top TEN Hunyo 19, 2008
Posted by BADoy in Pilyong BADoy.Tags: batang BADoy
trackback
ang ka opismeyt kong si mavic trudis liit ang naka-isip ng topic na ito. dahil doon kailangan kong sabihin ang pangalan nya,,, biruin mo may special participation pa sya sa aking blog. joke lang mavic pero nag-sisimula na syang gumawa ng blog dahil sa ka utuan ko…heheheh!
nuong bata pa ako, actuali kahit ngayon may mga crazy things akong ginagawa hindi dahil kailangan ko kundi masarap lang ang feeling pag nagawa mo ng ayon sa iyong plano sabi nga ng matatanda “mas masarap ang BAWAL“. kaya naisipan kong isummarize ang mga tingin kong ka pasawayang ginawa ko nung aking kabataan at katatawanan ng maituturing ngayon.
1. paliligo sa bubong habang umu-ulan. nauso kasi nung bata pa ako ang paliligo sa ulan pero kakaiba ang trip ko kasi tumatapat ako sa tapat ng bahay ng kapitbahay namin para sahurin mula sa bubong ang umaagos na ulan,,, opo, TUMPAK! yuck! ako, hindi ko kasi naisip ng bata ako na may posibilidad na mayroong dumi ng mga hayop ang bubong ng kapitbahay namin… haizzzzz, nakakawalang gana kumain!!! next please…
2. pangu-ngupit sa tindahan namin. nung bata pa ako akala ko okay lang ang mangupit kasi pag kumukuha ako ng baon ko ay diretso ako sa kaha kukuha ng pera tapos pag-uwi ng bahay sina saoli ko pero nung nag-high school na ako e hindi na ganun,,, mali pala ang kumuha ng Php 100 sa kaha ng hindi nag-papa alam kay nanay! haizzz piningot tuloy ako ng napa-kasakit sa sobra sabi ko na lang kay nanay ‘bakit hindi kutsilyo ang ginamit nyo kasi konti na lang putol na ang tenga ko’, kumbaga nilamatan lang ni nanay. Pilyo ka kasi badoy!!!
3. Pang-nenenok ng ballpen sa national bookstore. trip-trip lang naming mag babarkada, syempre mga lalaki kame pabidahan kung ano ang makukupit sa national bookstore, pamahalan ba ng makukupit buti hindi ako nag-ka records at malamang bugbog ako sa tatay ko. bata pa lang may criminal mind na ako… hahaha! buti na lang at di ako natuluyan sa pagiging criminal kung hindi wala kayong nababasa entry sa blog ko at malamang busy ako sa pakikipag buno at rambol sa muntinlupa…
4. swimming sa baha. sa mga panahong bata pa ako at di pa naisip ng mga pulitikong mag-invest sa mga kalsada (pansin ko lang kasi twing mag eelection ginagawa ang mga kalsada minsan pa nga kahit kagagawa lang binabak-bak ulit tapos pina-sesementuhan ng bago… haizzz pulito nga naman)…feeling ko kasi nung bata ako parang may malawag na swimming sa amin twing bumabaha… yuck di ba? pero nagawa ko,,,
5. pakikipag away sa parol. nung high school kasi ako nakipag away ako at sak sakan dahil lang sa parol, sirain ba naman ang 2 days na pinag hirapan namin ng tatay ko. so ang ending nung dadalin na kaming 2 ng classmate ko na naka-away ko sa principal’s office ay nag-bati kame at sinabing hindi na uulit pero walang nagawa ang charm ko kasi bata pa… hahhaah! pero di pa rin napatawag ang parents ko diko alam kung san napunta ang pinag-sulatan ng name naming 2 ng classmate ko at di na tinawagan sila mama at papa! wag na makikipag-away mga kids masama yun!!!
6. hindi pag-inom ng vitamins. dahil ayoko uminom ng vitamins nung bata ako kailangan haltakin pa ako ng nanay ko or handaan ng walis ting ting para lang uminom ng vitamins ang ending? napilayan si nanay kasi hinaltak ba naman ako sa kwelyo ayun hindi ako bumitaw nabali tuloy ang daliri nya! pinalo tuloy ako ni tatay… akala ko makakalusot na…
7. vices. syempre pilyong mga lalaki nung bata pa, mag kukulong sa kwarto tapos sama sama at papatayin ang ilaw at manunuod sabay sabay ng porn. hahahah…. nakakadiri ba mga girls? bonding lang yan ng mga guys nung bata pa… ganun din ang pag iinom at pag ta try mag yosi… bonding moments lang ba? kala nyo kayo lang girls…
.
