jump to navigation

LONG distance Hunyo 26, 2008

Posted by BADoy in career mode, lab LIFE, muni-muni moments.
Tags: , , , , ,
trackback

dahil close na tayo mga ka blog ko pede bang mag-request? yung paborito kong kanta yung kinanta ni sharon cuneta parang ganito

 

“Mr. D.J. can I make a request

Puwede ba ‘yung love song ko

Mr. D.J. para sa akin ito

Sana ay okey sa’yo

Hihintayin ko na patugtugin mo

Thank you uli sa’yo …”

 

joke lang! pacornyhan lang mga ka blog! sa mga bagong bisita, tuloy lang kayo sa tahanan ko at wag kalimutang mag sulat ng comento. sa mga residente naman ay tuloy tuloy lang tayo sa ating kumustahan, chikahan, tawanan, iyakan at kalokohan! Ito na ang request ko, pa eport naman o, paki gawan naman nyoko ng blog’s review sa blog nyo ng makilala naman ang blog ko kasi pang 10th day ko pa lang ngayon so gusto ko rin naman makabatian ang mga ka blog nyo! heheheh! Kahit isang sentence lang sa susunod nyong blog para maimpluwensiyhan naman silang pumasok sa blog ko baka kasi akala nila “SNOB” ako!, tsaka isa pang request (*kapal ko na!) pa add na rin sa blog roll nyo or links! sige na please… cross link ba yung tawag dun…don’t worry add ko rin kayo.. thanks in advance!

 

 

 

naniniwala ba kayo sa long distance relationship? or tingin nyo mag wowork ba yun? yung iba siguro sasabihin hindi yung iba naman oo. ako ang sagot ko naman dyan “as if, i have a choice!” yes, long distance love affair kame ni bebeko kasi she’s working as supervisor/manager sa isang clothing line sa pinas at ako naman dito sa malaysia as programmer/consultant. napaka-ironic di ba kasi sa mga comments nyo sa “sulat 4 bebeko (part I)” akala nyo siguro ay magkasama kame sa malaysia. How I wish pero hindi!  L

 

madali ba?” nung una hindi, pero ngayon medyo nakakapag-adjust na!Nung mag-one year kame nag decide nako na mag work sa ibang bansa, bakit? Popular na sagot na kagaya kong hohepdobulyu (OFW) mahirap ang buhay sa pinas at walang mangyayari kung sa pinas lang kame pareho. So I decided to work here in malaysia.

 

papano yung communication line?” sa high-tech ng panahon ngayon madami namang ways di ba? sabi nga nila “kung gusto mo madami paraan kung ayaw mo madaming dahilan” so every day, I make it a point to talk to her every morning, tanghali, uwian sa opis at before  matulog. 4 times or more sa isang araw to para open ang communication line. another way, is yahoo messenger, so pedeng kaming mag usap dun, mag chat, mag webcam at mag show. bastuh!  At yung isa via sms, naka roaming naman ang smart number ko so pag nag text sya sakin piso lang ang kaltas or kung unli walang bayad.

 

magastos ba?” oo, naman kasi long distance e… pero worth it naman kasi marinig mo pa lang boses nya (*kinilig) sasabihin mong extra rice please!

 

twing kelan ka umuuwi at nagkikita?” masuwerte naman ako at minsan may promo sa mga airlines gaya ng air-asia, cebu pacific at malaysian airlines. minsan nakakuha ako ng RM300-RM500(PHP3900-PHP6500) na 2-way ticket. Di ba mura na?  so nag kikita naman kame every 3 months or kung may long weekends pede rin. Tara byahe tayo! kahit pagod sa byahe at haba ng time pag iintay sa before mag check-in sa eroplano okay lang pag nakita mo na ang mahal mo at pamilya mo. Asust! Ang tweet!

 

nag aaway ba kayo kahit mag kalayo kayo?” oo naman, natural yan. spice yan ng relasyon nyo. nakaka bore ang isang relasyon kung parating tama kayo parero at by the book ika nga! much better na mag away din kayo to test kung gaano katatag kayo pero we opted not do so coz toxic na nga sa work tapos sa relasyon nyo pa ganun din, but pag nagkakagalit or tampuhan we don’t talk to each other na lang kasi para walang masabing masama at di kayo mag kasakitan ng loob. Tinutulog n lng naming. Mas praktikal yun kesa kung yung sinasabi nila na dapat di kayo matutulog ng gabi pag may kagalit kayo. Believe me mas okay yun at nakakagaan ng feeling kasi sa umaga pag gising mo minsann ayus na no need to explain, you both needed space lang talaga! (*e di sa Jupiter kayo pumunta!)

 

may balak ba syang mag work sa malaysia?” oo naman meron, kung may chance. pero right now wala pa, siguro much better sa singapore baka pag nakalipat ako yayain ko sya dun na muna para mag try naman nya ang ibang bansa.

 

nakapunta na ba sya sa malaysia?” di pa kasi right now di pa nya maiwan ang work nya at nag sisimula palang sya sa kanyang career much better na ma discover nya muna ang mundo nya at ma eksperyens nya ang buhay ng may work.

 

papano ang sex life?next please, no comment. may mga under age na nag babasa. Sa email na lang pede pa.

 

kelan ang kasalan?” bukas, pede kayo?  Joke lang! siguro 5 years from now. Ideal age siguro yung, 30 anyos nako at nagawa ko na ang mga bagay na gusto ko nakapag enjoy nako sa buhay. Much better na  handa nako emotionally at financially para sa buhay may asawa. yey! seryoso?! ahehehe! red horse ng dyan at tsitsa!

