jump to navigation

who me???

isa akong bayaning pilipino in short ofdobolyu (OFW) na nag ta-trabaho sa kapitbahay ng pinas ang MALAYSIA… Bente kwatro anyos sa gulang sa sobrang gulang e naisipang mag-blog habang nag-tatakbo ng mga jobs sa opis(parang script na ginagamit upang makipag usap sa kumpyuter at iutos ang gustong gawin diko na alam kung papano i-eexplain, try nyo i google yung JCL. yun na yun!)… Tumapak! Isa akong programmer na walang magawa kundi humarap sa kumpyuter na minsan napag kakamalan ko ng salamin sa kakatitig ko araw-araw, minuto-minuto, naway malampasan ko ang addiction ito… hahahah

isang adik na taga subay-bay ng mga blog ni badoodles at g-spot ni giselle sanchez… sa sobrang tagal nilang mag-post e naisipang kong lumikha ng sariling akin ng sa gayon ay makatulong sa mga kagaya kong OFW na batong-bato sa ibat ibang bansa at walang magawa…

sa mag-tatanong kung single pa ako sorry po, i am very much inlove sa aking butihing asawa si Bebeko(pero d pa kame kasal but we’re getting there)… sa mga magtatanong ng aking yahoo id mangyari lang po na sumulat kayo sa comments upang maipadala ko sa email nyo ang id ko…. mayroon din ako friendster at multiply ngunit takot akong sugurin nyo at lagyan ng kung-ano anong mensahe so by request na lang…at susubukan ko pong makipag-ugnayan sa inyong lahat… 

24/06/2008:

dahil malakas kayo at malakas din ang dating ng mga tao sa site ko naisip kong gumawa ng sariling email address pra lamang sa site na ito pero mga ka-blogista pina-paala ko lang na wag po kayong sasali sa mga kung ano anong site na gamit ang email ko please lang pede dun sa mga pornsites oks lang na site! heheheh! kung may gusto kayong pabati or ipasulat na topic or humingi ng opinyon/suhistsyon ay mag tatlong isip muna kayo bago mag email sakin… at kung pera ang kelangan nyo e hindi po ako banko.. back off please lang… ahihihi… dyok lang! pero pag-usapan natin! marami namang ways to gain money (malinis yan hindi malaswa)..

email: mangbadoy@ymail.com

Mga Puna»

1. SuperPAURONG - Hunyo 18, 2008

ah. akala ko nga single ka pa. nakakatuwa tlg. nakakatuwa ka magsulat hehehe. may asawa na pala. hello hello.

2. berting - Hunyo 18, 2008

pupunta ako ng indonesia,
ipapadala ako para magaral ng kung ano dun ,,
aalamin ko na rin kung bakit ang iisang piraso ng daster nila dun
ay 300,000 rupi na agad..
sana may mga nakakatuwang moments din ako papunta dun
and during my stay dun!

3. utakmunggo - Hunyo 18, 2008

dyaraaaaannn!! clap! clap! isa ka rin palang ofw.
ako nama’y narito sa inglatera kasama ang aking kabiyak at dalawang anak. marami-rami na rin tayong nahiwalay sa pinas na nagba-blag.
kelan ba kasal nyo ni bebemo? pa-burger ka ha. (kapal no?)

4. FerBert - Hunyo 19, 2008

mang BADoy!!! salamat sa pagdaan! chever lang ng chever kung ano man ibig sabihin nun… ~weeee

5. batangbughaw - Hunyo 21, 2008

magaling na bata!

6. eLLesiRk - Hunyo 21, 2008

heeey, isa nanamang nakakatuwang blag ang nahagilap ko! dami na tlgang naiinspire ni ka-badoodles! hehe
more power sa blag mo ha! :D :D

7. kengkay - Hunyo 23, 2008

kapitbahay kita dati, sa thailand naman ako nag work :D

8. linapuhan - Hunyo 25, 2008

oh mang badoy bakit walang picture? lagyan nyo para galante ang dating. hehe

9. mahiwagang_sibuyas - Hulyo 9, 2008

Mang BADoy, natowa naman aku sa imong blug. aku den, imperness, binasa ku den lahat detu susme. nakakaadik ka!
Aaaaapir!*

10. trina labandera - Hulyo 16, 2008

Ako si Mang Badoy kapatid ni Mang Tomas na kapitbahay ni Aling Mameng na pinsan naman ng labanderang si Inday.

–sino si inday?! ahahaha

11. JedMeister - Hulyo 29, 2008

nakakatawa ang blog mo! ang ganda! pwede xlinks tau? :)

12. JedMeister - Hulyo 31, 2008

na-link na po kita! :)

13. yhen - Hulyo 31, 2008

napadaan lang po… nakaka aliw po mga sinulat po…

14. themiseducationofzapped - Hulyo 31, 2008

Hay nako BADoy. anjan ka pala sa kabilang isla. kmusta ka naman jan?

15. ghelai - Agosto 2, 2008

nakakatawa nman poh kau…wehehe..magbigay pa nga poh kau ng tungkol sa sign na scorpio at saguittarius..tnx poh

16. len - Setyembre 2, 2008

hehe.. i was just trying to search something..i found you. nakakatuwa, very real. parang i’m just listening while you tell the story of your life. minsan nami miss ko na rin magsulat..

17. BADoy - Setyembre 2, 2008

sige tuloy tuloy lang pag-susulat mo at pagbabasa hehehe :) sabi nga nila chever lang ng chever…