8. cutting classes. syempre kelangan i try din yan… kaso nabagot ako kasi wala naman kaming ginawa kaya nag punta kame sa HARIZON PLAZA which is dati kasi wala pang SM Malls at Harizon lang ang malapit na mall sa school namin na may sinehan kaso di parin kame pinapasok kaya nag BINGO na lang kame kaso umuwi pa rin kameng luhaan… sayang kung nanalo ako sana di nako nag wowork sa MALAYSIA… tingin nyo?
9. pag-tapon ng letter sa parents para pumunta sa skul. e kasi malamang pag di ko tinapon e lagot ako sa tatay ko malamang palo na naman ang aabutin ko or luhod sa monggo or hampas ng walis ting ting… ouch!!! i hate those days na pina-palo ako!
10. eating street foods. kahit na sabi ni nanay na may heba A, B, C, D, E, F hangang Z, wala pa rin dala… hala kain lang!!! sarap kaya ng toknenengs(yung orange na harina na nasa loob ay quail egg), betamaks(dugo ng baboy), kikiam at squid balls, isaw, adidas (paa ng manok) at syempre ang lugaw na may laman loob ng baboy with tokwa and lumpia on the side… kagutom naman!! i miss eating those foods sa manila….
hindi ko sinasabing proud ako at dapat tularan ang mga ginawa ko nung bata pako, experience ko yan nung bata ako at hindi ko maipag-papalit kahit magkanong pera ang ka-kulitan at ka pasawayan nung bata ako. kayo may naitatago ba kayo masayang at makulit na experience nung bata kayo? kung meron comment na at KAIBIGAN USAP TAYO!
ui online ka pala.
mang BADoy: @SuperPAURONG, uu online ako sa YM nga lang. tsaka busy sa pag-eedit ng layout ng blog ko kasi i am looking for a perfect design (as if meron). basta bagay sa character ni mang BADoy. lahat na lang kasi impromptu pati ang pag-gawa ko ng blog na ito.
Pre, nakaka-relate ako sa mga karanasan mo ah. Sa menila din kasi ko nag elementary at hi-skul. In fact, madalas din kami sa Harrison. Tapos sa National Bookstore at sa Cartimar din sa Recto. Kakatuwa basahin karanasan ng iba na kapareho ng skin.
mang BADoy: @Norman Botak, ang tanong ko lang anong karanasan ang meron ka na wala ako… malamang sensored yung sayo pareng Norman. (*apir) sabay (*utot) at (*palakpakan). ihihihi
hi..napadaan lang
sarap talaga balikan yung mga kalokohan ng mga bata pa..lalo na ang pagsswimmming sa baha..ntry ku na minsan ..ang ending..todo palo at sermon ng mahal kong ina..hehe
mang BADoy: @ellieshe, dapat kumaway ka or nag-apir man lang nung dumaan ka. di tuloy kita nakita! uu, tsaka diko pa nga nasama yung pakiki-pag pustahan ko ng karera ng bangka sa estero. at pakikipag buno ko ng sa mga dumaraang sasakyan para punasan ang salamin at instant cash kagad!
–
suri naman sa HUHIPDABALYU
hakhak
elyens tudamaksimum
XXXxx
mang BADoy: @rimewire, uu nga rimewire para ka nga alien tumawa. katakot kasi may hakhak pa! ihihihihi
sheeeeeet! alien ata ako nung bata. bisyo lang ang naranasan ko sa mga pinag gagawa mu. bata pa lang ako ng maisipan kong mag yosi mga 3rd year na…tas pag rerebelde na tawag ko dun…kasi kahit isa sa syam mung sinabi hindi ko nagawa. kasi pinalaki akong hindi pinagbabawalan. malayang nagagawa ang nais na gawin.
keya for the parents dyan at future parents let your kids explore themselves(hahahahaha!) JSM English from sister G. Sanchez.
