dream JOB Hunyo 27, 2008
Posted by BADoy in General, career mode, work RELATED.Tags: Mc Donalds, usapang WORk
trackback
panahon nanaman ng paghahanap ng trabaho kaya tuwang tuwa ang jobstreet sa dami ng bumibistang mga kumpanya sa site nya para kumuha ng bagong tauhan sa kanya kanya nila kumpanya. di gumagana ang utak ko (as if meron!) kaya wala na namang kwenta ang entry tong as usual masanay na kayo… ito ang pili piling top ten ni mang badoy, my dream job:
1. taga greet sa food chain. dream ko pa nung bata ako ng mag sabi ng “Good Morning Sir/Mam! Welcome to MC Donalds“. Di ba ang saya! Hehehe, diko alam pero sabi ko sa nanay ko dati yun ang gusto ko pag-laki ko! ahihihihi ngayon hindi na siguro kasi malamang sisimangutan ka lang ng halos lahat ng tao pag sinabi mo yan sa mga food chain. ang hirap pala ng ganun ano? kahit siguro yung mga nag bibigay ng flyers sa daan mahirap ang trabaho kasi yung iba iniiwasan ka na para bang may sakit kang nakakahawa.
2. bank cashier. in tagalog, kahero sa banko.sabi kasi ng tatay ko mag aral daw ako mabuti para makahanap ng trabaho sa banko. duon daw kasi nakakalat lang ang pera, tama nga sya nakakalat nga ang pera pero di mo pedeng iuwi, sabi nga ng mga kakilala kong kaibigan na nag wowork sa banko mahirap daw sa loob mo ang mag trabaho sa banko kasi bilang ka ng bilang ng pera pero di naman sayo yun! sad but true!
pero buti na lang di ako napasok sa ganyan baka kasi makisabwat ako sa mga bank robbers para maholdap ang banko…
3. piloto. nung bata ako tuwang tuwa ako kapag binubuhat ako ni tatay at ihahagis hagis sa ere parang ang sarap lumipad. sabi ko tuloy masarap palang maging ibon at pinangarap kong maging piloto pero pagdating ng high school sabi nila tatay at nanay wala daw paaralan ng piloto sa pilipinas. ang totoo pala, masyadong mahal ang matrikula ng isang piloto at sa kahit anong sikap nilang mag trabaho ay di nila ako maipapasok sa ganun iskwelahan kaya naniwala na lang ako. mga magulang talaga magulang di ba? hehehe! Love you tay and nay! muah!
4. architect. gusto ko rin gumawa ng bahay at mag desinyo kaya nung bata ako drawing ako ng drawing ng bahay. kaso sa pag-aarkitekto puhunan ang magaling mag drawing. sabi ko nga sa inyo dati wala akong talent akala ko ang drawing papasa na sa standard ng magandang pag da drawing di pala. kahit katawan nga lang ng tao di ako marunong na mag detalye i drawing bahay pa kaya na ni ultimo butas e sukat na sukat!
5. doctor. ayus din sana ang maging doctor, biruin mo pede kang kumikbak sa mga drug sales agent pag nirecommend mo ang gamot nila, bukod dun sa consultation chika chika lang si dok parang nag lelecture lang instang limang daan kagad. san ka pa?! kaya lang, tamad ako mag kabisago e puro mga terms pa naman sa kursong ng mga doctor. ayoko mag kabisado so, scratch out ang pangarap na to.
6. chemical engineer. kung sa pag duductor yayaman ka, sa chemical engr magiging milyonaryo ka biruin mo umanib ka lang sa mga drug dealers (as in shabu at marijuana) kaya lang pag aaralan mo naman ang mga planeta at usok. gaya ng plutonium, selenium, rhenium, … at kung ano ano pang nium. so like doctor na scratch din to sa listahan ko.
7. politician. dito mas limpak limpak kitaan dito. ang tinuro lang sa kanila ata sa political science e ang salitang “HOW MUCH WILL I GAIN ON THIS PROJECT?”. gain sa pera, sa popularity, ng tao na magiging ka business, at referrals. syempre babae din makukuha mo pag pulitiko ka, sang katutak na ching ching lalapit sayo. di ba tama naman ako bebeko?
