jump to navigation

IWETNESS: palimos Hulyo 22, 2008

Posted by BADoy in Life experience.
Tags: , , ,
trackback

ang ganda ng gising ko ngayong umaga siyam na oras at kalahati ang tulog ko… kaya naman smile kagad akong pagkagising ko…nagpasalamat kay papa God sa bagong araw na ibinigay nya sa akin…diretso sa kusina, nag timpla ng ovaltine at kumuha ng kapirasong cheese cake sa ref… pagkatapos ay naligo at nagbihis nako… bawal manilip! naglalakad ako papuntang terminal ng lrt ng mapansin ko ang isang bulag na namamalimos… kaawa awa… kahabag habag at hindi ko ma-imagine kung anong magiging buhay ko kung ako’y magiging tulad nila… walang maaninag at kadiliman lang ang liwanag sa kanilang mga mata,  tunog lang ang gabay sa paglalakad, lakas ng pakiramdam para mabuhay, at minsan ay ang pag-asang may tutulong sa kanila upang gabayan sa twing tatawid sila sa daan at aakyat sa hagdanan..

naisip kong isulat ang isa sa aking mga assignment nung nasa kolehiyo ako, pinagawa kame ng aming guro para sa subject na sociology ng isang mini-interview sa mga taong lansangan at napili ko ay ang mga bulag na namamalimos…ang mga susunod na mababasa nyo ay tunay na buhay ni aling mercedes at mang julian, mag asawang bulag na namamalimos sa kahabaan ng city hall…40 years na si aling mercedes at 48 naman si mang julian, nagkakilala sila sa isang charity house at dahil pareho nila alam kung ano ang pakiramdam ng bawat isa at alam siguro nilang kelangan nila ng karamay sa bawat araw na haharapin nila… may 2 silang anak na parehong lumayas sa kanila ng 10 taong gulang na..at hindi na nila alam kung asan na…

dala dala ang pagkaing binili ko, nakipag kilala ako sa kanila at tinanong ko kung pwedeng bang mahiram ang kinilang oras kahit sandali man lang…pina-unyakan naman akong ng mag-asawa…

mang BADoy:     twing anong oras po kayo pumupunta sa lugar na ito?
aling mercedes:     pag-ka gising namin ng asawa kong si julian.
mang BADoy:     mga alas nuebe or alas dyes po ba?
mang julian:          uu mga ganun, kung anong oras pumapasok ang mga studyante at bukas ng mall para madami kaming mapalimusan.
mang BADoy:     papano po kayo kumain?
aling mercedes:     minsan may nag-aabot pero sa araw araw naman may dala dala kaming baong ng aking asawa para kung magutom kame may kakainin kami dito.
mang BADoy:     magkano naman po ang kinikita ninyo sa araw araw?
mang julian:          paiba-iba, minsan isang daan pag swerte naman dalawang daan hangang tatlong daan.
mang BADoy:     papano po kayo umuuwi?
aling mercedes:     naglalakad lang kame, at kabisado na namin ang daan pauwi…
mang BADoy:     di kayo natatakot masagasaan?
mang julian:           takot syempre, pero minsan may mabuti namang loob ang umaalalay samin at naghahatid sa aming pupuntahan.
aling mercedes:     alam naman namin na di kame pababayaan ng nasa taas at gagabayan nya kame sa araw araw. sya ang magiging mata namin para makita ang tamang daan.
mang BADoy:     papano po ang loving-loving ninyo?
sabay:                     **tumawa lang** meron pa din khit papano.
mang BADoy:     asan na po yung dalawa ninyo anak?
mang julian:           linayasan kame, hindi namin kung asan na..
aling mercedes:      ayaw na siguro maging pabigat sa amin kaya kusa na silang umalis.
mang BADoy:     di nyo po ba hinanap?
mang julian:          hinanap namin pero may nagsabi na babalik daw sila pag maayos ayos na ang buhay nila.. kaya mula noon di na namin hinanap yung dalawa..

