jump to navigation

gatas salbahe Hulyo 30, 2008

Posted by BADoy in kwentong horror.
Tags:
11 comments

“matandang kasabihan ng mga pilipino na kapag may dumadalaw na itim na paru-paro sa bahay mo ay dinadalaw ka rin ng pumanaw mong kamag-anak…”

teng, teng, teng… eksaktong alas onse ng gabi lumabas pako para kumuha ng gatas pampatulog…patay na ang mga ilaw sa kusina at malakas din ang hangin sa labas dahil sa ulan…binuksan ko ang ref at kinuha ang bote ng gatas para isalin sa baso…biglang kumulog, muntik ko na mabitawan ang hawak hawak kong baso…isinauli ko ang bote ng gatas sa ref at umalis sa kusina… dahan dahang umakyat sa hagdahan na animoy takot na baka magising ang mga kasambahay…

pagpasok sa kwarto pinatong ang baso sa side table ng kama, kinuha ang librong para magbasa at humiga…patuloy ang ulan sa labas at mahangin sa buong kwarto…isang malakas na sigaw ang akin narinig. Arayyyyyyyyyyyyy!!!! tinig ng isang babae na humihingi ng tulong, para bang may nagbabalak sa buhay nya…dali-dali akong napatayo sa kama para tignan kung saan nanggaling ang boses na aking narinig…tumingin ako sa kabilang kwarto pero tulog na aking mga kasambahay, sumilip ako sa kwarto ng aking mga magulang ngunit ibang tinig ang narinig ko sa silid nila, malalakas na hilik ang maririnig mo sa kwarto ng aking mga magulang. bumaba ako sa basement para tingnan kung dun nanggagaling ang sigaw na narinig ko.

gamit ang flashlight at tapang bumaba ako dahan dahan…tagadag! tagadag! ramdam ko ang bilis ng pag tibok ng aking puso na animoy takot na bumaba sa basement at nanginginig ang tuhod. may kung anong bagay ang humihila sakin pababa para tingnan kung anong meron sa basement na dati ng tambakan ng lumang gamit ng pamilya namin…tinutok ko ang ilaw ng flashlight sa hagdaan pababa… sumigaw ako at nagtanong kung may tao ba sa basement ngunit walang sagot na narinig kaya patuloy na bumaba…isang malakas na kulog at kidlat ang pinakawalan ng langit at kulang na lang ay sumigaw at tumalon ako sa takot…tumuloy pa rin ako sa looban ng basement…

kung ano-anong lumang gamit ang aking nakita, mga lumang lalagyanan ng kandila, baol, lumang damit, lumang mga libro, gamit pang kusina, aparador, lumang sala set, billiard set at baul…isang malakas na hangin ang umihip, parang may dumaan na diko maipaliwanag at ang lamig ng pakiramdam, tinungo ko ang baul at binuksan kung ano ang nasa loob…nakita ko ang mga larawan, gamit ang flashlight na tanging ilaw sa madilim na lugar na iyon ay pinagmasdan ko ang mga litrato…napansin ko ang mga larawan na naroon ay si lola nung kadalagahan pa nya…

isang malakas na kulog! pagkatapos ay isang malakas na kidlat!

napahawak ako sa tenga ko sa sobrang lakas ng kulog at kidlat. tumama ang ilaw ng flashlight sa isang trahe de bodang nasa basement…naalala ko ang kwento ni mommy, na nuong panahon daw ng aking lola ay ginamit niya ito sa kasal nila ng una niyang asawa at hindi iyon ang lolo ko…namatay daw ang unang asawa ni lola pagkatapos nilang ikasal at sa bahay na ito namatay ang unang asawa ni lola…

isang malakas na kulog! pagkatapos ay isang malakas na kidlat!

pagtama ng ilaw ng flashlight sa dilim, ang mukha sa litratong hawak hawak ko ay nasa harapan ko na… kaharap ko si lola… may sinasabi ngunit hindi ko marinig sa takot at nginig ng akin mga tuhod di ako makapaniwala na nasa harapan ko ang lola kong ni minsan ay hindi ko nakita dahil namatay na sya ng isilang ako…dahan dahang lumalapit sakin si lola na nakataas ang kamay at wariy gusto akong isama sa kung saan man sya naroon, hindi ko alam kung anong gagawin ko gusto kong sumigaw ngunit walang boses ang lumalabas sa bibig ko…gusto kong tumakbo pero parang nakadikit ang paa ko sa sahig…palapit na palapit na si lola at wala pa rin ako magawa sa sulok ng aparador ako sumiksik, napapikit ako ng biglang…

nag-ring ang alarm clock, umaga na pala! isang panaginip lang pala ang lahat buti na lang akala ko totoo na! paglabas ko ng bahay isang paro-parong itim ang dumapo sakin… ito’y nagkataon lang ba o ito ay signos?

ngayon agosto ihahandog ko sa inyo ang mga kwentong kakaiba, kwentong maligno, kwentong aswang, panaginip at kwentong pakikipag sapalaran sa ibat ibang uri ng nilalang…pasukin natin ang mundo nila, makisilip kung anong meron sa dako pa roon at sabay-sabay nating basahin ang panibagong yugto sa bahay ni mang badoy!

