jump to navigation

sulat 4 bebeko(part I) Hunyo 24, 2008

Posted by BADoy in Life experience, lab LIFE, senti MODe.
Tags: ,
trackback

malapit na pala ang ika-2 taon namin ni bebeko. haizz! parang kailan lang ng pikutin moko at mag-pakilala ka sakin. aminin mo na kasi na love at perst sight ka sakin… alam ko malakas ang appeal ko, gwapo, simpatiko, matalino, matanggad, maputi at magandang panga-ngatawan. Over perfect ika nga! Super Ideal para sa iba. Mala super-hero at matinee idol ang tikas ko. artistahin nga pero wala akong talent kaya di naisipang pasukin ang larangan ng chubiz. ayoko ring hinahabol habol ng fans sa mall, pumirma sa papel para sa autograph at mag-sinungaling sa fans para sa mga endorsement ko sa radio, tv at print ads.

 

uunahan na rin kita at alam ko na ang sasabihin mo bhebeko “Di kaya, KAPAL mo bebeko!“. Joke lang syempre alam ko naman na hindi ako yung mga bagay na yun ang nagustuhan mo skin kundi ang funny humor ko at magiging sandigan mo sa lahat ng bagay. ang dami na rin nating napag daanan ang dami nating first, pareho tayong first time pumunta sa baguio nung 3rd monthsary natin… first time pumunta sa puerto galera at for the very first time napakilala moko sa kuya mo at ako lang sa naging boypren mo ang pinakilala mo. sa mga ex ng bebeko isa lang masasabi ko ay: belat kayong lahat! :P   

 

 

nakita ko yang kapirasong papel na yan sa bag ko, ang sweet kasi gawa mo yan nung isang taon july 7 pa. sabi mo “I heart u“, ano bang ibig mong sabihin dyan? tapos may caption pa sa ilalim na “bhe gisingin mo ko pag nagising ka?” anong tingin mo sakin bhe alarm clock? nag dududa na talaga ako na di moko mahal, sana bumili ka na lang ng alarm clock. Joke lang! Muah!! sabi ko na nga ba iilag ka sa kiss ko… hahaha! Basta alam mo naman na kahit kelan di kita iiwan at ikaw lang ang mahal ko kahit madami pang may gusto sakin (you know, gwapo lang!). ihihihi

 

Na-compile ko rin yung mga text messages mong sweet, parang na-tinik ang puso ko sa sarap ng nabasa ko! how sweet, how goldilocks!

 

June 17, 2008

Bhe wag muko pgpapalit kundi papatayin kita.  >>> sweet naman ang bebeko! umayon na lang ako mahirap mamamatay ano, ayokong umuwi sa pinas na nakalagay sa balikbayan box.

 

June 16, 2008

Bsta tandaan mu bhe ako lng un taong mkapgpapaligaya sau wla ng iba. [...] >>> bagay na bagay kame ng bebeko di ba? pareho kaming confident.

 

June 15, 2008

Ok lng bhe pminsan minsan mngarap ka n gwapo.hahaha eh gwapo k naman s pningn ko e >>> yan ang patunay na LOVE is BLIND.

 

June 14, 2008

Muah muah love u poh. Bait tlga ng asawa kong gwapo. >>> Nakow! yan ang gusto ko sayo bhe HONEST ka! ihihihi

 

June 07, 2008

Bhe patay n c rudy fernandez >>> gusto lang ng bebeko na updated ako sa mga chismizz. ihihihi

 

June 03, 2008

Bhe dko kaya na wala ka sa tbi ko dko po tlga kaya, kaya nangungulila ako ng hus2. Bhe bk mghanap ako ng iba. Dko tlga kya ng wlang ksama.  >>> yung unang sentence nakaka touch. yung susunod na linya, Nakngpitongkuba! bebeko talaga nanakot pa! diko alam kung matutuwa ako or magagalit?

 

June 02, 2008

Happy monthsary para s pnkamamahal qng asawa na si engr.**** ******** n mhal n mhal ko at cia lng mamahalin ko til d end of d world. >>> ang sweet ng bebeko.