nang matapos ang aking interview, diko napigilang maluha at mahabag sa dalawang taong nakilala ko at kahit sa konting sandaling nakasama ko sila parang may kung anong kurot ang binigay nila sa puso ko, madami akong aral na napulot sa kanila..nasabi kong napaka swerte ko at hindi ako naging gaya nila…natuwa rin ako dahil kahit ganun na sila katanda alam mo totoo ang kasabihang “love is blind”. nagpasalamat sila sa akin dahil inabutan ko sila ng pagkain at kinausap nila ako..masasabi kong malaking tulong sa kanila ang kausapin sila para maintindihan kung anong nararamdaman nila at hindi madama nila na hindi masama ang maging mahirap at hindi sila kinukutya at pinandidirihan.

bagamat nakausap ko sila, di pa rin ako naniniwala sa limos… kasi marami pa rin sa kanila ang ginagamit ng sindikato para kumita… kung bibigyan nyo sila ng pera iisipin nilang ganun na lang ang gagawin nila para kumita mas maganda siguro bigyan na lang natin sila ng pagkain para mabuhay hindi pera…sad fact of life di ba? pero may loving loving pa rin… hehehehe!

 

Mga Puna»

1. Indie Sikat - Hulyo 22, 2008

ayos ka talaga. nagbabalik. ansaya mo talaga. :D

2. Indie Sikat - Hulyo 22, 2008

wala lang.

oops. invalid reason.

ganon tlg. palipat-lipat naman tlg ako.

3. Indie Sikat - Hulyo 22, 2008

bat kilala mo ko.

mang BADoy: @Indie Sikat, may tatlo akong reason at di lang ako nag conclude ok:
1. basta alam kong jonell name mo
2. similar yung logo mo sa superpaurong na pareho ang kulay at tema.
3. dun sa kastilyong lumilipad na subheader mo sa page mo… parang nabasa ko sayo yun…
wag ka kasing mag-iiwan ng marka pag aalis ka kasi makikila ko yun…hahahha!

4. kamotenista - Hulyo 22, 2008

great story!
naluha ako…naalala ko yung bulag din nung nag-aaral pa ako.parati akong may 2 piso sa kamay at dinadaan ko siya bago pumasok sa eskwela. ….

kahit mainit andun parin sa area nya. minsan binibilhan ko cya ng burger para may makain naman…

god bless po

mang BADoy: @kamotenista, for a change naman kelangan maging serious ako… hehehe :P

5. beero - Hulyo 22, 2008

natawa naman ako sa “loving-loving”. hehe.

naranasan ko din yan nung intern ako sa tv at radio station. araw-araw lang naman akong nasa field at nagi-interview ng kung sinu-sino. but it was such a nice experience. ang dami kong natutunan sa kanila.

mang BADoy: @beero, tama ka dyan tyong! may sequel yan IWETNESS ko, nung ininterbyu ko naman yung may AIDS na siguro patay na ngayon at yung isang pokpok sa pasay… nakakatuwa at madami akong natutunan sa kanila

6. mahiwagang_sibuyas - Hulyo 22, 2008

i liked your header.

IWETNESS: palimos

wala bang IDRYNESS: Palumot?

in furnace, may punto ka. palamunin nlng sila kesa bigyan ng kwarta.

haaaaaafir mang bads!*

mang BADoy: @mahiwagang_sibuyas, infarview may point ka! sige gamitin natin yan minsan… IDRYNESS: Piso lang

7. menggay - Hulyo 22, 2008

dahil sa kanila na aapreciate ko kong anong meron ako..”naiisip kong napaka swerte ko pa pala..
Mahirap husgahan ang mga anak nila dahil indi ako ang nasa kalagayan nila..pero sana kong naging ganun ang mga magulang ko..gabayan sana ko ni papa jesus para magabayan din sila…

ittxt ko muna si mudra at sasabihin mahal na mahal ko siya…si papa nasa heaven na ih bulong ko nalang hehehe..

babay muna kuya :)

mang BADoy: @menggay, NAPAKA toughtful naman, how goldilocks… sana naging kapatid na lang kita… pede? ate penge naman ng ipod yung iphone lang!

