TRIP mo ba? Hunyo 25, 2008
Posted by BADoy in General, Life experience, Pilyong BADoy, fRiendship, muni-muni moments, skul bukol.Tags: alog bati, buhay mapua, east building, mapua intramuros, mura, natinal bookstore, skul life, sm manila, trip lang
trackback
ano bang trip nyo? flashback muna tayo a, kahapon ng nag lalakad ako naisip kong patok sa mga mambabasa ko ang funny na blog kesa sa seryosong topic at pa sweet na blog. so i decided na ipost tong topic na to. medyo matatawa kayo or mag tatanong kung ginawa ko nga ba ang mga bagay na ito nung college ako, oo that was 4 to 8 years ago (just do the math batch 2000 ako tapos na grad ako ng july 2004, di ba tama?) baka maraming umapila bata pako! ahehehe, sa isip at sa puso bata talaga!
na-miss ko ang SM Manila or sa mga taga MAPUA INTRAMUROS dyan ang tawag namin sa SM MANILA ay EAST BUILDING, kasi sa skul ko walang east building, north, west, at south lang. nakakamiss, asust! ito ang makukulit na eksperyens (sige na nga kapasawayan) na ginawa ko sa EAST BUILDING. try nyo din to baka ma-iapply nyo sa pang-araw araw na buhay…
pag-pasensyahan nyo na ang pag-ka sira ulo ko at KSP (kulang sa pansin) nung college ako pero twing naaala ko to natatawa ako sa sarili ko at sasabihin ko sa satili kong ginawa mo talaga yun? heheheh!
TOP SEX SIX
-
maglakad ng pababa sa pataas ng escalator. kaaliw ang feeling kasi parang gumagawa ka ng action movie, na may hinahabol kang kriminal at kunwari ay pulis ka astig di ba? payo sa mga magulang, babantayan nyo mga anak twing manunuod ng mga action films baka gayahin kagaya ko! hehehe
-
makipag-habulan sa security guard. syempre dahil naglakad ka ng pabalik sa escalator, makakuha ka ng kakaibang atensyon at malamang ma bwisit ang mga security guard at pipito ng pag kalakas lakas at pag-kakamalan kang mag nanakaw sa mall. katakot ano? once ko palang nagawa yan…(*proud pa)
-
mag-panggap na may ka EB(eye ball). sa mga sm malls, saan ba ang paboritong eye ball spot? sabay-sabay tayo sa “National Bookstore“! magaling! magaling! magaling! makikita mo sa national ang sandamakmak na tao na naghihintay ng kasama at ka – eb at sabay sabay na nakataas at pinipindot ang cellphone kahit wala namang load. na try namin (hindi lang ako) na mag panggap na ka-eye ball kunwari.
Lady Stranger: Asan na kaya yun? Sabi nya alas dos wala pa. Sabi ko sa National e.
mang BADoy: Miss, kaw ba yung ka eyeball ko? (* sasabihin pa yung kulay ng damit)
Lady Stranger: (*mapapaisip kung sino ang kausap nya dahil hindi naman yun ang description or titingin sa damit nya kung ganun nga kulay ng suot nya)
ang bad ko di ba? wala lang magawa. pasaway lang habang nag-iintay ng mga classmeyts. at may time na mag-kwekwentuhan pa kayo at kunwari ikaw nga yun, matatawa ka lang.tapos sasabihin mo sa kanya pag katapos na hindi ikaw yun. parang na wow mali diba? uso kasi ang wow mali dati, gumawa lang kame ng version namin. mag-iingat sa wow mali baka mabiktima kayo.
-
mag-kunwaring 18 para makapanuod ng PG-18 na movie. siguro naisip nyo PORN movie yung pinanuod namin ano? mali kayo 13ghost yun, kasi di naman nag papalabas ang sm ng R18, PG18 lang. akala nyo a! heheheh. dati kasi 16 years old lang kame so para makapasok ng sinehan makikipag kulitan sa manager ng sm movie haus mag akting aktingan na matanda na sa pamamagitan ng kakapalan ang mukha at lakas ng loob naniwala naman ang pobreng manager. success naman ang ending! mga pinoy nga naman kung lulusot, lulusot di ba? wag nyo ng gayahin lumang style na to.
-
mag-panggap na ka-kilala mo ang taong dimo kakilala. na try nyo na bang kunwari kilala mo sya pero hindi pala? ganito ang script:
IKAW: Oi, kumusta na?!!! (*feeling tuwang tuwa pa at nakita ang nawawalang kaibigan).
STRANGER: Ha? Do we know each other? (*pa slang slang pa)
IKAW: OO, nalimutan mo na ba, sa seminar sa makati last month. (as if may seminar talaga – mang badoy)
STRANGER: A, sa seminar! OO, sino ka nga ulit?
yung iba minsan, mag iisip ba at makikita mo sa kanilang ulo ang isang malaking question mark kung sino ka bang talaga? weird di ba? hahaha! pero masaya yung feeling na, may makulit lang! Again, na wow mali mo sya!
