jump to navigation

huwat if? Hunyo 23, 2008

Posted by BADoy in Life experience, fRiendship, senti MODe.
Tags: , ,
trackback

“[...] di ba kilala mo si mang pons, patay na nung linggo pa!

at si aling zena, naman nung lunes namatay sa dubai pero inuwi na dito [...]“

 

chismizz nga naman digital na rin noh? text yan ni mader lily (ang tawag namin ng kapatid ko sa nanay namin) nung biyernes buti na lang at tapos nako mag lunch break at malamang ganahan ako sa pag kain nyan dahil may dalawang kapitbahay kaming pumanaw na sa pinas… ang sosyal ng huli akalain mo sa dubai pa namatay!!! joke. joke. joke lang po aling zena, at baka dalawin moko sa malaysia takot pa naman ako sa mu-mu! huuuuuuuuu…

 

papano kaya kung isang araw sabihin ng doctor sakin? “mang BADoy, may CANCER ka sa UTAK and you will die 3 to 5 years from now” siguro ang isasagot ko lang “Haler, doc! are kidding me? you’re getting in my nerves” jok time na naman. Actuali, one of my closest friend was diagnosed to have a cancer. nung malaman ko siguro na pa-pause lang ako ng 10 seconds. kasi diko alam sasabihin ko sa kanya, di naman pwede na sabihan ko sya ng “okay, lang yan! you will feel better. lahat naman tayo hahantung dyan“.

 

okay, lang yan >> Nakngpitongkuba! bakit kelan pa naging okay ang may cancer?

you will feel better >> Nang-iinis ka ba? may cancer nga ako di ba? feel better ka pa dyan.

lahat naman tayo hahantung dyan >> napaka-supportive mo naman. gusto mo bigyan mo na lang ako ng kutsilyo at paki sak-sak na rin sa leeg ko!

 

halos gusto kong maiyak pero di pwede kasi ayoko namang ipa feel sa tao na nalulungkot ako para sa kanya. pero deep inside of my LUNGS umiiyak ako! siguro i will just make the most out of it! siguro quality time para sa kanya and gawin ko na lang yung kaya kung kailangan nya ng tulong. si papa God talaga minsan mahirap estimahin, mapag laro! pero i trust papa God pa rin sa lahat ng decisions nya alam ko naman its for our own good. Para sa friend ko, andito lang ako sa malaysia kung kailangan moko you know the drill. text text na lang mahirap lang ako wala ako pang long distance call or just email me… hehehe. dyok lang baka multuhin mo rin ako pag natigok ka na!

 

pero hwat if ikaw yun? anong gagawin mo sa remaining time mo and days in your life? sige nga… asahan ko mga komento nyong kaaliw a…

Mga Puna»

1. mura - Hunyo 23, 2008

hindi ko din alam ang sasabihin ko kung ako nasa sitwasyon mu. pero sa 5 years marameng pedeng mangyari, gaya ng pag hihiwalay ni Juday at Ryan Agoncillo, o keya sa panahong ung may boobs na si Jobert Sucardito, o ang pag taas ng bigas dito ng hangang 1hundred per kilo. basta marame pa…hindi mu masasabi.

Every negative thing that happens to your life have positive effects.

mang BADoy: @mura,comment ako dyan later bias ka kilala mo kasi ako e!!! ano ka si madam auring si madam rosa nga mali-mali ang hula!lalo ng nung nanalo yung si miss india ang hula nya bansa daw na letter “V” tapos nung tinanong sya kung bakit mali ang huli sabi ba naman tama naman ako a “VUMBAI” ang nanalo di ba palusot!

2. wifeybee - Hunyo 23, 2008

shocks, ang morbid… siguro nga, we have to live life to the fullest, in case mangyari nga ito, we’ll be ready…

mang BADoy: @wifeybee, kagulat may bago ako bisita salamat sa pag daan!! yup, dapat ready so dapat palaging may trust ka! ang maasahan… heheheh!