  

 

A – B – A – N -G – A – N

 

 

Mga Puna»

1. mura - Hunyo 24, 2008

naki pag naghanap ka ng iba…tutulungan ko xa pa patayin ka…papadala ko dyan ang mga bodi guard ni Madamme President at papapatay kita sa kiliti…pero papaalam muna ko kung mahihiram ko pa sila… [mahal na mahal ka ni bebemo ah]

mang BADoy: @mura, aba, aba, at aba! magsama kayong dalawa ni bebeko! pareho kayong mamamatay tayo… sayang naman ang aking binhi kong papatayin nyo lang ako.

2. madbong - Hunyo 24, 2008

ang sweet nyo naman, siguro maraming langgam sa bahay ninyo :)

mang BADoy: @madbong, diko bang nasabi sa inyo na twing umuuwi lang ako sa pinas kame nagkakasama kasi nag wowork sya sa pinas at ako sa malaysia. lungkot di ba? pero long distance works for us… :(

3. wifeybee - Hunyo 24, 2008

hahaha, ang kulet nyo! natawa ako dun sa papatayin ka pag pinagpalit mo sya…

ako ang sinabi ko sa mister ko nuon eh, makakapatay lang ako, hahaha, mga babae talaga…

mang BADoy: @wifeybee, babae nga talaga! alam mo yan wifeybee… kakaiba rin ang girl instinct ninyo san nyo ba nabili yan para mabili rin ng mga lalake..

4. utakmunggo - Hunyo 24, 2008

“…malakas ang appeal ko, gwapo, simpatiko, matalino, matanggad, maputi at magandang panga-ngatawan….”

ariba lang, kapatid na badoy! blog mo naman to eh. walang kokontra sa yo dito. you have the power! go!

hehehe

mang BADoy: @utakmunggo, ganun talaga syempre mahirap ng sa iba ko pa marinig yan mas magandang ako na mag sabi at unahan ko na kayo…

5. Aling Baby - Hunyo 24, 2008

ang su-swit naman talaga ng mensahe nyo sa isa’t-isa, para bang me pukyutan ng mga langgam ang loob ng selpon nyo hehe…:)

advans hapi anibersaryo sa inyo, nauna na ko sa inyong dalawa. :D

mang BADoy: @Aling Baby, hindi lang pukyutan drum drum pa ata! salamat sa pag-bati! advance happy valentines day din sayo!!! ako nauna a!

6. vhonnjheng27 - Hunyo 24, 2008

ang sweat mo nman mang BaDoy este sweet pala…

nkktuwa, bihira s lalaki ang maging showy s pgmamahal sa kanyang irog…at tama lang n malakas ang ating fighting spirit…nd p man kita nki2ta lam ko “…malakas ang appeal, gwapo, simpatiko, matalino, matanggad, maputi at magandang panga-ngatawan….” hehehe eh anu pakialam nila pahina natin ito…

cool ang ang inyong lambingan hehehhe ipagpatuloy!

exchange link tau kuya huh hehehe

http://www.vhonnjheng.wordpress.com
http://www.vhonnjheng.blogspot.com

mang BADoy: @vhonnjheng27, na add na kita a! add mo rin ako at paki endorse na rin parang model lang may endorsement pang nalalaman… hehehe!

7. trudis liit - Hunyo 24, 2008

oo nga ang sweet nyo ng bebemo..
belated monthsary sa inyo… balato naman jan!
wish ko lang na sana wag syang mauntog..hehe..

mang BADoy: @trudis liit, salamat salamat sa pag-bati!

8. watusiboy - Hunyo 24, 2008

hi mang badoy. padaan sa blog mo.
kasweet nyo naman. naku mang badoy, dapat behave ka. mahirap na, baka totohanin nya yan.

mang BADoy: @watusiboy, ano totohanin na patayin ako or humanap ng iba? hehehehe! ako pa e nagmana ako sa kanya confident! joke lang bebeko! bebehave ako baka makinig ka sa comment ni watusiboy e

9. berting - Hunyo 24, 2008

nice and sweet… two thumbs up!!!

mang BADoy: @berting, two lang kuripot naman! sama mo na yung sa paa bale four dapat!

