jump to navigation

divirginized Agosto 29, 2008

Posted by BADoy in Life experience, buhay malaysia.
Tags: , , ,
trackback

kahapon, napagdaanan ko ang 5-stages of grief dahil isang karumal-dumal na pang-yayari na naganap sa aking buhay at magmamarka ito sa aking pag-katao habang buhay… sa mga di pa nakakabasa ng 5-stages of grief andito ang link

lugar ng insidente:   Villa Puteri Condo PWTC, Kuala Lumpur Malaysia
oras ng pangyayari: alas otso ng umaga
nag-reklamo:            mang badoy
ini-reklamo:              salem
saksi:                         ang aking pinsan na natutulog bago ang pangyayari
extra:                    dra. mary matilda

detalye:
nag ring ang alarm ko at hudyat na ito ng aking pag-gising. dali-dali akong bumangon para mag-asikaso ng almusal at gamit na isusuot para sa opisina… konting hi and hello sa bintana at thank you kay God para sa another day na nagising akong buhay.. pag-tapos kong mag hugas ng pinag kainan ko ay tumuloy ulit ako sa kwarto para kunin ang towel para maligo… pag kuha ko sa towel napansin ko na wala sa ayos ang kama kung kayat tinulak ko ito papasok at ng hinugot ko ang paa ko… boom! boom! baba boom! tumagas ang dugo mula sa hinlalaki ng aking kaliwang paa parang gripong ang tagas ng dugo kaya humingi akong saklolo sa pinsan ko… nilagyan ko ng bedadine at bulak ang aking duguang hinlalaki na virgin pa sa mga krimeng ganito…ng matapos ang tagas ng dugo nakita kong halos matanggal ang kuko ko… para konting push na lang wala ang one fourth ng aking kuko… how sad!

script:
mang badoy: pasenysa diko alam na may matulis na kung ano sa ilalim ng kama
hinlalaki:  packer ka! di ka kasi nag-iingat alam mo namang virgin pa ako sa mga ganyan…
mang badoy: tarantado ka pala bakit ka kasi kumapit sa matulis na bagay.
hinlalaki: basta matulis masarap kapitan
mang badoy: tado ka! duguan ka ngayon! nadivirginized ka pa ni salem.. matulis tong si salem bed…
hinlalaki:  pinasok ko naman swabeng swabe, at nung hinatak mo di pa nya natanggal yung matulis kaya nasugatan ako…

dinala ko sa doctor na malapit sa amin at heto ang pag uusap namin:

dra mary:   what can i do for you?
mang badoy: can you give me some medicines?
dra mary: for what?
mang badoy: for my wound
dra mary: where is your wound.
mang badoy: secret, its up to you to find out. just kidding! here it is.. (**i show her my bloody finger)                                                                                                                                                  
dra mary: yikes! what happened?
mang badoy:  (**kupal to! nauubusan nako ng english) i bumped to the corner of my bed. [...] (** explain to the max in english)
dra mary: do you want me to cut your…
mang badoy: (** napahawak sa tite, baka putulin) what are you going to cut?
dra mary: your fingernails? or you just want to leave it and wait for it to fell off?
mang badoy: (** exhale) just leave doc.

at nilagyan nga ng ointment, gamot at benda (dressing in english) ang aking na divirginized na kuko… inabot din ng Php 750 pesos ang kuko ko grabe kuko lang umabot na ng ganun kasi nag injection pa sila ng anti-tetano sa akin plus mga sandamukal na gamot.. buti na lang may health card ang company namin at sagot nila ito, hehehe! walang gastos plus may reason pako na mag stay the whole day sa bahay…gusto nyo makita ang aking kuko check nyo tong link

Mga Puna»

1. akosimakoy - Agosto 29, 2008

hahaha DEVIRGINIZED talaga> hahaha! kala ko kung ano na eh… heheheh!

badoy: ganun talaga parang movie yan kung may recall at kaka iba ang title dudumugin ng fans… kaya dapat unique ang title…

2. rio - Agosto 29, 2008

tsk tsk tsk…mukhang ang sakit nun nangyari sa kuko mo ah..
kasi naman si salem e…hindi nag iingat..ayan tuloy nadale nya si kuko..=)

badoy: wala akong naramdaman kasi hindi nako virigin e… kung sa babae, maluwang na ika nga kelangan na pumunta kay vicky belo para pasikipan… heheheh! joke lang!

3. utakmunggo - Agosto 29, 2008

dapat binuhusan mo muna ng alcohol para patay ang gurrms,.. and then saka ka na pumunta kay dr. watserface.

eto ang naging litanya ng hinlalaking toe mo:

“aruguuuuy fonyetamfutikfutik litsi farkin snyet!”

4. watusiboy - Agosto 30, 2008

ouch, sakit naman nyan mang badoy. mahirap magblog nang walang kuko. hehe.

5. Aling Baby - Agosto 30, 2008

hehehe…yan kase…sa pagmamadali kung saan-saan ka tuloy natutusok. :) maybe its time to buy a new bed di kaya?

:)

6. Roxy - Agosto 30, 2008

SIYET! Kawawang kuko!

Mag ingat naman next time! ayos yun ah. baba boom! lol

7. trudis liit - Agosto 31, 2008

sakit yan

8. Ejiikiieru - Setyembre 1, 2008

ouch! .. that something i would never ever want to experience … maging virgin na lang sila buong buhay nila basta di ko lang maexperience yang agonizing pain na yan!

9. ifoundme - Setyembre 2, 2008

yikes! isang malaking krimen nga yan sa isang nanahimik na hinlalaki at kuko! kaya dahil dyan, aba, may magsasuffer dapat. hihihi!

badoy: at ako ang nag suffer hehehe!