IWETNESS: MISS X (part I) Hulyo 28, 2008

Posted by BADoy in Life experience.
Tags: , , ,
12 comments

hindi masyadong naging box-office ang mister X kung ikukumpara ko sa takilya ng palimos, pero muli hindi naman ito popularity contest para mag expect ako na madaming mag comment yung iba sa lungkot ng kwento hindi makapag sulat ng comment yung iba naman na bore sa kwento ni mister X..baka normal sa kanila ang magbenta ng katawan kaya ganun.anyway tuloy pa rin ang buhay at itutuloy ko pa rin ang ang aking misyon na ihatid ang mga magagandang kwento na ibat ibang tao na aking naka salimuha.

umuulan sa labas, kaya minabuti ko na lang na mag-patila ng ulan sa malapit na shop ng dunkin donut dyan sa may cubao.umorder ako ng isang mainit na kape at isang donut habang pinag-mamasdaan ng patak ng ulan sa labas at mga taong hirap makasakay twing umuulan.may pumasok na isang babae, tantya ko nasa edad 25 hangang 28 na anyos, maganda, maputi, sexy, mahaba ang buhok sa ulo, mahaba ang hita, maganda ang harapan at likuran at BOSES BABAE, mahirap na mapeke baka isa pala syang chicksilog (itsurang chicks na may itlog sa gitna ng hita) wala ng bakanteng upuan sa loob ng shop at dahil mag isa lang naman ako sa lamesa inoffer ko na ang upuan..isang matamis na ngiti at “salamat” ang ibinigay sakin ng isang magandang estranhera.sa isip isip ko naka jackpot nako kaya naman umandar ang pagka talkative ko,nakipag usap ako sa kanya.

mang badoy: lakas ng ulan ano, kanina pa nga ako dito mag-iisang oras na tapos mahirap pang sumakay.
miss x:     oo nga e, kelangan ko ng umuwi at madami pakong gagawin.
mang badoy: san ka ba nauwi? hindi ka ba pede mag LRT?
miss x:     hindi, dyan kasi ako sa marikina.
mang badoy: a, pede sana kita isabay kung pa manila ka kaso marikina ka e.
miss x:     bakit, may kotse ka?
mang badoy: may payong ako pede kitang isabay sa payong ko.
miss x:     *ngumiti* natawa naman ako akala ko may kotse ka payong lang pala… hehehe hindi okay lang..
mang badoy: pinapatawa lang kita ng hindi ka mailang at mahiya sakin ako nga pala si __________.
miss x:     hi ________ ako naman si __________ (tawagin na lang natin syang miss x).kelangan ko ng umalis ito nga pala ang calling card ko just in case.
mang badoy: salamat at syempre binigyan ko rin sya ng calling card.sige, till next time. nice meeting you and ingat na lang.

nakatingin pa rin ako sa kanya habang palayo na sya sa kinalalagyan ko..sa sumunod na araw nakita ko sa wallet ko ang tarhetang(calling card in english) ibinigay nya sakin, nagulat ako sa nakasulat sa gitnang bahagi nakalagay ang pangalan nya at sa ibaba nuon ay nakalagay ang trabaho nya: baby maker! isang malaking WHAT?!!! naintriga ako sa kanya kaya naisipan kong tawagan ang numbero na nasa tarheta nya.

mang badoy: miss x, si mang badoy to!ako yung nakilala mo sa dunkin donut sa may cubao yung umuulan nung martes…remember me?
miss x:     a oo, oi kumusta na? bat napatawag ka?
mang badoy: a wala naman, tatanong ko lang kung joke time lang ba yung nakalagay sa tarheta mo na isa kang …..*di masabi*
miss x:     na baby maker ako?
mang badoy: a-e-i-o-u!
miss x:     oo naman, kesa naman mag drugs at pokpok ako di ba?

hindi ko alam kung anong sasabihin ko after nyang kumpirmahin ang mga agam agam sa isip ko.halo-halo ang emosyon aking nararamdam ng panahon na yun.tumaas ang balahibo ko at parang may malamig na hangin ang dumaan sa harapan ko.isa-isang nabuo ang mga tanong sa isipan ko at any minute gusto magpalabas sumabog, nanahimik ako ng ilang segundo pagkatapos inanyayahan ko siya kung pwede ba kameng magkita. pumayag naman sya pero sa bahay na lang kame magkikita…

abangan nyo ulit yung part II… akin na muna si miss X… mainggit kayo hahahhah!