10. taps - Hunyo 24, 2008

ang cute nyo naman…

mang BADoy: @taps, oist kumusta naman ang negosyo natin dyan! patulong naman mag add ng adsense mo gusto ko rin kumita on the side alam mo na kelangan maging praktical sa ngayon…

11. aga - Hunyo 24, 2008

ang tsuwit nyo naman! nakakatuwa kayo ….
asust.
tenk you pala sa comments. :)
hanggad ko sa inyong dalawa ang walanghumpay na kaligayahan sa isa’t isa. whappaaakkkkkk!!!

mang BADoy: @aga, para naman kaming ikakasal na, wag ka mag aalala pag kinasal kame envited kayo lahat mga ka bloggers… pero dapat may regalo din kayong lahat..di pedeng comments lang! materialistic pa naman ako..dyok!

12. brotherutoy - Hunyo 24, 2008

aba, mang BADoy! buhay na buhay ang bahay mo eh wala pa halos dalawang linggong bukas!

salamat po pala sa pag-add sa akin. touched naman ako nung nakita ko po yung blogroll nyo, nandun na ako. hayaan nyo, kung kailangan nyong magpa-blessing ng blog, bibigyan ko kayo ng malaking discount, may libre pang extra wisik ng holy water.

nakakakilig naman yung mga texts ng misis mo. alam ba nya na naiblog mo na ang mga ito? hehehe… baka magbago ng style ng texting yun! anyway, ok lang basta hindi “who U?” diba?
God bless!

mang BADoy: @brotherutoy, diko pa sya misis magiging misis pa lang hehehe! so pede bang mag bago ang isip ko! dyok lang! ok lang kung mang BADoy, nga pala gawa akong post kung bakit mang BADoy name ko…

ngapala, ok lang ba sayong “Mang” BADoy ang tawag ko sayo?

13. batopik - Hunyo 25, 2008

hahaha!!! wala lang. natatawa ako. ang saya niung dalawa.
“bhe gisingin mo ko pag nagising ka?” hahahahaha! ang taray. ginawa ka talaga niyang alarm clock. hahaha! nakakatawa

mang BADoy: @batopik, syempre para sweet ang buhay ni mang badoy.

14. SuperPAURONG - Hunyo 25, 2008

malapit na pala kayong mag-monthsary. siya nga pala, naalala ko lang, napanood ko dati sa game knb, nung si kris pa yung host, na may tamang term para sa monthsary. m din yung umpisa pero di ko na maalala kung ano yun.

anyway, ayos naman pala tlg. nakakatuwa kayo ng bebemo. ang sweet pa nung nasa papel kahit na ginawa ka ngang alarm clock.

matalino ka pala talaga engr. ****. ayaw talagang sabihin yung name. buti na lang alam ko. salamat at alam ko. honored ako! promis. bilib talaga ko kay engr.

i wish all the best sa relationship niyong dalawa. hindi naman sa pakialamero ako or what. bilib lang talaga ako sa’yo at sa inyong dalawa dahil mahal mo siya at nagmamahalan kayo. maraming ganyan ngayon pero nagkakagaguhan lang din naman pagdating sa dulo. o diba. kaya nga bilib ako sa inyo. kahit ulit-ulitin ko pa, bilib talaga ako sa inyo.

isa ka talagang pagkagwapu-gwapo at pagkabait-bait at pagkasipag-sipag na tao. o tama na nga, baka sabihin mo nambobola pa ako.

o siya, ako’y may exam pa. teka teka, bago ako umalis, sa wakas ay nabukas ko na yung ym ko. kaiinstall ko lang kahapon. add mo na ko. gusot2007.

mang BADoy: @SuperPAURONG, ayus ang buhay mo a matalino na magaling pang mag english!

15. snobero23 - Hunyo 28, 2008

hehe! naaalala ko tuloy ang aking nakaraan! nwei, i’m new here, can yah help me out? like how to be part of a community of readers, how to have one, etc..

tsaka comment kah na rin, criticisms are welcome naman..thanks!

http://snobero.wordpress.com

16. bluish angel - Setyembre 11, 2008

hahaha…i think pom you two is such a darling to each other,yun bang a match made in heaven….i hope mang badoy na habang binabasa ko tong blog mo,eh sana patuloy pa rin ang inyong pagsasama……..

badoy: patuloy pa rin next month nga 27th months na kami… kaya tuloy tuloy lang ang pag-babasa salamat naman at napadaan ka rin sa blog ko hehehe!