jump to navigation

pekture, pekture! Hunyo 20, 2008

Posted by BADoy in pang PAMILY, senti MODe, travel and Leisure.
Tags: ,
trackback

 

naisip kong wag munang ipost ang nakahanda kong blog para ngayon, papano ba naman… isa na namang nobela ang aking nagawa kahapon dahil sa maaga kong natapos ang aking trabaho <yabang!> papakita ko ngayon ang 2 pictures ng pangatlong pinaka-mataas na building sa buong mundo ang PETRONAS TOWER na nasa KUALA LUMPUR, MALAYSIA. (FYI, Bahasa Malaysia ang tawag sa lenguwahe nila at MALAY or “ma-ley” ang tawag sa mga tao dito) ang thank you pala sa kanilang lengwahe ay TERIMA KASIH. wala lang tenk you lang sa pag babasa nyo ulit ng blog ko. kiss gusto nyo? muah!!! hehehhe :D  

 

 

one, two, three… smile!!!! pekture, pekture para may remember! sabi ng kapatid ko habang kinukuhan nya ako ng picture..ang resulta? ayan check nyo sa kaliwang baba.. asan ako??? diko rin alam post pa ako ng post tapos ng nakita ko buhok ang nakunan siguro di pako pedeng mag-pakita sa inyo sa mga ka blog…selosa kasi si kumander baka awayin ako pag nakita na nag popost ako sa blog ko ng pic. so pakita ko na lang ang pamilya ko…

 

yung nasa gawing baba ay ang aking utol, nanay at tatay sa Petronas Tower. Buti pa ang kuha kita lahat sila samantalang ako buhok ang kita!

 

 

miss ko na family ko, 2 weeks lang sila dito sa KL at 3 days sa SINGAPURA. tuwang tuwa ang aking tatay at kapatid kasi perst tym din nilang mag-travel outside the pilipinas and perst tym din nilang sumakay ng eroplano ay super tuwa ako lang ang malungkot kasi sagot ko silang tatlo e…jok! jok! jok! masakit sa bulsa pero worth it naman yung bonding time ng family ko at yung experience na makapag-travel kame ng sama-sama, di ko kayang bayaran yun ng salapi. pero puro reklamo ang akin narinig sa pag sakay sa eroplano papano daw malamig, sabi ko nama sa kanila malapit sa heaven kaya malamig… <toinks!!!> pilyo talaga!

 

 

Mga Puna»

1. SuperPAURONG - Hunyo 20, 2008

enjoy naman. nakakatuwa. sana makita ko din yan… specific na nga… sana makarating naman ako sa ibang bansa. lagi na lang dito lang sa pinas hehehe.
galing tlg mo sa trabaho. hehehe.

mang BADoy: @SuperPAURONG, nakita mo na naman di ba? astig nga yan super taas at ang daming ilaw ng building aksayado sa kuryente. buti na lang dito walang system loss sa pag compute ng kuryente kunti nalugi sila.

2. saishin - Hunyo 20, 2008

wow! petronas tower.. gusto ko din makapunta dyan..

mang BADoy: @saishin, uu nga ako din gusto ko din ma eksperyens na makunan ng pekture dyan… kainis kasi na utol yan! apir! ihihihi

3. berting - Hunyo 20, 2008

malamig ba tlga sa heaven?? hehe

mang BADoy: @berting labra, aba hindi ko alam. tingin mo ba sakin si san pedro? text mo na lang sya wag ka ng magtipid ng load.

4. Aling Baby - Hunyo 20, 2008

ang ganda naman dyan, grabe kala ko isteyts hehehe…

drim ko din dalhin ang pamilya ko dito kahit sakit sa bulsa atlis makita mo silang masaya diba? priceless yon hehe..

by the way, ang galing ng pagkaka-pictyur ha! parang propesyunal ang kumuha. congrats! :D

mang BADoy: @Aling Baby, uu nga sana may ganyan ako sa kwarto ko para di na kame mag train pa, tinatamad kasi ako maglakad pa e. hakhakhak!

uu nga masaya nga sila malungkot ka naman sa gastos! ahihihihi! joke lang! madir at padir! sa kapatid ko hindi joke yun! loko lang…

aba, aba, aba! may talent pala ako mag pikture pikture. sayad na sayad nga mukha ko sa sahig para lang mabuo ang tower na yan at makita rin sila.

5. mhar - Hunyo 20, 2008

HI MANG BADOY. PADDAN LANG SA BLOG MO. UMM…. SANA MAKAPUNTA DIN AKO JAN.HEHE

mang BADoy: @mhar, salamat sa pag daan mo sa susunod dala ka palabok at puto favorite ko yun e…ahihihi! apir!

try mo rin read yung ibang post ko!

6. Maldito - Hunyo 20, 2008

wow…ang taas..parng tower…aahha..tower nga..pde bang lumundag dyan para naman indi masakit pang landing ko sa baba,.,,kiks,

mang BADoy: @Maldito, congrats pala sa nominasyon mo. sana ako din maabot ko ang iyong kinatatayuan mo ngayon ang layo e asa malaysia ako ikaw sa pinas. hihihi! isa ka ng institusyon sa pag-ba blog… dahil dyan may tatlo kang palakpak sakin (*clap) (*clap) (*clap)

7. rimewire - Hunyo 20, 2008

Ui SUPER TWINS ung building.

hakhak

paglaki ko pupunta aku jan at papasabugin ko yang tawirs.

hakhak

Teka, graduate ka ba ng ECE.

wla lng

elyens morp!

XXXxx

mang BADoy: @rimewire, uu graduweyt nako ng ECE, 4 years ago.. pag pinasabog mo yan hindi ka na lalaki lalo.. ahihihi

8. rimewire - Hunyo 21, 2008

At dahil nasa sidebar ako, ilalagay din kita sa aking balagrowl.

hakhak

elyens

XXXxx

mang BADoy: @rimewire, syempre isa kang suki sa blogsite ko… lagay mo na rin ako sa favorite sa pc mo para di ka na mahirapan mag type pa pag pupunta ka sa site ko at magbasa… ahihihihi! assuming si mang BADoy!

9. kamotenista - Hunyo 24, 2008

wow family bonding kainggit….
how i wish maipasyal ko rin nanay and tatay ko ng ganyan…wink!

mang BADoy: @kamotenista, oo kaya mo yan! just hab some faith on yourself! kahit sa batangas or laguna ok na di na kailangan pang lumayo basta ang importante ay mahalaga na madala mo sila sa lugar na tahimik at may bonding kayong buong family. sossy di ba?