8.lawyer. bata palang ako sabi ni lolo mag lawyer daw ako kasi bata palang pilosopo na at sumasagot sa tatay ko kaya parati ako napapalo ng ting-ting! (*ouch) sakit kaya yun! tsaka mahilig ako magtanong ng bakit? tapos pag nasagot na bakit ulit? at bakit pa din ang next question? pero like doctor, no pain no gain ika nga nila ang madaming kailangang aralin na rule of law, presidential decree, ordinances, memorandum, … at kung ano ano pa. mag aaral ka rin ng batas ng ibang bansa para ikumpara sa batas sa pinas tapos hobbie mo na ang debate kahit anong pwede pag debatehan gagawin nyo na! at higit sa lahat kelangan nyong imaster ang Signs of deception. kahit mali basta walang ibedensya tama pa din.
9. artista. naiingit ako sa mga pinsan ko na mahilig mag sasayaw na with kanta pa sa tamang presyo. twenty ang hihingin sayo pag dance at song number ang ginawa. akalain mo racket na rin ng mga bata yan. di ako natutong sumayaw at kumanta. pero umarte oo marunong, dati naman di uso ang reality show pero kung na uso yan nung panahon ko, nakow! malamang instant artista nako! buti na lang si bebeko ang number one fan ko! pang porn lang ata ako ngayon! heheheh!
10. manager. nung pumasok ako sa unang work ko na impluwensiyahan ako ng mga manager na boss ko pinasok nila sa isipan ko na hindi habang buhay gusto mong mag program or gumawa ng analaysis para sa programmer. tama sila mas na chachallenge ako humawak ng tao, pasunurin sila i-gain ang respeto nila at hindi matakot sa posisyong meron ka. mas maganda sigurong susunod sila sayo kasi alam nilang di mo sila pababayaan kesa naman susunod sila sayo kasi takot silang tanggalin mo. na miss ko tuloy mga tao ko haiz, wala na ksi akong tao sa malaysia isang hamak na consultant na lang ako dito na susunod ke manager pag may papagawa. pero ilang years from now alam ko na magiging isang manager ako… malapit na… kaya abangan yan!
si papa god, na yung may gusto na maging isa akong consultant/programmer dito sa malaysia. kung bakit? sino ba naman may ayaw ng trabaho ko, alot of petiks time, less work and good paying job! so right now “I LOVE MY JOB“. kayo ano yung dream na work nyo at syempre bakit?


ehehehe…ako pangarap kong magng macho dancer, dumating pa sa point na nagpaturo akong mag sayaw ng ganun…pero d talaga para skin. tama ka madalas ngang petiks mode ang trabaho ng consultants. Sa trabaho ko, basta makita lang ako ng mga may-ari sa loob ng company ok na. kahit wala namn akong ginagawa madalas. Pero naiintindihan ko sila na gusto lang nila na may nakikitang gwapo sa loob ng company.pampaswerte ba..
mang BADoy: @Dudong, wow macho dancer ayus sa alright ang pangarap mo! dati si mura ka ngayon dudong na… change name ba to?
ano po ba tawag sa trabaho na natutulog lang? gusto ko yun. top one yun sa list ko. may trabaho ako ngayon. hindi ko man gusto dapat pagtiisan. mahirap kasi magahanap ng trabaho. no choice kaya kailangan ding magsabi ng “i love my job”. haha. kailan pa kaya ako maging employer. ayaw ko na maging employee. yung tipo natutulog ka na lang. haha. buhay.
mang BADoy: @linapuhan, diko rin alam ano tawag e, tanung mo kay pink five. kasi yun ang work nya, heheheh!
pareho pala tayo Badoy ng work hehehehehe ilovemywork.. idagdag mo na ang kakapalan ko sa work ..puro na nga petiks .. sinasamahan pa ng tulog ..hahahaha .. tulog sa umaga saka sa hapon ..ayun.. malipat na me buminggo sa mga bossing kasi ilang beses na me nahuling tulog ng tulog ..buti sana kung pasweet na tulog ..hindi ..nakanganga pa at tulo laway tapos samahan ng ng hilik
have a nice day!!!!
mang BADoy: @pink five, syempre ka opis meyt kita kaya petiks ka rin! pa riringin ko ulit yung phone mo pag nakita na naman kitang natutulog! hahahah!
pangarap kong maging secret agent
na pumapatay ng mga tao
hahahaha
assassin
ganun
mga malulupit at maangas na trabaho
ang ganda ng trabaho mo
wow
nagulat ako
a lot of petiks time
hahaha
mang BADoy: @xienahgirl, ganun talaga ang life puro petiks! hehehe, minsan nakakatamad din!kaya pa blog blog na lang ako hehehe
Ako ang di ko makakalimutan na dream ko ng bata ako,eh maging teacher, kaso hindi dahil sa gusto ko magturo ng kagandahang asal sa mga bata. Naiinggit lang ako sa mga teachers ko ng Elementary pag nag-papabili ng pag-kain samin..sabi ko someday, ako naman gaganti..hahaha..ang babaw ko..
