jump to navigation

gatas salbahe Hulyo 30, 2008

Posted by BADoy in kwentong horror.
Tags:
trackback

“matandang kasabihan ng mga pilipino na kapag may dumadalaw na itim na paru-paro sa bahay mo ay dinadalaw ka rin ng pumanaw mong kamag-anak…”

teng, teng, teng… eksaktong alas onse ng gabi lumabas pako para kumuha ng gatas pampatulog…patay na ang mga ilaw sa kusina at malakas din ang hangin sa labas dahil sa ulan…binuksan ko ang ref at kinuha ang bote ng gatas para isalin sa baso…biglang kumulog, muntik ko na mabitawan ang hawak hawak kong baso…isinauli ko ang bote ng gatas sa ref at umalis sa kusina… dahan dahang umakyat sa hagdahan na animoy takot na baka magising ang mga kasambahay…

pagpasok sa kwarto pinatong ang baso sa side table ng kama, kinuha ang librong para magbasa at humiga…patuloy ang ulan sa labas at mahangin sa buong kwarto…isang malakas na sigaw ang akin narinig. Arayyyyyyyyyyyyy!!!! tinig ng isang babae na humihingi ng tulong, para bang may nagbabalak sa buhay nya…dali-dali akong napatayo sa kama para tignan kung saan nanggaling ang boses na aking narinig…tumingin ako sa kabilang kwarto pero tulog na aking mga kasambahay, sumilip ako sa kwarto ng aking mga magulang ngunit ibang tinig ang narinig ko sa silid nila, malalakas na hilik ang maririnig mo sa kwarto ng aking mga magulang. bumaba ako sa basement para tingnan kung dun nanggagaling ang sigaw na narinig ko.

gamit ang flashlight at tapang bumaba ako dahan dahan…tagadag! tagadag! ramdam ko ang bilis ng pag tibok ng aking puso na animoy takot na bumaba sa basement at nanginginig ang tuhod. may kung anong bagay ang humihila sakin pababa para tingnan kung anong meron sa basement na dati ng tambakan ng lumang gamit ng pamilya namin…tinutok ko ang ilaw ng flashlight sa hagdaan pababa… sumigaw ako at nagtanong kung may tao ba sa basement ngunit walang sagot na narinig kaya patuloy na bumaba…isang malakas na kulog at kidlat ang pinakawalan ng langit at kulang na lang ay sumigaw at tumalon ako sa takot…tumuloy pa rin ako sa looban ng basement…

kung ano-anong lumang gamit ang aking nakita, mga lumang lalagyanan ng kandila, baol, lumang damit, lumang mga libro, gamit pang kusina, aparador, lumang sala set, billiard set at baul…isang malakas na hangin ang umihip, parang may dumaan na diko maipaliwanag at ang lamig ng pakiramdam, tinungo ko ang baul at binuksan kung ano ang nasa loob…nakita ko ang mga larawan, gamit ang flashlight na tanging ilaw sa madilim na lugar na iyon ay pinagmasdan ko ang mga litrato…napansin ko ang mga larawan na naroon ay si lola nung kadalagahan pa nya…

isang malakas na kulog! pagkatapos ay isang malakas na kidlat!

napahawak ako sa tenga ko sa sobrang lakas ng kulog at kidlat. tumama ang ilaw ng flashlight sa isang trahe de bodang nasa basement…naalala ko ang kwento ni mommy, na nuong panahon daw ng aking lola ay ginamit niya ito sa kasal nila ng una niyang asawa at hindi iyon ang lolo ko…namatay daw ang unang asawa ni lola pagkatapos nilang ikasal at sa bahay na ito namatay ang unang asawa ni lola…

isang malakas na kulog! pagkatapos ay isang malakas na kidlat!