IWETNESS: MISTER X (part II) Hulyo 26, 2008

Posted by BADoy in Life experience.
Tags: , , , ,
15 comments

alam ba ng pamilya mo ang sakit mo?

Oo alam nila, si mommy nung sinabi ko sa kanya parang okay lang pero nung nasabi ko na pumasok ng banyo at after one hour lumabas na mugtong mugto ang mata si daddy naman hindi nakapag salita ng isang lingo, hindi alam kung ano sasabihin sakin, umiiwas ng tinggin twing nahahalata kong pinag mamasdaan ako, mailang beses ko rin nahuli si mommy na pinanood akong matulog sa kwarto ko.si kuya nalaman lang nya ng aksidente nyang mabasa ang resulta ng HIV test ko kaya di nako nakapag sinungaling sinabihan nga ako ng ang daya-daya ko kasi mauuna ako mawala sa mundo. Masakit sa pamilya ko na mawala ako kasi namatay na din ang bunso naming kapatid nung sampung taong gulang pa ako kaya medyo na trauma na sila.

Saan mo ba nakuha ang sakit na ito at kilala mo ba kung sino ang nag bigay sayo ng sakit na ito?

Actually nag-simula ako mamulat sa ganitong mundo nung 17 years old pa lang ako, wala pa akong alam sa mundo ng bi-sexual at gay, pero nung tumambay nako sa quezon city circle dun ko natutunan ang lahat. malapit lang ang bahay naming sa QC Circle, 3 kanto lang mula doon bahay na namin. Dahil nga sa probinsyano ako at medyo na curious kung ano meron dun napunta kame sa QC Circle nakakilala ng mga callboy at naging call boy din ako…kumita ako ng 800 to 5000 pesos kada cliente.pero may time na tumigil din ako nung nakahalata na ang mga pinsan ko na parating madaling araw o umaga nako umuwi at sinumbong ako sa magulang ko kaya natigil ang racket kong ito.nakaranas din ako pumunta sa mga PUBs na ang parokyano ay mga bading at silahis, yung mukang lalake pero di mo alam lalake rin pala ang hanap. Nagkasyota rin ako ng lalake yung iba nag tagal yung iba hindi, yung iba may love yung iba puro lust lang, yung iba single yung iba may asawa yung iba gwapo yung iba mayaman. To tell you the truth, hindi ko alam kung sino ang nanghawa sakin ng sakit na ito, kung bibilangin ko kasi mga naka sex ko aabot siguro ng 300 pataas kaya malamang hindi ko alam kung sino sa kanila, san sila nakatira at kung ano ang pangalan nila.

nagsisi ka ba sa pangyayaring ito?

“ginawa ko na so hindi ko dapat pagsisihan, kapag ginawa mo na, huwag mo na lang ulitin, move on na lang at matuto ka na lang sa ginawa mong mali”. Hindi ako proud sa mga ginawa ko pero naging masaya ako at naranasan kong lahat na ito, yun naman ang importante diba? Ang nagging masaya ka sa buhay mo at nakatulong ka, hindi naman mababayaran ng pera kung ano mang experience ang nabigay sakin nito…nakakilala ako ng maraming tao at nakilala ko yung iba… okay nay un!

Naisipan mo bang gumanti at magkalat ng sakit mo?

Alam mo naisip ko yan nung minsan, pero naisip ko rin kawawa naman yung mahahawa kahit pa sabihin kong mabuti sa kanila ang mahawa kasi malilibog sila, pero hindi naman ako si God para humusga at magbigay sa kanila ng parusa, bahala na yung nasa itaas kung ano ang plano nya sa kanila. Ang importante ay mabuhay na lang tayo ng mapayapa, simple at walang ina-agrabyado.

Sa panahong ito, buwan-buwan may regular check up sya sa isang doctor sa Manila Doctors para tingnan kung may nararamdaman ba syang iba or kung ano ang kasalukuyan nyang kondisyon.mahirap para sa kanya ang pinagdadaanan nya ngayon kasi alam nyang bilang na lang ang araw nya sa mundong ibabaw pero matapos ang interbyu na iyon marami akong na realize na ngayon ko lang nasabi sa sarili ko, minsan ang dami kong angal na bakit ganito, bakit ganun? Pero samantalang sya hindi nya kinuwestyon si papa God sa mga ginawa sa kanya admitted nyang mali sya at nag move on na lang sya. Na realize ko na napaka igsi ng buhay na kapag gusto ka ng kunin ni God, wala kang magagawa, kaya kung may dapat tayong gawin ngayon gawin na natin wag na nating hintayin ang bukas pa dahil baka hangang ngayon na lang tau mabuhay. Hindi ko rin kino-condemn lahat ng mga ginawa nya kasi buhay nya yun at dun sya nagging masaya.

tinawagan ko sya kanina sa dati nyang number pero hindi ko na macontact di ko alam kung nagpalit ba sya ng number or kung kinuha na ba sya ni Lord. Pagdasal na lang natin si Mister X. Abangan nyo ang kwento ni MISS X next week ilalabas ko na rin sya.