see yah!
mang BADoy: @mura, alien ka nga mura kumusta si mahal? ibig sabihin walang care sila mader at pader mo se’yo kaya ganun. joke lang! pero nakita mo ba sa NSO birth certificate mo ang pangalan ng nanay at tatay mo baka iba at tama akong allien ka lang. apir! sabay utot! ihihihi
I forgot to give credit to my parents, especially my mom and my dad (HAHAHAHA) thanks for giving me my freedom since I was a kid. Lumaki tuloy akong ALIEN at hindi maka relate sa blog na toh! SHET na malagkit taaga oh!
mang BADoy: @mura, at ginawa mo pang startalk ang blog site ko, ano ka si manay lolit solis may alug-bati,,, cge ok lang yan ngayon basta 60 seconds pag lumagpas sisingilin na kita per seconds.
favorite ko din ang childhood times,
madami din namang sweet and little adventures.. sa likod ng mga palo at pingot nila nanay at tatay.. =)
kaya gamitin ko na din po ang opportunity na to para
i-share sa inyo ang isang kakulitang
nagawa ko nung grade 4 pa ako..
bakasyon..
sa probinsya namin sa nueva ecija..
wala lang.. habang nakatanaw sa malawak na kapatagan..
naakit lang naman ako ng isang puno sa gitna ng kabukiran..
ayun! isinama ko pa lahat ng maliliit na bata sa aming angkan..
sabi ko puntahan namin yung puno..
e nak ng tinokwa..
akala ko malapit lang ang puno.. e pagkalayu-layo pala..
sangkatutak na silat at saldak sa putik ang nangyari sa amin
habang tumatawid sa pilapil (yung makitid na lupa na daanan ng mga magsasaka)..
tapos yung pinakamaliit na bata, e nalubog pa sa putik yung tsinelas nya..
at kahit anong pilit ko pa e hindi ko na nahugot ang isang tsinelas nya..tsk tsk..
well.. although halos mag give up na kami sa layo at sa pagod..
narating din namin ang puno..
mukha kaming mga tanga na nagsisigawan sa tuwa ng marating namin
ang aming destinasyon..
isa pala syang higanteng puno sa malapitan! wahaha!
well..mabuti na lng at may pahingahang kubo sa ilalim ng puno..
super in-enjoy namin ang pahinga dun.. =)
at bilang mga bata.. napakalaking achievement na sa amin
noon na ma reach yung aming ’small’ dream..
hehe
so pagkatapos.. takbo kami pag uwi..super bilis na talaga ang takbo namin..
at kahit hingal na, tuloy pa din sa pagtakbo pauwi..
palubog na ang araw e..
at ayun!
as usual, lahat kami napagalitan ng aming mga butihing mga magulang..
buti daw at hindi kami natuklaw ng ahas..
naglalabasan pa naman daw yun pagdating ng hapon..
nyihihi..
mang BADoy: @trudis liit, magaling! magaling! magaling! pede ng isang entry ang comment mo trudis liit sa sobrang haba… sa susunod kasi gumamit kayo ng telescope para makita nyo kung san ang puno… pero mag-iingat sa mga puno, maraming nuno sa punso… pero tanong ko lang anong height ng nuno sa punso? aprir! ihihihihi
ang sarap talaga bro maging bata. sana magagawa pa rin natin ang tumatakbo habang malakas ang buhos ng ulan. walang pakialam kong may billions of germs and bacteria ang nadadaanan natin. naranasan ko na rin ang mnagupit dahil sa tsokolet na totsirol.
ang saya maging bata!!!
mang BADoy: @gugmagiatay, pede naman yun bro pero pag-titinginan ka lang ng kapit bahay mo at sasabihin baliw ka ba? natuwa naman ako sa tsokolet mo, may kanta yan di ba “tot-si-rol, tot-si-rol, tot-si-rol”… apir! sabay (*utot) at (*tawa).
di ko narinig ang song na yan! pano ba complete lyrics nyan?
mang BADoy: @gugmagiatay, uu nga diko alam complete lyrics diko alam kung ako lang may alam nun o laro yun nung bata kame… sorry diko ma google yung lyrics e! tsuri!