8. rimewire - Hulyo 22, 2008

hakhak

naiyak naman aku dun

hakhak

elyens

XXXxx

mang BADoy: @rimewire, baliw ka na rimewire may iyak tapos tawa sa huli… hakhak! ganyan talaga pag ECE.

9. Aling Baby - Hulyo 22, 2008

yung will nila to survive, yon ang nakakabilib. meron kasing iba na pakiramdam nila eh wala na silang kwenta tapos nagmumukmuk sa isang tabi. ako rin indi naniniwala sa limos, mas okay nga kung food na lang at indi pera ang ibibigay dahil sa nagkalat na mga sindikato kung san-san.

:)

mang BADoy: @Aling Baby, pero alam mo naisip kong negosyo yan… kaso naagapan ng government at nagkaroon ng law for human trafficking…

10. Roxy - Hulyo 22, 2008

One word : Sweetness! :)

kahit anong hirap ng buhay, nanjan parin sila at nagmamahalan, Go parin kahit sa gitna ng kahirapan. One inspiring story about love, pero.. sa ngayon ay bitter parin ako pero mejo umaasa parin a maging katulad nila, forever love. :D

- Hanla, minsan meron ako binigyan na pulubi ng pagkain, tinapon sa harap ko! gagong un. Pera daw kailangan nya! damn. May phobia nako kaya hindi nako nagbibigay sa matatanda! sa bata nalang… :D

mang BADoy: @Roxy, sweetness for life! gusto mo maging gaya nilang bulag at pulubi? hahahah linawin mo yan… si God pa naman masunurin sa wishes natin… kaya be accurate! hehehe

11. Roxy - Hulyo 22, 2008

haha. Pwede rin :D out of curiosity ba, may western guys kaya? haha LOL. Sige sama, manlilibre ka nga lang. :D

mang BADoy: @Roxy, libre kita kung mahahanap moko :P magaling ako sa hide and seek…

12. Roxy - Hulyo 22, 2008

Nyek, maling post dapat tong comment nato para sa hot n’ spicy. Anyway, Binoto kita sa laffapalooza ni Mr. Badoodles! weee Sana makaabot noh. chekirouuut :D

mang BADoy: @Roxy, ok lang yun! pabayaan na natin! salamat ng marami at sa iba boto nyo rin ako sa laffapalozza ni mr badoodles… malamang nasa top 100 ako nyan kasi ikaw palang naboto sakin… hahahha! dont worry kakaririn ko yan… hahah!

13. FerBert - Hulyo 22, 2008

kung lahat ng tao magbibigay ng limos halimbawa sa isang pulubi. isipin mo na lang yung piso pisong binibigay nila.. Kung sa loob ng isang araw 1000 ang nagbigay sa kanila noon.. sa loob ng isang buwan may 30k na sila. Hindi tama na mabuhay ka dahil lang sa limos at umamaasa sa iba.. kelangan matutunan ng kapwa naten na hindi aangat ang buhay nila sa palimos limos at paasa asa lang.. Wala pa akong nakitang milyonaryong umasa lang sa limos..

mang BADoy: @FerBert, papano pag 797.23 lang sa isang araw? magkano sa isang buwan yun? joke! nag compute talaga! heheheh

14. Indie Sikat - Hulyo 23, 2008

busy ata ha. walang bagong post? pero online ka alam ko.

mang BADoy: @Indie Sikat, online yung ym ko sa bahay. nalimutan kong isara hahaha! bukas pa yung bagong entry kong bago, try mo munang basahin yung luma… IWETNESS: MISTER X (part I) yung next post ko pero di pa tapos e…

15. naglalambingnacute - Hulyo 23, 2008

Bilib ako dun sa kwento ng dalawang bulag.. compare mo yun buhay nila na may kapansanan pero nag pupursige pa din mabuhay, di tulad ng iba na may kakayanan magtrabaho, may magagamit na mga mata para magamit sa pag banat ng buto … ang ginagamit ay bunganga para mag reklamo kung gaano ka miserable ang buhay nila… nice entry mang badoy.. very inspiring … ;)

16. Roxy - Hulyo 23, 2008

Weh :D Well hindi naman gusto… :D wag naman po sana jusco po rudeh :D amazed lng ako kc kahit naman pipi at bulag nagmamahalan parin! Siguro nga mas ok kung pipi o bulag para pagnambabae o nanlalake hindi kita o kaya naman kung pipi hindi mabibingi sa kaka-nag either way. :D Hehe.

mang BADoy: @Roxy, opo point taken… mabuhay mga pepe este pipi pala!