IWETNESS: MISTER X (part I) Hulyo 24, 2008

Posted by BADoy in Life experience.
Tags: , , , ,
18 comments

“mommy, tingnan mo nakakatawa naman yung BADING o!” yan ang sabi batang pilipino na nakasabay ko sa lrt…nag-kalat ang bading o mga lalake nasa ikatlong lahi sa buong mundo, nung isang araw nga nakakita kame ng isang indian na naka suot pambabae na nasa ikatlong lahi…nakakatawa sila pero hindi ko alam kung nasaktan nung natawa kame pero wala kameng magagawa dahil hindi kame sanay makakita ng ganun at normal na reaction lang ang pag-tawa ng pinoy.sa panahon ngayon hindi na rin masyado laganap ang diskriminasyon gaya ng kapanahunan ng ating mga magulang na binubugbog at sinasaktan ng kanilang ama pag nalaman ang anak na lalake ay isang bading, bakla, badap, lalaking kilos babae, binabae, gay, faggot, at kung ano ano pang tawag..aktibo na rin ang nasa ikatlong lahi sa pulitika, sa opisina, sa gobyerno at kung san saan pa..

nung bata pa ako isa rin ako sa mga tarantadong bata na sakit sa ulo ng mga bading, tinutukso at kinukutya twing kalaro sila..sa bahay bahayan ba naman tapos gusto nila sila ang nanay!syempre dapat ang crush mo dapat ang nanay at ikaw ang tatay…bata pa lang pilyo na…isa ito sa tatlong series ng aking IWETNESS presentation for this JULY, na kung saan nag interview ako ng mga tao na iba sa normal.pasukin natin ang buhay ni MISTER X, alamin natin kung ano ang nararamdaman nya at kung sino sya…

sino si mister X?

dalawamput isang taong gulang, matangkad, maputi, may itsura, studyante ng PUP, tubong zambales pero naninirahan sa quezon city, bisexual at HIV positive..tipikal na studyante kung titignan sya hindi mo aakalain na bisexual or bading sa iba, sya yung tipong lalaking lalaki kumilos, boses lalake at lalaki rin kung manamit pero straight ang hanap..madaming pumasok sa isipan ko ng gawing kong tong interview ko may mga nasa isip na rin akong itatanong ko sa kanya, pero ng actual ko na syang maka usap at makita harap harapan, umatras etits konsensya ko, nabakla ikaw nga…hindi ko alam pero weird ang feeling na makausap ng taong alam mo mawawala na sa susunod na araw, linggo, o taon…diko alam ang pakiramdam, magkahalong awa at lungkot ang nararamdaman lalo na twing makikita ko sa mga mata nya na humihingi ng tulong at saklolo…parang sinasabi ng mga mata nya na “wag mo na akong husgahan dahil alam ko kung ano at kung sino ako”…

tatlo sila sa kanila apartment kasama niya ang 2 pinsan nyang babae at lalake na parehong di naka-kaalam ng kanyang dinaranas.kung bakit hindi ko alam at hindi sila ang topic…hehehe.pag pasok ko sa kanilang apartment may dalawa silang kwarto, actually isa lang kasi ginawa nilang kwarto ang sala at ito ay ang kwarto ni mister x, sa sala makikita mo ang isang lumang electric fan, dvd player na made in quiapo at isang tv tatakbuhin…inalok nya ako ng maiinom sabi ko tubig na lamang at di naman kame mag-tatagal, kagabi lang nasa isip ko ang mga sasabihin ko pero ngayon black out na, naiisip ko kasi papano kung ako yung may HIV na mamatay na sa loob ng ilang taon, hindi ka basta matitigok kundi mapapansin mong papanget ka, iiba ang kalagayan pisikal mong katawan at kung ano ano pang side effects ang mararamdaman…

