jump to navigation

musika at maskara Agosto 8, 2008

Posted by BADoy in movie review.
Tags: , ,
trackback

may malalim na istorya sa likod ng 5 stages of grief pero diko na isinulat pa sa dahilang sensitibong paksa at baka malungkot lang ako…sa mga nagtatanong kung bakit ko nasulat yun pasensya na pero sa panahong ito hindi ko muna pwedeng isulat yung mga rason kung bakit ko nasulat yun… isa yung malalamin na misteryo sa buhay ko… at hindi pako handang isulat ang mga misteryong iyun…hayaan nyo munang magtakip ako ng maskara sa aking mga mukha…

napanuod ako ng August Rush sa byahe papuntang opisina at nang matapos ko ang movie ay na ispire ako sa mga aral na napulot ko..actually sa blog ni enoch ko napanuod ang trailer at nagandahan ako kaya nag download ako sa torrent kagabi at para mapanuod ko nga ngayon…

madaming aral akong napulot sa palabas ni august rush like trust, unconditional love, parents betrayal, patience, mystery, career, dream, faith, friendship, and music.

  1. TRUST.  minsan madali tayong magtiwala sa mga taong bagong kakilala natin kasi parang may basic instinct tayo na pagkatiwalaan agad based sa anong nararamdaman ng puso natin.
  2. UNCONDITIONAL LOVE. akala ko dati parents-child lang pede idemonstrate ang unconditional love pero after watching this film vice versa na pala ito. i recommend this film, watch nyo.
  3. BETRAYAL. ang parents parating nag dedecide sa buhay natin habang bata pero sometimes mga decision ding sila mali pero sana kung mali sila i-admit kagad nilang mali parang di lumaki ang problema.pride lang kasi yung naghahadlang sa kanila kung bakit di nila maamin e.
  4. PATIENCE. wala pa rin tatalo sa kasabihang PATIENCE IS A VIRTUE. na will keep focus on what you’re doing in life. 
  5. MYSTERY. minsan may mga misteryo si God na ibibigay satin like mga taong darating para tulungan at maging daan para bumangon at magbigay aral. hintayin lang natin yung mga mysteries na ito at wag mo ng idiscover kung saan nangaling.
  6. CAREER. as long na happy ka sa career mo okay na yun! minsan kasi kahit di natin Dream yung job na yun pero kung masaya tayo sa career natin nagiging sucessful tayo.
  7. DREAM. never ever forget your first dream! kung anong gusto mo gawin mo kung hindi pede namang i-integrate ang gusto mo sa trabaho mo.
  8. FAITH.  sometimes faith works! pero wag masyadong mag papaniwala sa FAITH at lahat na lang ng bagay ay iasa sa faith.dapat din pag sikapan ang mga bagay na gusto nating abutin.
  9. FRIENDSHIP. importante parin ang kaibigan na maasahan mo at masasandalan sa kagipitan, yung kasabay mong tatawa pag nadapa ka at iiyak naman kapag kailangang lumuha.
  10. MUSIC. sa sobrang busy natin sa araw araw di natin naririnig ang musikang patuloy na pinapatugtug sa daan. minsan pa nga pumapasok sa ating mga tenga na hindi ito musika kundi ingay lang..

madaming quotable quotes na sinabi ang bidang si august rush na sumapul sa buong intestines ko (long and short)… ito ang tatlong linyang masasabi kong may dating kapag napanuod mo ng buo ang movie…

“if they dont find me, i will find them” 

 “i know there out there somewhere; i dont know where it comes from; but thats where i hold on to; and i cant let go; somewhere inside me; i know that they always wanted me; maybe they just got lost…”

“the music is all around us all you have to do is listen”

 

Mga Puna»

1. Roxy - Agosto 8, 2008

Parekoy! wala kang cbox kaya dito muna :) please have a look on my latest entry, may gift ako sayo!!! ;P http://foxyroxyloxy.blogspot.com/2008/08/08-08-08-beijing-olympics-not-is-this.html

2. trudis liit - Agosto 8, 2008

napanood ka na din po yan.. ganda nga =)

manong badoy, baka may sobra kang maskara jan.. pahiram naman ng isa.. nang matakpan ko tong papansin na tigyawat na to.. hehe

mang badoy: for sale e… 5000 ringgit… gusto mo?

3. naglalambingnacute - Agosto 9, 2008

hmmm.. ganda nga ng quotes.. ge papanuodin ko yan ;)

mang badoy: uu nakaka-inspire download mo lang sa torrent..

4. watusiboy - Agosto 9, 2008

mukhang interesting yung movie. ngayon ko lang ‘to narinig. wala na talaga akong alam sa mga movies

mang badoy: last year payan diko alam kung napalabas sa pinas pero maganda sya..

5. themiseducationofzapped - Agosto 12, 2008

Speaking of faith BADoy, hindi ibig sabihin na pag may faith ka yun na yun. Sabi sa scriptures sa book of James: FAITH without WORKS is DEAD. Meaning hindi pwedeng naniniwala ka na lang na mananalo ka sa Lotto eh samantalang hindi ka naman tumataya!
Kung gusto mong mangarap, ABUTIN mo. may gagwin ka. yan ang principle nun.
Tama/ Mali?

6. themiseducationofzapped - Agosto 12, 2008

Para naman akong nanenermon nun..Hindi ikaw pinagsasabihan ko nito ah.. para to sa mga nangangarap manalo sa lotto pero hindi naman tumataya.

hehehe…

wuv,
TeachER.

mang badoy: opo teacher… nasermunan ako a! heheheh! para rin yang mga mahihirapan na umaasa na bigyan ng trabaho ng gobyerno pero di naman nag aaply at choossy pa sa work na ibibgay sa kanila…