if i am the problem, would you be the solution? Agosto 11, 2008
Posted by BADoy in muni-muni moments.Tags: Life experience, quarter-life crisis, survival of the fittest
trackback
peste namang ka petiksan to! two weeks na wala pa ring trabaho na aasign na task sakin bukod sa pag ba blog! kaya naisipan kong mag send ng mga email with my current CV pero ang tagal tagal ng mga reply ng mga inaplayan kong mga trabaho kaya ito ako ngayon kung ano ano ang iniisip ko… siguro ito yung tinatawag na QUARTER LIFE CRISIS, bwisit! kahit 24 years and 7 months pa lang ako. directly proportional talaga ang age at problem, kasi as we grow old nag iincrease exponentially ang problems natin parang walang katapusan para bang kahihinga mo palang sa isa, tatlo na kagad ang nakapila… parang ang sarap sabihin problem, ano bang problema mo at ang bilis mong dumating at manganak!
minsan ang problema tinutulugan ko na lang kasi pag inisip ko nakakatanda lang yan minsan kailangan lang natin ng fresh mind para maisip ang solusyon sa mga problema. napaka ironic ng buhay, may mga taong parang nung nag hagis ng swerte ang langit cguro may dalang traktora para saluhin ang swerte, yung iba naman binutas ang bubong at tingal para lang makapasok lahat ng swerte sa bahay nila.. how greed di ba? pero thats life, survival of the fittest. we need to be strong, smart and healty in order to leave on this cruel world.
sometimes ang daling mag bigay ng advice kasi wala ka sa sitwasyon nila… pero pag ikaw na ang nasa sitwasyon ganun ang hirap sabihin ng mga advice na binigay mo sa ibang tao… ang hirap pasunurin ang sarili dimo kasi pwedeng murahin sarili mo kasi ang panget naman pakingan… “potah ka mang badoy sabi ko kasi ito ang gawin mo! or gago mu di ba sabi kong wag mong gawin yun, nagpapaka tanga ka nanaman! taena ka ganito lang yan, sabihin mo ganito…!” weird di ba? pero minsan kailangan buhusan ng mainit na kape ang sarili para magisingin ka sa panaginip na ang mundo ay hindi puro sarap, hindi puro sex, hindi fairy tale na happy ang ending!
kailangan balance lahat, puso, utak, gawa, trabaho, family, at religion. kaso parating may kulang so we just leave pag andyan na harapin na lang natin…maging masaya sa kung anong meron at maging kontento sa kung anong asasayo…may reason naman si God kung bakit ganun, wag mo na lang isipin kung ano ang rason mabuhay ka na lang ng masaya at mabuhay ka ng may dangal!
pag dumating ang problema gawin natin silang bisita, papasukin sa buhay natin sandali, mag kamustahan pero wag ikulong sa buhay. gawan ng paraan para umalis at sabihin yun na ba yun? next please…
sya nga naman… wg problemahin ang problema… hahaha
kaya nga ako ayokong nagbibigay ng mga cliche na payo, eh. maliban na lang kung talagang best prend o close na kamaganak, yung tipong pwede kong murahin muna o sapakin bago ako magbigay ng payo.. di naman kasi sa lahat ng oras welcome ang payo ng ibang tao eh. minsan may humihinga lang talaga, pero ayaw patulong. gusto lang na may makinig at makiramay, pero kayang solusyonang mag-isa.
ayokong problemahin ang problema. dahil hindi ko sila nami-miss, at dahil lagi silang umaaligid sa tabi. mamaya lang eh andiyan na naman at kakatok sa pinto.
mang badoy: tama yan… parang hasang hasa ka na sa problema a mami… hehehe!
hayyyzz usapang problema? meron ako nyan. pinapatuloy ko talaga sila kasi wala akong choice, lam ko naman na kahit anong pagtataboy sa kanila may solusyon sila para makapasok. (kung sila meron, tayu pa kaya?) saka alam ko rin na sa labas din ang punta nila pag nagsawa…kaya tama ka mang BADs, indi dapat mashado problemahin ang problema kasi lilipas din yan…ang dapat solusyunan at indi dagdagan.
nabuhay si wifeybee at aling baby!!! wow thanks sa pag bisitang muli… matagal tagal ko na kayo di nadalaw a…
Ayan nanamn ang pamatay mong “next please” hehe you know what, wierd, but that line really helps. Kind of therapeutic in a way. haha nakakapagpagaan ng loob kahit konte.
mang badoy: dapat naman positive ang outlook sa buhay kasi everyday may problem every moment of our life mayroon na nyan so kailangan maging handa at matatag!
well i think kaya mo yan!!
wag masyadong isipin baka mapraning!!!!
asust
mang badoy: wala po akong problema… sanay nako dyan… naisip ko lang ang entry na to… hehehh!
hahaha…naku tumataba ka na ata sa sobrang petiks
mang badoy: no comment!
bloghopping.
mang badoy: balik ka ulit..
ehh mang badoy … papaano ehh kung yung problema feel at home at ayaw umalis sa pamamahoy mo? … what should one do?
all my problems in life seems to be makakapal ang mukha … no matter how hard i try to ignore them or sort them out … ayun hang out pa rin sila sa tabi-tabi … minsan nakaakbay pa sa balikat ko!
paksiyet!
mang badoy: dapat hinaharap yan hindi ini-ignore… kung makapal ang muka tirahin mo sa puso, i mean kausapin mo pag di kaya sa salita sa batas daanin! haahhahaha… pede mo sya idemanda ng harassment kasi nakiki akbay di ba?
i’ll add ou sa blogroll ko!
mang badoy: salamat mam! add din kita!
oo nga.. may narinig din ako dati.. ang problema daw ay parang baso din ng tubig.. magaan sya sa simula kapag binuhat mo.. pero kapag hinayaan mong magtagal,nakakangawit na din at parang nagiging mabigat na.. so once in a while ibaba din natin sya at kapag nakabawi-bawi ng lakas e tsaka buhatin ulit..
mang badoy: ayos sa analogy a… baso naman! may point a pero mahirap intindihin pag baso ginamit e… hehehe!
That’s the right attitude! anubayan badoy napipiktyur ko para kang weyter sa isang restaurant na nag wewelcome sa problema na parang guest! hahahaha!
Pero sabi nga, ull never really appreciate how good it is to be on the peak without passing through the lowest valley.
in fact, WHAT DOESNT KILL YOU, WILL ONLY MAKES U STRONGER.
Waka na lungkot jan. smile naman! Hayan na yung problema oh!
nyahahaha!
mang badoy: ganun naman talaga… positive naman ang outlook ko feeling ko lang kasi nasasayang ang talent ko sa opisinang ito… i dont inspire people kasi wala nakong hawak na tao… and sometimes parang feeling ko kasi they dont expect anything from me but i can give more but i cant give more kaya nga nila ako hinire dito pero close minded sila…i better look for a new job
ahahaha! ang galing mo siguro sa math mang baDoy??? may pa increase exponentially ka pa eh!!!
at oo nga naman.. problem bakit ba kasi ang bilis mo nga naman dumating at manganak…
ganyan na nga kasi siguro yan.. abnormal kasi pag walang problema.. meaning lahat tayo may problema, kanya kanya nga lang talent kung paano paalisin si problem sa buhay…
mang badoy: uu magaling ako sa math pati sa higher math…engineering kasi corz ko nung college kaso diko rin nagamit..hahahah! talent talaga ang katapat nyan buti ka pa magaling mag solve ang talent ko lang tumulay sa sitaw na gamit ang isang kamay e…
ah quarter life crisis pala tawag doon… gets ko na… heehhe