Ako din sa IT napunta and like pinkfive and Badoy eh petiks na naman ngayon..hehe..pero di ako natutulog, si pinkfive lang malakas ang loob eh..hehe..mabuti naman at nag-blog na din si Badoy at nadagdagan na din babasahin ko pag petiks time.. BTW, congrats Mang Badoy, at last, napilit or naisipan mo din mag-blog..hehe.. enjoy ako sa blog mo..
mang BADoy: @tough-happy girl, akalain mo ka office mate pala kita at sa likod lang kita! hahahah! salamat tough-happy girl
“ano yung dream na work nyo at syempre bakit?”
nung bata ako… gusto ko maging lawyer, dancer sa japan, maging may-ari ng big time restaurant, maging crew sa aca video at newscaster… naisip ko ring maging writer…
yong iva doon out of curiosity saka mukhang maganda… siempre may involve din na pera… pero ngayon gusto ko pa ring i-try na mag crew sa video city/ aca… kaso baka malabo na dami ng pirated eh… hehehe…
mang BADoy: @hitokirihoshi, ako nga puro pera, pera at pera lang alam! hehehe!
ang dream ko job ko talaga ay maging scientist kasi mahilig ako mag-experiment noong bata pa ko. then, pinangarap ko din maging pari kaso i ended up being a lawyer. if only i could turn back time.
mang BADoy, @lawstude, napaka talino mong bata tapos magaling pang mang silip sa camera. maganda ngang habi ang pag pekture pekture a
pangarap ko rin ang sweldohan ako para magpetiks. pero noon sa yearbook namin nung prep eh sa ilalim ng piktyur ko merong ” i want to be a janitor.”
o e natupad naman diba? tagalinis ako ng bahay namin at kalat ng mga anakis ko.
xxx
gusto ko sanang bumalik sa showbiz kaya lang andyan na raw sina mahal, mura, at dagul. wala na raw opening.
mang BADoy: @utakmunggo, bumalik ka kaya ako magiging manager mo! ipapartner kita kay angel.
hi manong badoy and to all your ka-blog friends!
ako po, pangarap kong maging flight stewardess..
nga lang wala pang tumatanggap ng parang grade 5 lang ang height..
ewan ko ba sa kanila! dapat sana basta cute and charming e pasok na.. haha!
(sensya na po.. bunga lang ng stress sa trabaho ito..)
mag kundoktor na lang kaya ako sa bus?
mang BADoy: @trudis liit, sa susunod may bayad na ang pagbati a.. hehehe! apir!atleast ang mga pandak hindi agad agad matutumba kahit pa kaskasero ang driver..
wow naman mang badoy, ahaha… ang saya pag petiks talaga, ako rin petiks eh, biruin mo may blogsite ako, considering wala akong inet sa haus, dito lang sa office, hahaha… mabuhay ang binbayaran para magpetiks!!!
mang BADoy: @wifeybee, pareho pala tayo mahusay magpanggap,,, heheh!
ako noong bata pa lang ako, marami akong pangarap. katulad ng maging inhenyero, titser, scientist, detective, life guard, businessman, at minsan pa’y barker. marami pa, mga typical na pangarap ng isang paslit. ninais ko ding maging isang pintor at photographer, pero wala pala akong alam sa arts.hehe. kaya ito, nabagsak bilang isang company employee sa murang gulang na bente.
noong bata ako gusto ko maging labandera, plantsadora at taga-linis ng sasakyan…wahaha
buti na lng magaling si Kuya Jesus kung nagkataon kulang pa ang sahod ko pangbayad sa mga masisira kung gamit.
buhay ko dati parang “devil wears prada” ngayon petiks na lang kaya lang dapat alerto 24 oras…wahaha