 

long distance relationship or short distance (heheheh) pareho lang yung. depende sa tayo yan, sabi nga ng globe “everything is possible with globe“. as long na malinis ang intensyon mo at para sa future nyo yung gingawa mong sacrifice I think ok lang yun, kung mahal mo isang tao gusto mo kumportable buhay nyo pag nagsama kayo at bumuo na kayo ng sarili nyong pamily? Absence sharpens love, presence strengthens it. nothing more, nothing less… wapak!

 

May tanong pa kayo? Kung meron pa, comment na, comment pa ng iba ang comment nyo!

 

=====================================================================
commercial muna: paki read yung blog ni maldito he and the whole ILOILO needs our help! sa madaming pera padalan nyo rin ako…dyok! :)

 

Mga Puna»

1. kamotenista - Hunyo 26, 2008

ahem…inhale and exhale na lang muna ang comment ko
wahaha…..

mang BADoy: @kamotenista, aanhin pa ang kabayo kung patay na si pedro

2. pink five - Hunyo 26, 2008

long distance? naku!!!! magastos yan .. oo ilang linggo ..ilang buwan pede magwork pero later on ..ramdam mo na sakit sa bulsa .. eh ako pa naman sossy .. tamad ako magsulat .. kol lang ng kol ..hahahahaha .. so later on .. wala na ..nagkakalimutan na .. sabi nga “absence makes the heart forget” hahahahaha .. :) have a nice day!

mang BADoy: @pink five, opismeyt galingan mo ang pag sulat ha! reputasyon ko nakataya dito parang poker lang!

3. mura - Hunyo 26, 2008

hay…mahirap yan…kawawa namn ung kamay mu na laging nag pupuno ng mga pangangailangan mu, binigyan mu pa ng extra trabaho. Anyway, buti nga kayo nagkakausap reular ang txt. ang isa dyan parang pupu magparamdam,[once a day lang] tas “tulog na ko” ang text.

kung ako, ayaw ko talaga magtrabaho sa ibang bansa, kung kaya ko pang kitain dito, why not diba? mataas panaman ang market value ko bilang isang “first class escort” jowk lang po.pipitsugin lang.hehehehe jowk pa rin.

mang BADoy: @mura, kung alam mo lang! haiz!

4. MisyeL - Hunyo 26, 2008

nice blog, kakatuwa ka gumawa ng entry. i’m sure madadalas ako dito, sige exchange link tayo ha? about sa LDR, wuhu! gudlak sa inyo ni bebe mo, naranasan ko na yan eh ilang beses na din at ang masasabi ko lang nasa inyong dalawa kung paano niyo talaga mapagtitibay yung relasyon malayo man or malapit.

keep on blogging! ;)

mang BADoy: @MisyeL, kahit everyday ka dalaw okay lang libre lang basta piso ang ihi at dos ang tae…

5. wifeybee - Hunyo 26, 2008

Gudlak sa LDR nyo badoy, i’ve been thru that, almost 2 years kaming ganyan, it depends sa tao, saka if you’re meant to be, love will find the way… cheers to all Long distance affairs!!!

6. b@kekang - Hunyo 26, 2008

wow!!ang galing!!kc nkakarelate aq hehe..kmi din ng hubby q d sanay n malau sa isa’t isa(naks)..nung mgtrabaho xa sa kuwait para kming naputulan ng paa huh!!ang lungkot!!grabeeee!!..buti n lng me cp at pc..hay..

mang BADoy: @b@kekang, kumusta mga anak mo bake?

7. b@kekang - Hunyo 26, 2008

“papano ang sex life”?…hahahahaha!!!huhuhuhuh!!!hehehehe!!!waaaaaaaaaaaaaaaa!!!

mang BADoy: @b@kekang, email na lang natin pag kwentuhan mga kabastusan ko… hahaha! bawal dito sa wordpress… gusto pati yung scandal na ginawa ko pakita ko sayo e.. at ako ang bida hahah!

8. wei vines - Hunyo 26, 2008

hahahah!!! natanong na bakekang yung itatanong ko..pero uulitin ko noh?

PANO NGA BA? awww

mang BADoy: @wei vines, email na lang natin pag kwentuhan mga kabastusan ko… hahaha! bawal dito sa wordpress… gusto pati yung scandal na ginawa ko pakita ko sayo e.. at ako ang bida hahah!

9. hitokirihoshi - Hunyo 27, 2008

mukhang… ok ka… add kita a blog roll ko.. hehehe… moshi moshi mabuhay!

mang BADoy: @hitokirihoshi, pare or mare lagay mo din url mo para ma add din kita…

10. hitokirihoshi - Hunyo 27, 2008

wow… ang sweet naman ng long distance relasyon nyo…para sa akin hanggat kaya naman… walang masama.. pero siempre dapat may time din na magkasama kayo…yung parang sige ngayon, mga 2-5 years kanya-kanya muna… alangan naman for life ganun…

mabuhay kayo ng bebemo…

mang BADoy: @hitokirihoshi, salamat at araw arawin mo ang pag bisita dito ng dumami ang hit stats ko…

11. trudis liit - Hunyo 27, 2008

pasensya na manong badoy.. hindi ako masyado maka relate sa topic na ito.. yaan nyo.. pag na experience ko na ang ganitong setup kwento ko kung ayos ba.. oks!

mang BADoy: @trudis liit, uu nga alam ko yun kasi dalaging ding ka pa… palaki ka muna trudis…

12. bluish angel - Setyembre 11, 2008

..yung tungkol po sa bgay na yan,it would work po kung tlagang mhal mo ung taong yun.but if the longer the days that you didn’t see each other,the more that you are longing for each other right?!ika nga “absence makes the heart forget” but if you really love him/her,why would you have to go pa,di ba?!

badoy: sabi nila “Absence sharpens love, presence strengthens it.”, kailangan umalis kasi mas malaki sweldo sa ibang bansa unlike sa pinas :(