @badoodles, idol! wala akong masabi platering naman ang pag bisita mo pag lalagay ng comment pede kong ikamatay to! ahihihihi…

14. pink five - Hunyo 23, 2008

gratz sa bagong blog mo ..

mang BADoy: @pink five, bioman ba to? invite mo na rin ang the rest ng bioman. akala mo kung sino ako ano? aheheheh!