pagtama ng ilaw ng flashlight sa dilim, ang mukha sa litratong hawak hawak ko ay nasa harapan ko na… kaharap ko si lola… may sinasabi ngunit hindi ko marinig sa takot at nginig ng akin mga tuhod di ako makapaniwala na nasa harapan ko ang lola kong ni minsan ay hindi ko nakita dahil namatay na sya ng isilang ako…dahan dahang lumalapit sakin si lola na nakataas ang kamay at wariy gusto akong isama sa kung saan man sya naroon, hindi ko alam kung anong gagawin ko gusto kong sumigaw ngunit walang boses ang lumalabas sa bibig ko…gusto kong tumakbo pero parang nakadikit ang paa ko sa sahig…palapit na palapit na si lola at wala pa rin ako magawa sa sulok ng aparador ako sumiksik, napapikit ako ng biglang…

nag-ring ang alarm clock, umaga na pala! isang panaginip lang pala ang lahat buti na lang akala ko totoo na! paglabas ko ng bahay isang paro-parong itim ang dumapo sakin… ito’y nagkataon lang ba o ito ay signos?

ngayon agosto ihahandog ko sa inyo ang mga kwentong kakaiba, kwentong maligno, kwentong aswang, panaginipĀ at kwentong pakikipag sapalaran sa ibat ibang uri ng nilalang…pasukin natin ang mundo nila, makisilip kung anong meron sa dako pa roon at sabay-sabay nating basahin ang panibagong yugto sa bahay ni mang badoy!

Mga Puna»

1. lawstude - Hulyo 30, 2008

aba. tutuklasin mo ba kung ano nga ba ang nasa dako pa roon? parekoy mahilig ako magtravel pero ayoko naman na magtravel sa mga aswang, maligno. impakto, insekto at kung ano-ano pa kaya magbabasa na lang ako ng post mo.

bari-bari apo.

2. utakmunggo - Hulyo 30, 2008

so ganon, papatayin mo ako sa katatakutan. haha *tago sa ilalim ng kumot*

3. rimewire - Hulyo 30, 2008

hakhak

aswangan kung aswangan ah

hakhak

elyens

XXXxx

4. trudis liit - Hulyo 30, 2008

manong badoy, magshe-share po ako ulit ha..
elementary pa lang ako.. walang pasok noon dahil may malakas na bagyo..
nasa taas lahat kami ng bahay kasama ang pamilya ko at walang magawa dahil wlang kuryente..
sunud-sunod ang malalakas na kulog at kidlat..nakakabingi na at nakakamanhid na ng pakiramdam..
hindi ko akalaing halos maging katapusan ko na nang may maamoy akong nasusunog..
huli na ng malaman kong nakalimutan ko palang lagyan ng tubig ang sinaing ko

5. aga - Hulyo 30, 2008

ganun horor ba ang trip mo?
grrrrrhhhhh! takot ako sa ganyan! bwahahahaha.
naaalala ko tuloy ang mga palabas sa tv pang regal shocker! ahehehehe
asust :)

6. Roxy - Hulyo 31, 2008

Anong itsura ni lola?

Woooooooot. aabangan ko ang august edition mo. LOL

Cheers

7. Colegiala girl - Hulyo 31, 2008

Naku kuya huwag mo akong takutin ng ganyan, yumayakap pa man din ako kahit pogi kapag napaguusapan ang tungkol sa mga multo. Pero type ko na rin iyong mga kuwentong aswang, tiksbalang, etc. Nice story.

8. kingdaddyrich - Hulyo 31, 2008

sana i delay muna hanggang october para appetizer for araw ng mga patay sa november. he hehe..

ang alam ko lang, kapag may paru parung dumapo, ibig sabihin, mabango ang dinapuan niya.

:)

9. ak0it0 - Agosto 1, 2008

ha..ha..ha.. panaginip lang pala kala ko ay may ghost na talaga. yung paruparong dumapo sa iyo paggising mo baka napagkamalan kang isang bulaklak :lol:

10. wei vines - Agosto 1, 2008

hehe..lagyan mo ng picture.. at bakit kwentong nakakatakot naman? baka hindi ko na basahin! yikes! :lol:

11. kamotenista - Agosto 4, 2008

ayaw ko nito….wahahaha