jump to navigation

tinik ng buhay Agosto 1, 2008

Posted by BADoy in muni-muni moments, senti MODe.
Tags: ,
trackback

hindi naman bilog ang buwan pero inatake ako ng emotional stress at depression buong araw… ayoko namang buong buwan ng agosto e mag-mukang busangot ang mukha ko…kaya nilista ko ang mga bagay na nagpapalungkot sakin:

  1. nabwisit ako kagabi dahil hindi natuloy ang interview ko sa citibank singapore! nag aral pa naman ako at nagpuyat kaka basa ng porn reviewer pero di natuloy at di pa na rereschedule.
  2. nakakainis ang isang linggo dalaw ng sipon at ang ubong may laman. yung may halong sipon pag umuubo ka… sarap di ba? gusto mo?
  3. namimiss ko ang pamilya ko at si bebeko na ilang buwan ko ng hindi nakikita ng LIVE at gumagalaw galaw! ayoko puro sa camera lang at webcam sya makita…i wanna hug her and feel her.. :(
  4. naubusan na ako ng gagawin sa opis at mahirap ang magpanggap na kunwari ay busy ka! napakahirap ang mag intay ng oras ng uwian lalo kung pagbabasa lang ng blog ang task mo sa buong araw… nakakapeste!
  5. epekto ng iwitness ang naging madrama ako sa buhay at masyadong kong dinibdib ang
    buhay buhay nila…mister x at miss x, move on muna ako sa inyo kahit sandali lang…
  6. naubusan nako ng papanoorin sa bahay pag-uwi ko, natapos ko na lahat ng US series, Korean Series, japanese series, pinoy series, porn series, lahat ng US reality shows pinatos ko na kahit cooking at fashion show pinanuod ko na rin…
  7. tumataba ako, nakaka pagod pag tumataba ka feeling mo lumba lumba kang naglalakad or hingal na hingal kapag nag hahagdanan! time to change my lifestyle and eating habit! mag he-hello gym ulit ako starting next week.
  8. nauubusan nako ng magandang dahilan para mag stay sa trabaho ko.pakiramdam ko para akong isang makinang kinakalawang na dahil sa mahabang panahon ay wala akong ginagawa sa trabahong ito..siniswelduhan pero hindi sapat ang natutunan ko!
  9. may mga hinahanap akong pagkaing wala dito! nag sasawa nako sa ulam gabi-gabi, namimiss ko na luto ng tatay ko at namimiss ko na ang ingay sa baranggay namin pati ang araw araw na away sa kanto nakakamiss din!
  10. Pera, pera, pera! mahirap maghanap ng pera! hindi pwedeng umalis ka sa trabaho mo pag napepeste ka at matulog at kumain sa pilipinas na stress free! baka kumain ng damo ang pamilya ko kapag di ako nagpadala at papano na ang mga bills na binabayaran at ang future na hinuhulma para bukas… ang hirap maging mature! ang problema parang di napapagod kakadating sunod sunod…minsan naman magpahinga ka, mapagod naman ganun para naman makapag pahinga din ako sa kakasolve sa mga problemang dumarating…

sabi ng mga doctor much better daw sinusulat ang mga bagay ng nagpapalungkot sayo para makita ng mga mata mo ang mga problemang kinakaharap mo at para madaling solusyunan… epektib ba? depende sa tao yan kung papano natin susulusyunan or tatakbuhan na lang ba natin ang problemang kinasasangkutan natin…

Mga Puna»

1. wei vines - Agosto 1, 2008

sus! kaya naman pala eh…natunugan siguro na nagbabasa ka ng porn kaya ayan, nagka leche leche na! wahahahaha!!!~~~
may nexttime pa.. mahaba pa buhay ng nagbibisyo kaya keep positive lang ;)

2. mahiwagang_sibuyas - Agosto 1, 2008

huwaaww.. i feel for you too.

nakakastress nga tlga yan.
sana malampasan mo yan Mang Bads.

Be optimistic- Madaling sabihin pero mahirap gawin. Yun nga lang, yun ang unang dapat mong tandaan. :)

gudlaks! kaya mo yan. :D

3. rimewire - Agosto 1, 2008

hakhak

sige isulat mu lang ayon kay doktor kuwak kuwak

hakhak

elyens

XXXxx

4. Geisha - Agosto 1, 2008

you can do it!
kaya mo yan! instead na magbabasa ka lang lagi ng blog, give yourself some time reading stress management intries on the web! na stress ka lang! careful ka! that may result to skin disease and other complicated diseases!~ may S talaga! :lol:

and the best solution is : S

bahala ka ng mag isip dun! heheheh :D

5. taps - Agosto 1, 2008

Minsan, hay life.

6. Roxy - Agosto 2, 2008

Naku. Ang hirap talaga magkunwari na may ginagawa sa werk. Nkkguilty noh? lalo na kung iisipin mo na nagbblog ka lang maghapon. haay. I can relate :D :P LOL – Wala akong masasabi tungkol sa problema mo, ito ay normal at malalampasan mo din ang depresyon na ito. :) cheer up dude :D

7. naglalambingnacute - Agosto 2, 2008

bakit kaya month of august parang depress ang tao?
tinamaan ako dun sa pagbabasa ng blog sa oras ng trabaho hihi mukhang guilty…

sabi nga ng iba… lilipas din yan… cheer up! :D

8. aga - Agosto 2, 2008

mapapayo ko lang eh: ALWAYS KEEP BUSY!
kaya mo yan at ang ending nyan eh isang mapayapang bukas!
kidding aside goodluck!
asust :)

9. prinsesamusang - Agosto 2, 2008

next time kumain ka na lang agad ng tsokolate, nakakabawas stress agad yun!

10. mhar - Agosto 3, 2008

make your self busy…ganun lang yun.hehe

11. kamotenista - Agosto 4, 2008

tama isulat ang nasaisip parang maging stress and worry free ang life. ako para akong nakawala sa hawla ko dahil sa kaka-blog ng patago….wahahaha

maganda po ang bagong bahay niyo!

12. trudis liit - Agosto 4, 2008

ako din manong badoy, stressed din.
kaya nga may tumubo nang pagkalaki-laking tigyawat sa mukha ko.. at nakadagdag pa sa stress ang mga taong walang magawa kundi mang-asar twing makikita tigyawat ko.. grrrr! kundi lang ako mabait.. minashing-gun ko na sila! hehe.. =) pero hindi ko naman sila masisi kc malaki talaga.. huhuhu.. pengeng pampa-derma!!

pero sabi nga ng kaibigan ko..
pasan ko ang daigdig..
pero bukas.. luluhod din ang mga tala..

13. themiseducationofzapped - Agosto 4, 2008

Maglakad lakad ka at mag unwind! we deserve to take care of ourselves lalo na ang mga kagaya nating breadwinner. Tama tong ginagawa mo… kung output mo ang pagsusulat gaya ko ( nakitamo naman ang resulta sa pamangkin kong si Buffy.) gogogo!

14. batopik - Agosto 5, 2008

“nakakainis ang isang linggo dalaw ng sipon at ang ubong may laman. yung may halong sipon pag umuubo ka… sarap di ba? gusto mo?” -haha.. may tira pa?? penge! :D

ewan ko lang.. eh pano kung hindimo alam kug bakit ka nalulungkot?? o kaya… pano kung ang dahilan kung bat ka nalulungkot kasi sawa ka na maging masaya?? wahahaha! wala lang! apir! XD

15. rubie - Agosto 12, 2008

parang gusto ko na rin isulat ang mga problema ko… pero alangan naman na isulat ko dito eh hindi ko naman blog to! ahehe ;)