-
mag-panggap na model/artista/dj. pag nag sho shopping kame (ok, window shopping) naisip mo na bang gantihan ang mga saleslady or salesman na pilit kang sinusundan at feeling nila e magnanakaw ka sa shop nila at kukulitin na may sizes daw sila pero kung maka-titig naman sayo parang sinasabing “may pera kaya to? muka namang mahirap” at sabay tingin mula ulo hanggan paa? so dahil nga super KSP, naisip lang namin gumanti sa kanila. nagdala ang barkada ko ng videocam tapos, mag papanggap na model or artista or dj at mag aarte na kunwari ifefeature ang store nila at magsusukat ng damit habang nag video… kulit di ba? tapos habang lalabas kame sa fitting room nag rerecord sa videocam ang kasabwat namin at kunwari ini interbyu pa kame. pag katapos suotin ang mga damit syempre di naman bibili. minsan nga may mabait na manager, natuwa siguro binigyan kame ng tag-iisang damit. free a! minsann try nyo, hehehe!
may mga bagay na nakakatuwa at nakakatwang eksperyens. pero diko sasabihin na tama yan kasi yung iba sasabihing sira ulo ako, at nakakatapak ng kapwa tao or nakaka offend kasi nag sinungalin ka pero sa pag tanda ko proud ako at masasabi ko sa sarili ko na nagawa yun! at masasabing kong pede rin pala ako maging artista or pede rin pala akong mag-panggap!
kayo naman ang mag-bida? mas malala ba ang ginawa nyo nung college kayo? yung wholesome lang yung hindi wholesome email nyo na lang…ahihihi! may mga bata kasi akong mambabasa so dapat mag panggap uling wholesome… ok! ok! ok! baka mapatay ako ni bebeko pag nilagay ko yung mga hindi wholesome na kalokohan ko e. so yan na lang muna… ahehehe!
=================================================================
Bati, uli! Nag-papabati si Mura sa kanya labidobs na Happy Monthsary daw! Nag-email pa yan sakin para lang sabihin na batiin ko daw sila ng pinakamamahal nya. At magkita raw kayo sa dati nyong tagpuan (ayan dagdag ko na lang, maka ganti man lang dahil ginawa mokong taga announce) Dyok lang! Bilang regalo ko ay ifeature ko ang blogsite nya sa blogsite ko pero dapat ako din pag my time ka lang naman… nga pala every week try kong ma-feature ng mga blogs ng mga readers ko para ma-promote din natin ang bawat isa at matuto din tayo sa mga experience at talino ng ating mga blogista. Sabi nga nila, experience is the best way to educate… in my case, wala ata!
ang blog ni mura (click nyo lang na link na yan sa site nya). bali baguhan din yan sa larangan ng pag susulat. astig din naman ang humor at maayos din ang pagsusulat. (paki-transfer na lang sa account ko Php 50,000 for advertising your blog) tuloy kayo sa public toilet ni mura na piso ang ihi at dos ang tae.
Una ko! Well lage naman eh! Mang Badoy salamat sa pagpopromote ng site ko. Salamat din kay Aling Baby dahil siya ang pang 5ng reader ng blog ko hehehehe. maloko ka talaga Mang Badong pagkatapus mung pagmalaki ang mga pinagagawa mu sasabihin mu ngaung wag itong pamarisan. Ang lagay ikaw lang ang feeling artista, feeling wow, looking mamaw.joke
Salamat sa pagpromote Mang Badong at para sa labidobs ko, kung nasan ka siguraduhin mung d kita mahuhuling may iba kung di…..
hehehe ginawa ko namang programa sa TV tong site mu puro ko bati…hehehehe
mang BADoy: @mura, paburger ka naman kasi may 5th reader ka na! burger! burger!
yung number wan until now ginagawa ko pa, hahahaha – sarap na exercise yon no. at eto pa, yung mangolekta ng menu sa mga restos, hehehe
mang BADoy: @kengkay, uu nga nalimutan ko nga rin i-add yung pangunguha ng kitchen utensils gaya ng kutsara, tinidor at kutsilyo sa fud court..hehehe! tsaka yung number sa mga resto… kelangan yun number two kasi yun ang monthsary namin ng bebeko! kulimbat ba ang tawag dun…
“mag-panggap na ka-kilala mo ang taong dimo kakilala.”
na-try ko ‘to minsan….wahaha
wala lang na pag-trip ang isang events coordinator…wahaha
mang BADoy: @kamotenista, congrats at ikaw ang pang #95 na nagcomment sakin sa ika-8 araw ko at gaya ng pinamimigay kong regalo ay makakatanggap ka ng pambihirang collectors item na porno na ako ang nag direk at ako rin ang bida! dyoK! ayus yan sa teknik teknik sa mga chix!
uyyy, kakatuwa naman tong entry mo…reminisce..reminisce!! hehe. tambay din kami ng SM Manila dati at nakikita ko rin yung me mga ka-EB sa labas ng National Bookstore hehe…lagi tuloy trapik dun sa area na un.