3. rimewire - Hunyo 23, 2008

antagal kong nghihintay na may duktor na magsabi saken nian

hakhak

ay, hndi pala ko ngpaptingin sa duktor sins bert

hakhak

elyens lab prank

XXXxx


mang BADoy: @rimewire, dikaya doctor kelangan mo dapat man tatawas ganun di ba pag elyens?

4. Aling Baby - Hunyo 23, 2008

3-5 years? medyo matagal-tagal din yon. marami-raming taym para maka-mit ng maraming friendships tapos kakainin ko na lahat ng paborito kong pagkain, mamamasyal, kakantahin ko na lahat ng peborit songs ko sa videoke, kokontakin ang mga long lost prends, mga ex-bf, ex-crash, makikipag-peace sa mga henemies, me taym pa ba magka-beybi? para naman may little aling baby ako na maiiwan sa mundo tapos ire-ready ko na rin ang huling hantungan para hindi sila mamrublema sa kin kesa naman balutin nila ako ng banig at itapon sa dagat diba?

hindi ko mashado napaghandaan ang sagut ko hahaha!! :lol:

mang BADoy: @Aling Baby, kinarir mo nga ang pag sagot. astig ka!! di ka pala masyong prepared pag nag ka cancer ka ano? joke! thanks for visiting my blog again

5. duskfading - Hunyo 23, 2008

3-5 years na taning? Mejo matagal nga un. And who knows, makuha sa bergin kokonat oil ang paggaling mo. wehhehe.

But if given such deadline, i will seize each day. Pero given na dapat naten pahalagahan ang bawat segundo ng ating buhay. ;)

mang BADoy: @duskfading, oo nga naman pero mahirap talagang mamatay ng di prepared.. pero sabi nga nila di naman ibibigay sayo ang test kung di mo alam ang sagot.

6. berting - Hunyo 23, 2008

meron din akong friend who has the same situation..,, nakakasad ng nalaman ko… i dont know what to say or do,.. but I realized something na nalilimutan nating mga karamihan.. WHen we were young, we’re taught by our teachers to PRAY every MORNING for the new day that God has given us.. and PRAY again at NIGHT that has given us enough time to Rest. In short,, mahalin natin ang bawat segundo ng ating buhay.. so what’s the difference now sa 3-5 years of life compared to 50++ years na life kung di ka nman marunong magappreciate sa life na ibingay sa iyo? In fact .. natuto ako na tanggapin na kayang kaya ni God na bawiin ang buhay ko anytime at kapag nagkataon.. thankful pa rin ako for the time that he has lent me His Life. . Amen.

mang BADoy: @berting, naiyak naman ako sa comment mo pang-blog kasi yan e! hehehe! pero in pernes, may point at tagos hangang LUNGS pati long intestine umabot! si papa God, kasi ganun mag isip.

7. brotherutoy - Hunyo 23, 2008

medyo nag-effort po ang seminaristang it opara mahanap ang bahay nyo. (note to self, wag mahahanap ng blogs sa Google Earth)
ok po kayong magsulat. nay kiliti. hehehe…
God bless!

mang BADoy: @brotherutoy, wow naman nakaka touch at talagang hinanap mo pa ang aking bahay wag kang mag-alala isasama kita sa mga reregaluhan ko ng mga pornographics materials na ako ang bida…

8. trudis liit - Hunyo 23, 2008

grabe manong badoy, tagalog naman ang topic pero nagno nosebleed pa din ako..
well, cguro mas mabibigyan na natin ng value ang bawat oras at bawat araw.. mas mabibigyan na natin ng atensyon ang totoong importante sa buhay natin..

mang BADoy: @trudis liit, sabi ko na nga ba hindi lang tao ang bumibisita sakin pati dwende rin! ano ba salita sa inyo ng mapag aralan at sa susunod yun ang language na gagamitin ko! heheheh! apir!

