ANNIVERSARY, mga UNAng kaRANASan Hunyo 18, 2008
Posted by BADoy in Life experience.Tags: LIFE experience; Travel
trackback
ang dami kong gustong ipost at ilagay sa blog ko hopefully matapos ko sila lahat this month. may mga nakahanda na akong topic para this month sa dami ng gusto kong isulat e natatakot akong mawala lahat ng aking nasa-isip, syempre kasi limited lang ang laman ng utak ko kaya pag-binenta ko ang utak ko tiyak madami bibili kasi 98% pa ang free sa brain ko at TUMPAK! mahal pag-binenta.
pag-ka gising ko ngayong umaga ang una kong ginawa ay mag-check kung may nag comment sa aking blog buti naman kahit isa ay may bumasa at si pareng gasti yun. salamat ka-blog at pinasaya mo ang araw ko sapagkat may naloko sa aking walang kwentang blog. Kaya naman naisipang kong mangulit sa ym at ipabasa kung kani-kanino ang blog na ginawa ko … Muntik ko ng makalimutan, nangako ako kay kiki na ilalagay ko ang video nya sa blog ko, so mga ka tropa ni mang badoy kuha na ng popcorn at sabay sabay nating panoorin ang rendition nya ng zombie medyo nakakatawa kasi iba yung lengwahe na ginawa nya, sya lang yung nakaka-intindi pero astig yan si kiki kasamahan ko sa teatro nung aking kabataan. Hope more to come from you kikinijelay.
ang daming palatastas! Back to my topic again which is anniversary so dapat ang focus ko e tungkol sa anniversary. Okay okay! tuloy ang ligaya, papasok ako sa banyo ng maalala ko na June 18 pala ngayon, ang isang taon ko sa aking trabaho at isang taon at isang araw sa Malaysia.Yeyyyyyyy!!! buti na lang at nakatiis ang mga Malaysian sa tigasan ng ulo at betlog ko di pa nila ako pina-pa deport sa Philippines.
naalala ko na maraming una sa akin ng dumating ako sa bansang kahawig ng flag ng AMERICA. Kaya inilista ko ang anim sa mga unang experiences na napansin ko na kaaliw-aliw at may kapirangot na aral. sana nga meron actuali sampu ang target ko aba! sinita ba naman ako ng ka-opismate ko at sinabing “be precise and make it short and simple…” sabi ko naman diba nga “mas masarap kapag mas mahaba at matagal…” kaya in the end nanalo parin si kolokoy kaya pinutol ko na lang sa anim. sa susunod ko na lang na entry yung iba hinatayin nyo ang entry ko na PINAKA ang title at mga lugar na pinuntahan ko sa MALAYSIA at SINGAPORE… ayan nag bigay pako ng sneak preview ng mga isusulat ko para lang idea kayo sa next blog ko parang BRIVE yan a…
UNA, ang eksperyens na sumakay sa earplane, biruin mo nung nag-ka TURBULANCE (sa salitang tagalog ay umalog yung earplane) kaya dali-dali akong tumayo, akala ko kasi mag-ka crash na ang eroplano pero dedma lahat ng tao so normal lang pala yun, so para di mapahiya at mapag-kamalang promdi pilipins e tumuloy ako sa comfort room. Pagpasok ko ng CR, nak ng tokwa!!! napansin ko walang tabo (duh! buti na lang at nag-bawas nako ng sama ng loob sa bahay namin bago pa ako sumakay ng eroplano kundi namoblema ako kung paano ako maghuhugas ng puwet sa eroplano,,,, ting! ting! ting! pero naisip ko na pede na siguro ang baso hahahah!) napansin ko din na walang tubig sa inidoro so ng umihi ako at ng i-flush ko ay nagulat ako kasi muntik na akong higupin sa lakas ng hangin humihigop sa flash ng inidoro sa eroplano! Buti na lang malaki ang ulo ko at di kasya sa loob ng inidoro. what an experience!!! akalain mo unang oras palang yun at sangkatutak na katatawanan ang naranasan ko. Matapos ang apat na oras na byahe sa eroplano at lumapag na kame sa LCCT sa Kuala Lumpur (ang capital ng West malaysia).
IKALAWA, ang una sa tatlong salitang akin unang natutunan sa bansang ito ay ang “SELAMAT DATANG” which came frome british word… hindi joke lang di ko alam kung san yan nang-galing pero pag sinabi mo yan ang ibigsabihin lang ay “WELCOME” siguro parang “MALIGAYANG BATI” sa tagalog. Yan kasi ang karatula na aking nabasa sa airport. ang ikalawa naman ay “TANDAS” na ang ibig sabihin ay “COMFORT ROOM/BATHROOM/PALIKURAN”, ihing ihi nako e kaya hinanap ko so pag-pupunta ka ng mga MALL sa MALAYSIA ang unang hahanapin mo ay ang TANDAS… parang sosyal di ba? pag sa pinas hanapin mo ang TANDAS.ang pangatlo naman ay ang “JALAN” ang basa ay ‘dya-lan’ which means e road.
