ikaw, sino ang idol mo? Setyembre 2, 2008
Posted by BADoy in General, travel and Leisure.Tags: bioman, dingdong dantes, gossip girls season 2, malaysia, marian rivera, north korea, prison break season 4, shaider, thailand, x-men
trackback
narinig kong nag-uusap ang tatlong mokong bata sa labas at dahil minsan may mga gintong aral silang punch line nakinig na naman ako sa tatlong bagets na ito.
miguel: sino idol mo?
mark: idol ko si dingdong ang galing nya sa dyesebel
miguel: ako idol ko si bossing vic kasi nakakatawa sya
alfred: ako idol si marian kasi ang ganda nya at ang galing lumangoy sa dagat..
kaduda duda ang batang ito di kaya …. ano sya???
lahat: bakit si marian, e babae sya? bakla ka siguro…
alfed: hindi ako bakla!! gusto ko lang talaga si marian…
sige lubayan na natin si alfred, tutal bata pa sya… baka may identitiy crisis lang sya sa ngayon hehehe!
balikan natin ang sina unang panahon , ang tinuturing ng mga sinaunang pinoy na dyos ay mga bato na kinurbang tao na kalaunan ay naging anito.. ginawa nila ito idolo at diyos na pinaniniwalaan nilang gumagabay sa pang araw-araw nilang buhay. sa henerasyon ng aking mga granny at granpy, idolo nilang maituturing ang mga lider ng bansa at mga naging bayani. naalala ko na si shider at blue three ng bioman ang idol ko kasi may powers sila at sa x-men naman si gambit kasi nakaka tuwa ang mga ‘da moves nyang gamit ang stick na wala stick na nahahati paminsan minsan. sa panahon ngayon, iba na ang ibig sabihin ng idolo kasi dapat meron sila nito:
-
may show sa kapamilya or kapuso
-
dapat nasa primetime show
-
may malaking poster sa edsa
-
endorser ng kilalang produkto (tv, ads, or prints)
-
may sarili kang sex videos sa youtube or phone na kalat na kalat thru bluetooth
medyo iba na ata ang konsepto ng mga bata ng idolo kaya naman pag nakikita rin nila ang mga idol nilang naninigarilyo at nagmumura, ginagaya rin nila.. totoo pero siguro sa ngayon ganyang kalakas ang kapangyarihan ng media na pwedeng good at pwede ring bad influence sa mga mata ng manunuod na pinoy…
sa ibang bansa like malaysia at thailand, makikita mo ang mga mukha ng hari at reyna sa kalsada at yung iba naman may naka frame pang picture ng kanila hari at reyna sa kanilang negosyo sa mall. sa north korea nga, dinaig pa nila ang giant budha ng thailand dahil mayroong giant rebulto na sinasamba nila na at nirerespeto kaya naman bawal kuwanan ng picture…
hindi masama ang magkaroon ng idolo pero wag nating kalimutan na tao rin sila nasasaktan, napapagod at nagkakamali kaya hindi lahat ng kanilang ginagawa ay tama o mali. alamin pa rin natin kung ano ang dapat tularan at hindi sundan…
mamaya na ang 2 hour season premiere ng prison break 4 at gossip girls 2…
p/s
happy 26th monthsary bebeko! muah!
wahahaha~!! theyre watching too much TV!
ehh malay mo naman, si crush lang niya si marian, hindi idol
badoy: sana nga!HEHEHE
idolatry!
kasalanan sa 1st sa 10 commandments ni God.
guilty ako dyan. idol ko si ely buendia. kinder pa lang ako idolo ko na sya. hindi naman ako obsessed fan kaya hindi naman siguro ako nagkakasala kung hangaan ko ang husay ni Elyboy.
badoy: may utang pa pala ako sayo diko pa nababasa ang mge entry mo… try ko this week…. busy busyahan ako e.. hahah!
yeah..
ako dami ko idols hehehe with “s” talaga,
pag may hinahangaan ka kasi, may tinutularan ka, may pangarap ka na maging tulad n’ya..
pero kung idol mo si marian at lalake ka.. taena! nyahahahaha..
btw, idol ko si Howie Severino kaya gusto ko mag masscomm before kaso, hindi ko natupad.. ayun hanggang pangarap na lang ako.. pero idol parin forlife yeah \m/
kaw sino idol mo?
badoy: many to mention, gusto ko rin si howie, jessica soho, kara david, mon tulfo at korina sanchez. sa business naman si donald trump, robert kiyosaki, paolo bediones at si oprah. sa shobiz wala akong idol crushes lang like si catherine zeta-jones tapos sa porn naman secret na yun
post ka naman picture ni bebe mo
badoy: gusto ko rin sana para sweet kaso ayoko makilala e… much better na maging mysterious blogger… hhehehe
salamat mang badoy ngayun alam na nila na napakahirap din talagang maging idol.
badoy: oo nga e, talagang mahirap maging idol kaya nag resign nako dun brother in law… hahahah!
di pa naman kasal yung kapatid mo tsaka yung bf nya kaya pede pang humabol… hehehhe!
may idol ba ako? parang wala…
gusto ko siguro yung character na piportray nila pero hindi yung actor o yung actress…
hay ganyan na ata yung mga new generation puro nalang TV at computer games.minsan tanong ko sa sarili ko kung may funny or bonding moments ba mga ito about their childhood days na pwedeng i-kwento sa mga susunod na henerasyon nila?…*sad*
oo nga naman. baka nga crush niya lang si Marian. sa kabilang banda maaaring gusto niyang maging sirena… eh ano naman meron namang mga sireno ah…
Idol ko si George Estregan SR.
You wanna know why?
Tenentententen…tententen….
baka gusto nya rin maging sirena…haha! idol ko din si Vic sotto
naloka naman ako kay alfred.
mang Badoy, pwede bang ikaw nalang ang idol ko?
)
e ikaw nga idol ko e leyn
pakulit lang ulet ha… wala akong makakulitan eh…wag na nating pagdiskitahan ang kasiraan este kasarian niya.. baka naman kras nya si dingdong este si marian pala…-glesy the great;p cheers
http://anakngpiso.wordpress.com/
oo nga no? sino na ba type ko ngayon sa mga local artists natin?
ayokong ikategoryan na idol yung mga nagugustuhan kong celebrities. kasi di ko kaya at di rin tama na makipagpatayan para lang sa artista.
type ko si john lloyd at echo kasi magaling silang actor
si maja kasi magaling na umarte pati na magsayaw
type ko rin sina beyonce, shakira, at alicia keys
tas ganda at guwapo naman sina catherine zeta jones, katie holmes, drew barrymore, tobey maguire, at bae yong joon hehehe…
alam kong tao sila at maaaring may kanya-kanyang sekreto o bad side…pero dahil sa tv o sine ko sila nakikita hanggang doon lang din ang alam ko at hangganan ng aking paghanga sa kanila. hehehe…