ilang taon mo nalamang may HIV ka?“wala pang isang taon, dod” ang sagot ni mister x. nagtanong pa ulit ako “ano ba ang kaibahan ng HIV at AIDS, hindi ba pareho lang yun?” feeling ko ako si Boy Abunda at tanong ng tanong, naalala ko yung lecture ng teacher namin dati kung ano AIDS at HIV pero parang ngayon hindi ko alam kasi kaharap ko ang taong may HIV.sumagot sya ng “magkaiba ang HIV at AIDS, ang HIV ay may 3 stages, ang unang stages ay nagtatagal ng 3 to 6 weeks bago maging stage 2, normally ito yung stage na kapapasa pa lang sayo ng virus via sexual intercoarse or blood transfusion.. yung stage naman pedeng habang buhay na yun or sa research 5 to 10 years bago maging stage 3. yung stage 3 medyo delikado na kasi yun na yung papuntang AIDS, pag nasa AIDS stage na six months to one year na lang ang life span ng pasyente”, sa puntong yun parang ma-iinofation overload ako sa mga sinasabi ni mister x at natatakot sa mga susunod pa nyang sasabihin kasi buhay nya na ang pinag-uusapan namin….“nasaang stage ka na?” tanong ko at sagot naman nya ay “nasa stage 2 na pero sabi ng doctora ko malapit na raw sa stage 3 kasi medyo di kaya ng katawan ko ang virus”, sabi ko naman para palang mario ito at may stages pa, natawa sya sa sabi ko at sumundot na naman ako ng tanong na kung may iniinom ba syang gamot? at ang sabi nya meron naman daw tinulungan sya ng doctora na naging kaibigan nya na makahingi ng gamot na libre sa DOH sa San Lazaro Hospital at tatlong beses na iniinom sa araw-araw. at nag tanong na naman ako kung may side effects ba ang gamot na iniinom nya at sabi nya “meron daw parati syang inaantok at nahihilo pero ganun daw talaga ang epekto para magpahinga ang pasyenteng may ganito sakit”…

mister x, alam na ba ng pamilya mo? at pwede mo bang idetalye kung papano mo nakuha to?

A B A N G A N ….

IWETNESS: palimos Hulyo 22, 2008

Posted by BADoy in Life experience.
Tags: , , ,
23 comments

ang ganda ng gising ko ngayong umaga siyam na oras at kalahati ang tulog ko… kaya naman smile kagad akong pagkagising ko…nagpasalamat kay papa God sa bagong araw na ibinigay nya sa akin…diretso sa kusina, nag timpla ng ovaltine at kumuha ng kapirasong cheese cake sa ref… pagkatapos ay naligo at nagbihis nako… bawal manilip! naglalakad ako papuntang terminal ng lrt ng mapansin ko ang isang bulag na namamalimos… kaawa awa… kahabag habag at hindi ko ma-imagine kung anong magiging buhay ko kung ako’y magiging tulad nila… walang maaninag at kadiliman lang ang liwanag sa kanilang mga mata,  tunog lang ang gabay sa paglalakad, lakas ng pakiramdam para mabuhay, at minsan ay ang pag-asang may tutulong sa kanila upang gabayan sa twing tatawid sila sa daan at aakyat sa hagdanan..

naisip kong isulat ang isa sa aking mga assignment nung nasa kolehiyo ako, pinagawa kame ng aming guro para sa subject na sociology ng isang mini-interview sa mga taong lansangan at napili ko ay ang mga bulag na namamalimos…ang mga susunod na mababasa nyo ay tunay na buhay ni aling mercedes at mang julian, mag asawang bulag na namamalimos sa kahabaan ng city hall…40 years na si aling mercedes at 48 naman si mang julian, nagkakilala sila sa isang charity house at dahil pareho nila alam kung ano ang pakiramdam ng bawat isa at alam siguro nilang kelangan nila ng karamay sa bawat araw na haharapin nila… may 2 silang anak na parehong lumayas sa kanila ng 10 taong gulang na..at hindi na nila alam kung asan na…

dala dala ang pagkaing binili ko, nakipag kilala ako sa kanila at tinanong ko kung pwedeng bang mahiram ang kinilang oras kahit sandali man lang…pina-unyakan naman akong ng mag-asawa…