IKATLO, marami rin pala na mga salita na pareho sa mga ginagamit ng MALAY sa tagalog like KANAN, naala ko kasi nung liliko na kame sabi ng driver KANAN daw ba? ininglish ko pa sabi ko “Yes, uncle! Please turn RIGHT” akalain mo magaling pala akong mag-english!!! (pero nag-nose bleed ako nun!!! pramis)
IKAAPAT, napansin ko din kaagad ang CALTEX, MCDO, at PETRON habang nakasakay ako sa TAXI. So pag-ka kita ko sa MCDO sabi ko sa driver “Uncle, can we stop for a moment at Mac Donalds coz I am starving right now!” <akala mo kung sino ako mag-english di ba… minsan lang to! pag sa pinas ako pag-tatawanan ako pag nag-english ako> So nag-order nako ng food dahil wala akong mapili tinanong ko na lang yung best-seller at tinanong ko kung spicy yun, mahilig kasi ang mga asians like malaysia, taiwan, korean, indonesian, thai’s atbp ng maanghang na pagkain baka masayang lang so tinanong ko sa crew. Napansin ko na napakalalaki ng servings nila except the burger na i guess same size lang. yung fries na regular nila e LARGE na sa atin ganun din sa softdrinks.
IKALIMA, astig din ang pag-bilang nila kaya pilit kong kinabisado ang one to five na pag-bibilang nila hahahah…parang tagalog din ang bilang nila pero mali lang ang spelling. satu, duwa, tiga, ampat, lima (one, two, three, four, five). Sabi sa inyo maliit lang utak ko diko makabisado ang six to ten. Pero ang ten alam ko SAMPULU.
IKAANIM, ang flat rate sa taxi sa Malaysia ay 2 ringgit so base on the prevailing rate its almost Php 26.5. So mas mahal pa sa pinas di ba. Grabe naman ang pinas di ba ang mahal kasi ng krudo ngayon unlike MALAYSIA may sarili silang NUCLEAR POWER PLANT at sariling OIL FACTORIES so hindi sila umaangkat sa ibang bansa kaya mura. Okay lang yan naniniwala pa rin ako magagawa din yan ng pinoy kung mag-sisikap at babawasan ang kurakot sa gobyerno. So vote for sa 2010 election baka sakaling may mangyari pag-ako na ang PRESIDENTE sa pinas!
ang dami kong napansin, pero sabi nila normal lang yun sa batang bibo kagaya ko, alam nyo naman ang nanay kong si MANANG BIDAY di lang ako pina-iinom ng am nung bata ako pinaliligo pa nya sakin! Nay, naman o ang lagkit lagkit. how dare yaa! heheheh
P.S.
I will try my best to post an entry in English so HELP ME GOD! I hope my blood is sufficient enough to sustain my life after posting an English entry… nossseeee bleeeeeddddd.
–
huwaw
hohepdabalyu
nkakatuwa naman, hakhak
gudlak na lamang sa ateng layp
XXXxx
in fairness nakakatuwang umawit si kiki a..
nakakahawa ang saya nya.. =)
goodluck sa iyong pagsusulat manong badoy!
aja!
happy anniversary mang badoy at kumander bebeko!!!
ay mali happy anniversary pala for your stay sa malaysia!! =) hehe
maligayang anibersaryo naman dyan.
hindi ko pa napapanod yung vid eh, maya-maya sisilipin ko hehe..okay ba sa Malaysia? Ang weather ba parang pinas din? kasi dito sa UAE, ang ineeet sobra! sana makapag-share ka pa ng mga experiences mo dyan, ikaw pa lang ang kilala kong nasa Malaysia eh hehehe.
galing. galing ng istilo mag sulat…kahelera na ni Bob ong…. pag dumami i-imprenta mu ito at bibili ako…anu namn ang ttile kung nag kataon? talambuhay parin? ibahin mu namn parang kasing sibika t kultura na libro ang title. garicas!
RIMEWIRE
mali naman spelling mo ng ‘hohepdabalyu’ dapat “huhipdobolyu”… mas okie pakingan… heheheh thanks for reading my post…
TRUDIS LIIT
special mention ka sa next entry ko basahin mo bukas at tatawa ka nanaman sakin…kumusta na si TRUDIS TANGKAD? pabasa mo sa kanya ng matuwa naman…
BERTING
aba, ka berting labra akala ko yumao na kayo akalain nyong buhay pa kayo? at parang na predict mo na ang future at hindi ko alam na anniversary namin ni kumander???
ALING BABY
penge naman ako ng ulam kanina dumaan ang pinsan ko sa inyong si TOMAS, naamoy nya raw ang KARE-KARE mo ang SARAP!!