9. aga - Hunyo 23, 2008

asust…
napadaan lan po :)

mang BADoy: @aga, oi salamat sa pag-bisita tuloy tuloy lang sa pag-babasa hangad ko kasi mapantayan man lang ang gilas at popularity ni badoodles… ikalat lang natin ang akin binhi… aheheheh!

10. Maldito - Hunyo 23, 2008

natatakot akong humantong sa ganyang stage…hu hu hu…sana mabibigyan ko pa mama ko n g magandang buhay bago makaranas ng ganyan..o please lang Lord.

kung ako yan? ala lang..tatahimik lang ako.

mang BADoy: @Maldito, dimo din ba naisip na magkaroon muna ng mga anak bago ka pumanaw? hehehe.. para atleast may remembrance lang ba sa maiiwan mo

11. kamotenista - Hunyo 24, 2008

isang araw hihinto ang oras sa’kin if ever…
magpapa-press conference ako na magbibigay ng 20 million pesos sa mga corrupt na official tapos pagnagsama-sama na sila papasabugin ko ang area….atleast may nagawa ako!..wahaha
hwag muna kuya Jesus…..=(

mang BADoy: @kamotenista, may point ka dyan! may tama ka! pasok ka na sa second round. game ka na ba? sagot? “GAME NA!” pasok mga studio contestants!

12. gugmagiatay - Hunyo 24, 2008

basahin mo dude yung VERONIKA DECIDES TO DIE ni PAULO COELH,such a beautiful novel. ang gist ng story is veronika has everything na in this world and feeling nya masyadong scripted ang buhay. So she dicded to kill herself. unfortunately nabuhay sya and the doctor told her that she has 1 week to live and dun pa nya na appreciate ang ganda ng buhay. pinasok kasi sya sa mental hospital..basta read it n lng.

mang BADoy: @gugmagiatay, ikaw ba si NORMAN? ka opismeyt ba kita… pasaway ka sino to? heheheh! na curious lang ako sure i will try to download it para mabasa at mabigyan kayo ng summary wala bang movie to para 1.5 hours lang? hehehe

13. gugmagiatay - Hunyo 24, 2008

ngek di ako si Norman, di ko kaya kilala ang hinayupak na yun! hehehe..i just done with my research ginagawa pa ang movie version nito at si sarah michelle gellar ang gaganap na veronika…2009 pa ang showing bro kayat just read the book n lng. dont worry i assure u di ka ma bored sa book. after reading it, gugustuhin mo na ring mabaliw at malagay sa MENTAL hospital sa US.

mang BADoy: @gugmagiatay, akalain mo at nag eport ka pa! heheheh! salamat sige promise ko yan babasahin ko kahit chapter one lang! ahehehe! pero kung sa US bako ako malalagay may food ang lodging din ba? naisip ko lang!

14. SuperPAURONG - Hunyo 25, 2008

ayokong magsalita tungkol dito. malalaman mo rin.

mang BADoy: @SuperPAURONG, di muna kelangan sabihin alam ko na utoy! galing yata kami sa lahi ng mga mang huhula… sabi nga nila bonggang bongga!

15. SuperPAURONG - Hunyo 25, 2008

o ayun nga. basahin mo daw yung veronika ni coelho. maganda yun.

16. gugmagiatay - Hunyo 26, 2008

ur welcum mang BADoy..but ang tanong dyan, huwat if mahirap ka? then di ka pwedeng mag palagay sa mental sa US..mahirap ka kaya! isang kahig isang tuka! baka pagkuha mo pa lang ng visa requirements ubos na naipon mo sa matabang baboy! hahhahah

mang BADoy: @gugmagiatay, my pamily are rich! we lib on tondo city!!! mina maliit mo si mang badoy! heheheh

17. gugmagiatay - Hunyo 28, 2008

huwat ig nga por ka mangbadoy..sige erase erase erase..huwat if ur pamily are reach. so ano ngayon? ehehhehe

mang BADoy: @gugmagiatay, nak ng… hehehe sige basa ka lang ng blog heheh!