mang BADoy:     twing anong oras po kayo pumupunta sa lugar na ito?
aling mercedes:     pag-ka gising namin ng asawa kong si julian.
mang BADoy:     mga alas nuebe or alas dyes po ba?
mang julian:          uu mga ganun, kung anong oras pumapasok ang mga studyante at bukas ng mall para madami kaming mapalimusan.
mang BADoy:     papano po kayo kumain?
aling mercedes:     minsan may nag-aabot pero sa araw araw naman may dala dala kaming baong ng aking asawa para kung magutom kame may kakainin kami dito.
mang BADoy:     magkano naman po ang kinikita ninyo sa araw araw?
mang julian:          paiba-iba, minsan isang daan pag swerte naman dalawang daan hangang tatlong daan.
mang BADoy:     papano po kayo umuuwi?
aling mercedes:     naglalakad lang kame, at kabisado na namin ang daan pauwi…
mang BADoy:     di kayo natatakot masagasaan?
mang julian:           takot syempre, pero minsan may mabuti namang loob ang umaalalay samin at naghahatid sa aming pupuntahan.
aling mercedes:     alam naman namin na di kame pababayaan ng nasa taas at gagabayan nya kame sa araw araw. sya ang magiging mata namin para makita ang tamang daan.
mang BADoy:     papano po ang loving-loving ninyo?
sabay:                     **tumawa lang** meron pa din khit papano.
mang BADoy:     asan na po yung dalawa ninyo anak?
mang julian:           linayasan kame, hindi namin kung asan na..
aling mercedes:      ayaw na siguro maging pabigat sa amin kaya kusa na silang umalis.
mang BADoy:     di nyo po ba hinanap?
mang julian:          hinanap namin pero may nagsabi na babalik daw sila pag maayos ayos na ang buhay nila.. kaya mula noon di na namin hinanap yung dalawa..

nang matapos ang aking interview, diko napigilang maluha at mahabag sa dalawang taong nakilala ko at kahit sa konting sandaling nakasama ko sila parang may kung anong kurot ang binigay nila sa puso ko, madami akong aral na napulot sa kanila..nasabi kong napaka swerte ko at hindi ako naging gaya nila…natuwa rin ako dahil kahit ganun na sila katanda alam mo totoo ang kasabihang “love is blind”. nagpasalamat sila sa akin dahil inabutan ko sila ng pagkain at kinausap nila ako..masasabi kong malaking tulong sa kanila ang kausapin sila para maintindihan kung anong nararamdaman nila at hindi madama nila na hindi masama ang maging mahirap at hindi sila kinukutya at pinandidirihan.

bagamat nakausap ko sila, di pa rin ako naniniwala sa limos… kasi marami pa rin sa kanila ang ginagamit ng sindikato para kumita… kung bibigyan nyo sila ng pera iisipin nilang ganun na lang ang gagawin nila para kumita mas maganda siguro bigyan na lang natin sila ng pagkain para mabuhay hindi pera…sad fact of life di ba? pero may loving loving pa rin… hehehehe!

 

Love Notes: 15 sangkap para sa matagumpay na RELASYON! Hulyo 20, 2008

Posted by BADoy in lab LIFE.
Tags: , ,
30 comments

meron ba talagang sangkap ang matagumpay na relasyon? ano-ano ba ang sangkap to keep our relationship strong?base ito sa mga true experience ko,sa tatlong babaeng dumaan sa buhay,OO tatlo lang yung naka dumaan yung iba kasi tinikman lang ako!patay na naman ako nito at pag-aawayanan na naman natin to…joke lang Bossing bebeko!

  1. love each oder. kahit hindi equal ang love nyo sa isat isa ang importante mahal nyo ang each other.
  2. honesty. pero kung white lies naman ok lang.
  3. communication. kahit ano pa yan, email, text, call, landline, sulat, batsa keep your commincation open.
  4. stay sweet. bigyan mo sya sulat (for bf), bigyan mo ng flowers (for gf). kahit anong ka sweetnasan yan, basta patok ok na yan!
  5. forgive and forget. just chill, wag masyadong madrama, pag tapos na kalimutan na. 
  6. never talk about break-ups. kahit galit na galit kayo wag nyong pag uusapan yan kasi iti-trigger nyo lang ang partner nyo na makipag hiwalay.
  7. pride. mahirap sabihin pero dapat sa relasyon nyong walang pride. prito nyo lang yan!
  8. never say its OKAY,if its not. ang mga babae usually mahilig mag sabi ng “I AM OKAY” pero HINDI, HINDI, HINDI pala. 
  9. dont say SORRY, just mean IT! saming mga lalake naman to! we mean IT sometimes nga lang nauulit. heheheh!
  10. comparison. dont compare sabi ng nila walang taong magkatulad, hinulma tayo ni papa God na walang kagaya.
  11. EX’s. stop talking about your ex, kung dimo mapigilan balikan mo ex mo.
  12. give and take. di pedeng parati ikaw ang dominante, pag bigyan mo naman sya once in a while.
  13. feelings. pakiramdaman mo yung mga sasabihin mo, isiping mabuti baka nakakasakit yan bago bitawan, sa parehood, mas makapangyarihan ang dila kesa sa palo.  
  14. when u had a fight, dont let the day pass w/o being fine. minsan applicable, minsan kelangan matulog na lang at pabayaan sabi nga nila “time heal”.
  15. dont be the perfect one, BE THE RIGHT ONE.

kulang pa ba ang sahog? for me yan lang ang sahog para mag work ang relasyon…

————————————————————————————-

my bad, nalimutan ko kulang pa ng isa yun ay TRUST hindi yung goma. kasama kasi sa honesty yung trust… papalusot pa ano? heheheh!

unang buwan Hulyo 17, 2008

Posted by BADoy in monthsary.
Tags: ,
21 comments

ang sarap naman nya ng cake pala!!!