salamat mura sa iyong spatial mensyon
, bloghopper tlaga ako. hindi grasshopper haha, lagi me bibisita sa blog nyo ni mang BADoy.
mang BADoy: @Aling Baby, alam mo ba nalulungkot ako kasi umuonti ang tao na bumibisita sa bahay ko… haiz!
haha! ang adik.. nasubukan ko na jan ang umakyat sa pababang eskaleytor.. hehehe..
ang saya! da best parang nasa outer space. haha! [kala m kung nakapunta na ako sa OS eh noh. haha]
ang trip namin mangsitsit… o kaya umupo sa mga sofa na may nakalagay na “thank you for not sitting”hahahahahaha! xD buti walang gurad na humahabol.
ay nako. nanood kami ng resident evil 3 noon, eh R13 yun.. tapos ba naman ayaw akong payagang manood. R13 daw!!! heller!!! 17 na po akoooo!!! panood na ng Resident evil. haha! la lang po. nagenjoy magkwento. hehehe.. xD
mang BADoy: @batopik, congrats pareho tayong adik nung bata pa tayo ang kaibahan lang natin hangang ngayon ako adik pa rin. hehehe!
mag-panggap na model/artista/dj. — eto ang matindi.. mang BADoy grabeng trip ito ah. wehehe
mang BADoy: @linapuhan, syempre iba na ang maging mang BADoy!
malala ang sakit mo mang bad. hehe
ako nama’y mild lang dahil ang tanging naaalala kong kalokohan ay hanapan ng poster ni dick israel yung isang saleslady sa bookstore sa may amin. pero imperness nahirapan siya sa paghahanap ha, at tinanong pa niya yung supervisor niya kung meron.. at ang ending e wala raw “stock”. haha as if naman may poster talaga si dick israel.
mang BADoy: @utakmunggo, dapat si garry lising na lang! humanap ka ng single nya baka meron… ahehehe!
nakakatuwa naman. ang buhay college talaga. maraming nangyayari. ako man, sa sobrang dami, di mo na aasahan na ginawa ko yun. hindi lang pwede mabanggit. sabi mo nga, dapat magpanggap na wholesome para masaya.
once pa lang ako nakapunta dun sa sm manila. kahit na malapit lang naman yun sa skul ko. minsan nga gagayahin ko yung mga nagawa mo dati… pero nagawa ko na rin yung mga un e. mas malala pa nga e. yung maglakad ng ganung way sa elevator. makipaghabulan sa guard, at sa saleslady… hehehe. nakakainis talaga yung mga titig nila no. natatawa talaga ako. kaya akong namamansin ng mga salesperson… nakakabanas lang naman e. suplado tlg ako sa personal promis.
isang beses pa lang ako nakapasok sa R-18 na palabas. 16 years old pa lang ako nun. niyaya ako nung frend kong lalaki.. matangkad siya kaysa sa akin kaya siguro pinapasok na lang kami. hinanapan pa nga kami ng id e. nakakatawa tlg yung experience na yon. hindi yun porn ha. sa bahay lang. sa sinehan, yung mga tipong gory ang theme ng movie kaya naging R-18. tama, kung lulusot, lulusot. mahilig tayo sa mga palusot e. diyan ba mahilig din ang mga taong magpalusot? mukhang dito lang sa pilipinas.. tatak pinoy na ba. hehehe.
pangalawang taon ko na to sa college at sa ikli ng panahong iyon, marami na rin pala akong naranasan. mas masaya pala no kapag matanda ka na (ooops… no offense ha) tapos aalalahanin mo yung mga nangyari sayo nung college ka. anlakas pala ng trip mo… sana naging katropa kita noong araw. hehehe. pero mukhang napakamasayahin mo. hehehek. tawa na lang ako ng tawa.
ito na naman ang inuna ko pagkabukas na pagkabukas ng laptap. go, mang badoy. teka, bakit ba talaga nakacapital yung BAD… palaging ganun, may mga capital letters sa umpisa. di ko kuha kung emphasis mo ba yun o wala lang. sana ma-enlighten na ako para makatulog na ako kapag gabi.
uli, natutuwa ako dahil marami ka nang mambabasa. isa ka nang idol ng bayan. yahu!!! pa-burger ka naman. yung libre ko ha. (pinipilit tlg e no?!) hanggang sa muli na lang. marami ka pa namang readers diyan. nakakatuwa ka. ipagpatuloy mo lang ang pagsusulat. may test pa ko sa mga klase ko kaya kelangan ko nang mag-aral. mabuti na lang maaga akong pumasok kundi inabutan ako ng ulan. tanong lang bago ako magpaalam (parang yung dun sa isang post mo lang e no), umuulan din ba diyan? bumabagyo din ba? (napaka-lame ng tanong ko, sensya… para makatulog na ako… lagi akong nababagabag e).
hindi mo pa ko ina-add. argh.
mang BADoy: @SuperPAURONG, walang ym sa opis sa bahay meron. pagdating ok? ikalat mo din ang blog ko!