MURA
aba magandang business naisip mo pero papalitan ko talaga ang title… pedeng ganito “mga ginintuang ARAL ni mang BADoy; testamento ng BUHAY at kaluluwa” parang bibliya lang!!! hehehe :p
ALL,
tulog nako isang addiksyong maituturing kong ginagawa ko!!! haizzzz!!!
huwaw mang BADoy! nice! apir! tenjewberrymud sa pagsama ng katarantaduhan kong awit! bwahahaha!!! abangan ang susunod pang mga videos ko! hahaha!!!
grabe… pagkabukas na pagkabukas ng computer, blog mo kagad binasa ko. ang hba ha… grabe sa haba.. nakakatuwa naman ang mga isinulat mo dito. pinagtitinginan n nga ako dito e.
ansaya-saya ng experience mo sa malaysia. grabe (ulit) ang mga nangyari… sana matuloy yung pagpunta namin sa malaysia pra makita kita…. para malibre mo naman ako sa mcdo… nakakatuwa yung servings. natakam tuloy ako. dito kasi sa pinas alam mo namang palaging bitin, palaging tinitipid ang servings. madalang n nga ako mag-fastfood pag lunchbreak dhil mas mura yung mga s tbi-tbi lang. yung mga tipong turu-turu-turu-turo. matakaw pa man din ako. kelangan ilibre mo ako. hehehe. magkausap mn lang tayo ng personal.
naalala ko tuloy yung sa earplain. three times n ko nksakay sa ganon pero never pa akong nakagamit ng cr. naiingit tuloy ako sayo. next time (kung meron pa) magdadala ako ng tabo. natakot ako sa sinabi mong walang tabo. mahirap nang pigilan ang paglabas ng ano kapag nasa langit ka. nung bata pa ako nung una akong makasakay ng earplain. five or six yrs old yata ako nun. at mag-isa lng ako. ewan ko ba sa mga peste kong magulang (promise peste sila dahil wla silang kwenta…) kung bakit nila ako pinalipad papuntang maynila ng mag-isa. buti n lng tatanga-tanga ako nun. natuwa nga ako nun nung may pagkain. meryenda nga lang e. nakakabanas. tetra packed na juice at biskwit ata. hindi ko pa nga alam kung pano ipasok yung straw kaya nagpatulong pa ako sa katabi ko. walang muwang na bata tlg. ano pagkain niyo dun sa earplain? natatakam na nmn tuloy ako. grabe k nman ksi magpaalala. basta pag nagkita tayo o pag nag-hunting mode na ako para tugisin ka, kelangan mo akong ilibre ng Mcdo. hahaha! nagugutom na tlg ako.
gusto ko na rin nga palang matutong magsalita ng salita diyan. ano ba tawag dun? malay? ano ba. kasi diba malaysia… malay ba twag sa language? antanga ko naman… baka maadik ako sa kakahalubilo sa mga taga-malaysia (malay ba tawag dun) kapag nakakasalita na ako.
wah. tatakbo kang presidente ng pilipinas. umuwi ka muna dito,. hehehe. isang taon at isang araw (tama ba) ka na rin. ansayasaya naman. pag tumakbo ka hindi kita iboboto kasi hindi pa ako botante. ay 18 na nga pala ako sa isang taon kaya maboboto na pala kita… magpatayo ka rin sana ng planta ng nuclear power plant dito. bawat barangay meron dapat ha. tapos free service sa bawat bahay. tipong isasalpak na lang yung gripo sa sasakyan. libre pa. hahaha. sana maging presidente ka.
teka teka. andami dami ko nang sinulat. hindi ko na namamalayan ang oras. may mga test pa ko ngayong araw pero inuna kong basahin ang blog mo. hehehe. anlakas mo sakin eh.. sige, hanggang dito na lang. hanggang sa susunod mong pagpaparamdam.
enjoy your day.
SuperPAURONG
isa kang tunay na mambabasa ko… adik ka ba sa KATOL gaya ko? alam mo bang hadlang sa pag-ba blog ang PAG-AARAL??? ako nga baka mag RESIGN na lang kasi super walang ginagawa sa opis namin…
pag-hinunting moko sa MALAYSIA, wala nako dito in a few days lilipat nako sa kapitbahay ng MALAYSIA, ang SINGAPURA kasi mas malaki ang sweldo (wow!! pera, pera, pera, yey! muka kasing pera si mang BADoy) at mas may gagawin ako dun kesa sa MALAYSIA…
gagawin din ako entry next week regarding sa work at career!! for now enjoy nyo muna ang mga entry ko bukas ng umaga add ko yung new entry ko entitle:
mga kwentong LOVE o puso, BATIan atbp!
ciao!!!
mang Badoy..mukhang tuloy na talaga pagpunta mo sa Singapore. hindi ka ba naaawa at iiwanan mo kami sa gitna ng project. lam mo namang bagong module ang binanatan mo na yan. sana intayin mo muna umabot tayo sa convertion stage ng corporate module mo, hane? at kung hindi ano pang maaasahan ng proyektong ito…tsk tsk tsk.
gayunpaman, good luck sa paglipat mo. inaasahan kong lalo kang sisikat sa “Fine Country” Singapore. pagdating mo dun malalaman mo kung bakit ganon tawag sa bansang yan.
mabuhay!!!
mang BADoy: @Norman Botak, uu nga e kaso nag ka problema ang employer ko sa singapore kaya ito naghahanap na naman ng work pero habang wala pa e di dito muna ako malaysia…