Happy 1st month sa Blog ko!

Maraming maraming salamat sa mga bisita ko! at kapitbahay sa blog na to.

hot ‘n spicy Hulyo 15, 2008

Posted by BADoy in Life experience, buhay malaysia.
Tags: , ,
13 comments

masarap ang buhay ko sa malaysia, gigising ako ng alas otso ng umaga kakamot sa betlogs, kakain ng agahan, maliligo at aalis sa bahay ng nine thirty, darating sa opis ng mag aalas dyes. kakain ng lunch ng alas dose balik ng ala una or one thirty ng hapon, tea break ng alas kwatro or alas singko at uwi ng alas sais impunto…

 

sa twing darating ang lunch time, mag tatanungan at magkukulitan na kaming mag kakasama sa opis kung saan kakain o di kaya anong klase ng pagkain ang kakainin. pedeng noodles, baka, manok, pork, pizza, o burger. pagkatapos nun ang susunod ng tanong ay ang mahirap na saguting SAAN? sa isang taon kong pamamalagi sa malaysia e halos nalibot na namin ang kainan dito nakatikim nako ng CHINESE, SINGAPORE, THAI, INDIAN, INDONESIAN, MALAY at WESTERN GIRLS CUISINE.

 

nakakamiss yung lutong bahay na caldereta, mechado, kare-kare, dinuguan, bopis, sisig, barbeque, at kung ano ano pang masasarap na pambahay na ulam na niluluto ng aking tatay. nakakamiss din ang isaw sa kanto at tinapay sa goldilocks… namimiss ko rin sa umaga ang goto ni aling adeling na may lamang loob ng baka at may libreng tokwa pa pag ako ang bumibili.. masarap din ang brazo de mercedes ng goldilocks na kahit nakakataba e masarap pa rin.. masarap din ang suman ni mang domeng at kesong puti ni mang nick..di rin papahuli ang malagkit na peanut butter ni aling cora na may libreng matamis na bao pag bumili ka ng dalawang bote…

 

ibang talaga ang panlasa ng mga pinoy, sa buong asia tayo lang ang hindi mahilig sa spicy (except sa mga bicolano), sa mga local malaysian normal na ang sandamukal na sili ang pagkain nila at kung ang pinoy e basa na ang anit hanggan singgit ng betlogs twing kumakain tayo ng spicy sila parang kanin na walang lasa ang sili sa kanila…

 

ikaw spicy ka ba? or not spicy? basta ako hot and spicy…yun yown!

 

malapit ko ng ilaunch yung bago bahay ni mang BADoy

 

A B A N G A N . . .

3 Hit COMBO: Isang Pasasalamat Hulyo 13, 2008

Posted by BADoy in blessings in disguise.
Tags: , , , ,
12 comments

nauso na yata ang pasasalamat sa blog kasi sa blog ni gugmagiatay at ni aga nagpasalamat sila dahil nakasama sila sa Fastest Growing WordPress.com blogs, galing nyo idol!!! pero nung saturday, unexpectedly nakita ko sa dashboard na kasama ako sa 3 criteria na 3 hot COMBO ko astig si mang BADoy! akalain mo lumilevel nako kina Maldito, Gasti at all-time favorite na Kwentong barbero ni Badoodles… mga institusyon na sa pag susulat ng blog…

1. Naka sama ako sa Top WordPress.com blogs today, Top pOSTs from around WordPress.com, Fastest Growing WordPress.com blogs lahat pang number 4. Okay na yan, kesa wala…proud nako nyan sa sarili ko at may bumibisita at nakikilala ang blog ko meaning kahit konti  may katuturan rin ang pag sasayang ko ng oras para mag isip at mag recall ng mga ipopost ko sa blog na ito.

2. regarding the result of interview last week, sorry ha at lagpas one week nako nakapag post ng reply. I got a call from my agent last friday and he told me that i will have another discussion with their client probably on Tuesday but I bet it will be on Wednesday or Thursday this week about my role and salary offer. Meaning, I successfully passed the interview last week! Yey!