17. rimewire - Hulyo 23, 2008

jusko di ku nga alam kung makakagradweyt aku ng ECE eh

hakhak

letsugas na circuits yan

hakhak

elyens

XXXxx

mang BADoy: @rimewire, kaya mo yan ang tali-talino mo ako nga matalinaw lang! heheheh =)

18. kengkay - Hulyo 23, 2008

nakaka touch naman yang story na yan… pero alam mo, minsan interesting talagang makausap ang mga taong nakakasalubong natin.. namamalimos man o hindi. dito sa alemanya, akala mo kung maglakad ako dito e dami kong kakilala — kasi kaway kaway ko yung mga matatandang nakakasalubong ko… kasi may oras ako para makipag kwentuhan sa kanila. minsan kasi nag iisa na lang sila, sino pang mag tiyagang kumausap sa kanila? hayy, ayokong tumanda dito sa alemanya at kung tatanda man ako dito e magtatayo ako ng chismisan club :)

mang BADoy: @kengkay, abangan nyo yung post ko tommorrow mas maluluha kayo… dalawang part yun…. watch out… entitled “IWETNESS: MISTER X”

19. otep - Hulyo 23, 2008

may ovaltine pa pala.. hehehe LOL:D

kuya parang ang sagwa ng question: hehe

“mang BADoy: magkano naman po ang kinikita ninyo sa araw araw?”

iba dating ng salitang “kinikita” sa nanlilimos para sa’kin.. (hehe share ko lang)

great story!.. naluluha din ako Hug* huhuhuh

nice! :)

mang BADoy: @otep, masakit kasi sa tenga pag nililimos meaning hinihingii lang nila ang tingin kasi nila sa ginagawa nila e trabaho so i use that word…. get mo? mahirap maka offend ng pulubi e…ganun na nga sila tapos mamaliitin pa natin… tama ba?

20. secondlady - Hulyo 23, 2008

You learned from this experience more than what you can read from sociology books, or any other books. I used to be a sociology professor and I do recommend also to my students what you did. You see, look at the impression of reality implanted in your mind. You have all my praises. thanks.

21. mhar - Hulyo 23, 2008

life is like that. haaaay…

22. ifoundme - Agosto 4, 2008

ang ganda ng entry na to…. tayo yung medyo maswerte when it comes to material things pero puro reklamo pa rin tayo….

23. rubie - Agosto 12, 2008

para namang napluha ako sa entry na to.. naisip ko kasi ang buhay ko.. swerte pa rin ako.. may pamilya ako.. kaibigan.. nagkataon lang na naging biktima ako ng isang madamot na pagi-ibig.. pakiramdam ko naparalisa na ko.. hindi ko na maihakbang ang mga paa ko.. nasaan ang buhay.. hindi ko makita.. ayaw kong maging ganito habang buhay dahil ayokong masaktan ang mga mahal ko sa buhay.. mas mabuting ako nalng ang masaktan..

pero minsan hindi ko na kaya.. hindi ko na kayang buhatin ang mudo.. hindi ko na kayang dalahin ang sakit na nasa balikat ko.. minsan gusto ko ng sumuko..

naiisip ko minsan.. gusto ko nang mamatay.. hindi dahil sa ayaw ko nang mabuhay.. kundi dahil ayoko nang maramadaman ung sakit.. sana nagkaamnesia na lang ako..

sana maging kasing tatag ako katulad nung magasawa.. may pagasa pa.. maganda ang buhay db.. kahit minsan hindi natin nakikita..