3. Kay papa GOD, na kahit paulit ulit ko syang kinukulit twing umaga, pagligo, pag nasa opis. tinatanong ko sya kung bat ang tagal tagal naman ng resulta yun pala positibo…pina eexite lang ako ni papa GOD at sinasabi nyang “mang BADoy, patience is a VIRTUE“. Everything paids off talaga. Law of attraction, pag positibo ka daw positibo din babalik sayo. pero i almost lost hope na rin sabi ko na lang sa prayer ko sa kanya na sya na lang ang sakin… I completely TRUST Him with my LIFE.

mula sa kaibuturan ng aking lungs at long intestine MARAMING, MARAMING SALAMAT sa pag-babasa at pag-subaybay sa mga trip kong minsan corny minsan nakakatawa. sana di kayo mag sawa sa aking mga kagaguhan at katangan…sana kahit papano nagbibigay ako ng aral at aliw sa mga entry ko. muli, maraming salamat sa inyo at kay papa GOD..

Why do people have to lose things only to find out what they really mean?

pusa killer Hulyo 11, 2008

Posted by BADoy in Pilyong BADoy, karahasan nung bata.
Tags: , ,
10 comments

ang sarap ng chocolate na kinder bigay ng ka opismeyt kong si trudis liit…salamat trudis liit! naalala ko tuloy yung mga kalokohan ko nung kinder at elementary pako..

 

  1. pag papasok ako sa skul nung kinder pako ang baon ko ay 2 pesos (yung hugis hexagon), kinukupit ko lang yun sa kaha ng tindahan namin pero dati after ng uwian binabalik ko pa pero nung nag elementary at high school hindi na.
  2. twing may drawing seatwork kami hindi ko ginagawa kasi di ako marunong mag drawing at magkulay kaya habang busy ang mga kaklase ko luluhod ako sa sahig at lilibutin ko ang buong klassroom at mang haharbat (nenok or nakaw) ng magagandang crayons at lapis..naniniwala kasi ako dati na “finders keepers”.pag uwi ko ng bahay ang dami kong bagong pang kulay at lapis…
  3. hindi naman ako palaaway nung bata pako pero hindi ako inaaway ng mga bully kong kaklase alam kasi nila na papatulan ko sila pag inaway nila ako.. naalala ko napaiyak ko yung siga dati kaya medyo untouchable nako nung bata ako kasi napa iyak ko nga lider nila..papano? binato ko ng eraser sa mukha, nang iinis kasi habang may kinokopya ako sa blackboard.
  4. nakapanghampas na rin ako ng makapal ng libro sa mukha ng clasmate ko nung grade 3 ako.ginising kasi ako ng natutulog ako sabi ko “anong problema mo?” ang sagot nya “wala, trip ko lang!” kaya ang ginawa ko hinampas ko ng libro sa mukha tapos sabi ko “sorry, trip ko lang din”.
  5. paborito ko rin libangan ang manghuli ng butiki at langaw/bangaw twing reces. anong ginagawa ko? sa butiki, pinuputol ko yung buntot tapos ilalagay ko sa kahon ng posporo. yung langaw at bangaw naman ay kinukulong ko sa selopin tapos pag nahilo sila titirisin ko hangang lumabas ang bituka..(fyi yung bangaw yung mas malaki at mataba while yung langaw naman yung payatot).
  6. nung bumait naman ako nung grade 3 ako nag tinda ako ng sandwitch at mga kendi para kalabanin ang cantin namin… para may savings ako at pambili ng laruan at kung ano ano pa nung elementary ako.
  7. napag tripan ko din ang pusa, sa bakanteng lote katabi ng eskwelahan namin ay sinabuyan ko ang pusa ng gas tapos sinindihan ko ng posporo pinatunayan ko lang yung sabi ng teacher ko sa science na siyam daw ang buhay nila..hindi naman totoo. (oo, alam ko bad ako kasi mamamatay pusa ako.. dont worry diko na uulitin. pramis!)
  8. dahil mahina ako sa english nung grade six ako tinakot ko yung kaklase ko na isusumbong ko sya sa nanay nya na may bf na sya kahit wala! sa takot nya sumusunod sya sa gusto ko at ginagawan nya ako ng assignment tapos pinapakopya pa…napaka bad ni mang badoy!
  9. ang lakas din ng trip naman na maglaro ng spirit of the glass sa taas ng building pag gumagabi exiting pero wala naman kaming naramdamang multo… pati yung spirit of the pencil pinauso na ng kaibigan ko…
  10. na try nyo na bang paniwalain ang mga friends nyong nakakausap kayo ng dwende kahit hindi naman? hahahah! na try ko yan kasi usong uso ang dwende ng bata ako kaya sabi namin may friends kaming dwende nilalagyan pa namin ng pakwan or pagkain ang puno pagdating at kinabukas nauubos naman pero pag tiningnan mo sa likod makikita mong andun ang pagkain at daladala ng mga mapupulang langgam.

 

sarap maging bata ano? sana ganun pa rin tayo ngayon walang iniisip puro kapilyuhan lang! kung maibabalik ko lang diko sana pinatay ang pusa…